"Eden! Come on!" I heard Rach as she pulled the blanket away from me. "It's my special day. We should celebrate!"
"Sa Lunes pa naman ang birthday mo. Saturday pa ngayon," reklamo ko sa kanya sabay hila ng kumot pabalik sa akin.
"May sakit ba yan?" Boses ni Joerex.
"Wala. Nag-iinarte lang," sagot ni Rach sa kanya.
"Buong linggo akong nagtatrabaho kaya magpapahinga ako sa sobrang pagod," paliwag ko.
"Sige na. Ininvite ko si Savin, Oliver at Ralph. Kakain tayo ng dinner pagkatapos ay magpaparty," aniya. "Treat daw ni Oliver ang drinks dahil matagal na noong huli tayong nagkita."
Inalis ko ang kumot sa pagkakatakip sa akin at umupo para harapin silang dalawa na bihis na bihis na. "Bakit mo sila ininvite?"
"Bigla kasing nagchat si Oliver noong isang linggo," nakangiting sagot ni Rach.
"Ang rupok," komento ni Joerex.
"Sige na... ngayon lang sila nagkasabay ng free time kaya ngayon ako nagset ng date," ani Rachel.
I got out of bed and told them to wait for 10 minutes. I took a shower today already, so I didn't think I had to take it again since I stayed the entire day today in the apartment, maybe when we returned here later after partying.
I picked out my black square neckline with tapered shoulder straps and basic flare mini dress. It had a tight-cut bodice and a high waist. The top was actually tailored out of the extra fabric I gathered from my previous projects and bought for the skirt.
I decided to wear flat sandals so I could walk comfortably. I washed my face and put on makeup before fitting my dress in front of my full-length mirror. It was pretty simple, and I liked it. For my hair, I gathered the front sides of my hair and twisted them together before clipping it with my small clip.
Matagal na noong huling makasama kong magparty ang tatlo. Hindi ko din nakakasamang magparty si Jair pero palagi namang sumusulpot kaya nauumay na ako sa presensya nya.
Lumabas na kami at sasakyan ni Joerex ang gamit namin. Nasa backseat ako at nagsusurfing sa social media accounts ko at nagtitingin ng pictures ng mga runway shows. Susunod na ako sa kanila at hindi na nagtanong kung saang restaurant kami kakain.
"Sayang wala si Jair," rinig kong sabi ni Joerex.
"Kailan ba sya babalik dito?" tanong ni Rach sabay baling sa akin dito sa likod.
"Hindi ko alam," tanging sagot ko.
Ibinalik ko ang phone ko sa pouch nang makarating kami ng basement ng isang mall. Dito piniling magparking ni Rach at kailangan pa naming lakarin ng isang minuto papuntang restaurant na sinasabi nya.
Wala pa sina Oliver at masyado kaming maaga. Pero masyadong positive si Rach at sinabing mas mabuting nauna kami. Binigyan kami agad ng menu pagkaupo sa lamesa.
Kalaunan ay sabay na dumating sina Oliver, Ralph at Savin. Ngumiti ako sakanila atsaka kami nagkamustahan. Ilang buwan din kaming hindi sila nakahang out.
Ngumiti ako kay Savin. "You finally had a time to party."
"I had a lot of free time recently," he answered.
Natawa ako. "Ako naman yung sobrang busy."
"You're working so hard so it's reasonable. Hanging out like this is helping," aniya.
Umupo sa tabi ko si Savin atsaka kami sabay na nag-order ng makakain. Grilled chicken lang ang order ko atsaka lemonade. Habang naghihintay na maiserve ang pagkain namin ay nagkwentuhan kami tungkol sa mga ganap namin ng nakaraan.
BINABASA MO ANG
PARADISE OF THE DEVIL (GONCALVES 1)
Roman d'amourWarning: MATURE CONTENT | R-18+ Love is overrated, for Jair Amos Goncalves, by all means. It is nothing but a wild goose chase. Given his history with relationships, he dispatches that women want only his money and clearly his evil expertise in bed...