INILAPAG sa harap ni MG Cerino ang bangkay ng dalawang lalaki na inutusan niyang bumaril kay Agapito Lopez. Pinakawalan niya ang alagang tigre at hinayaang sakmalin ang kamay ng mga ito.
"Kung ano ang matira sa katawan nila, iyon na lang ang dalhin n'yo sa crematorium," utos niya sa mga miyembro.
"Ibang klase ka rin minsan, MG. Pagkatapos mong pakinabangan ang kanilang serbisyo, ipaliligpit mo na lang na parang basura," sabi sa kanya ng deputy niyang si Valiento Garcia.
"At hindi ka rin naman nag-iisip minsan, Valiento. Ngayon lang tayo kumuha ng tao na hindi natin miyembro para magsagawa ng krimen. Dapat lang na itapon natin sila pagkatapos gamitin. Baka mamaya, iyan pa ang maglaglag sa atin."
"Bakit naman kasi kailangan mo pang kumuha ng outsider?"
"Dahil hindi na bago sa lahat na isa si Senator Basco sa mga notable politicians na member natin. Kung anuman ang mangyari kay Agapito, tayo ang unang iisipin ng lahat na gumawa n'on para pagtakpan ang mga baho ni Senator. That's why we need an outsider to do this job. Para kahit mahuli man sila sa kung saang footage na hindi natin alam, at least makikita nilang hindi kontektado sa atin ang dalawang tao na 'to. Hindi mo ba naisip 'yon, Valiento?"
Inirapan lang siya ng lalaki saka hinugot sa gilid ng sinturon ang makintab nitong Katana. Pinagmasdan nito ang sariling repleksyon sa talim niyon saka muling sumagot sa kanya. "Magbubukas na naman ang pasukan sa mga unibersidad."
"Yeah," matipid niyang sagot sabay dukot ng vape sa kanyang bulsa. "This is the perfect opportunity to do a mass recruitment. Kailangan nating magparami muli."
"Sana lang mas higpitan mo pa ang pagpili sa mga neophyte. Ayoko nang maulit ang sakit ng ulo natin noong nakaraang taon."
"Huwag kang mag-alala. Mas nauna ko nang naisip 'yan kaysa sa 'yo!"
Noong nakaraang taon kasi, nalagasan sila ng maraming miyembro dahil sa naganap na frat war kung saan nakalaban nila ang Alpha Sigma Pi na pumapangalawa bilang pinakamalakaing fraternity sa buong bansa.
Bagama't silang mga Spaterion ang nangunguna pagdating sa bilang, nagawa pa rin silang daigin ng Alpha Sigma Pi sa kauna-unahang pagkakataon. At hindi niya iyon tanggap. Kaya naman ngayon, nais niyang maparami uli ang kanyang mga miyembro para mapalitan ang mga nalagas noon at makapaghiganti sa karibal na tribo.
Pero sa pagkakataong ito, mas hihigpitan na niya ang proseso at initiation rites para makasiguradong matitibay at malalakas lang ang makapasok sa kanila.
Our Point on Earth is Domination. Iyan ang makulay na motto ng Kappa Delta Upsilon. Wala silang ibang goal sa buhay kundi ang magparami, magpalawak ng koneksyon, at maging hari sa bawat lugar na kanilang nasasakupan.
"YEAH, everything is alright, son. You have nothing to worry about," sagot ni Don Frido habang kausap si Maverick sa cellphone. Wala itong kaalam-alam sa mga babaeng nakapalibot sa kanya habang masarap ang pagkakaupo niya sa sofa ng opisina.
"Si Crisanto pala, 'tay, kumusta?"
"You mean, Dante?"
"Ano?"
"Ah, I mean Crisanto, yeah. And ugh, yes! Okay lang naman siya. Malaki na ang alaga mo, Maverick. Hindi mo na siya kailangang kumustahin na parang bata."
"Ano naman ang ginagawa niya ngayon d'yan? Sinusubukan ko siyang tawagan kanina pero out of coverage ang number niya."
"Marami lang siguro siyang pinagkakaabalahan."
"Tulad ng ano? Nabanggit nga pala niya sa akin na may importante raw siyang aasikasuhin d'yan kaya naisipan niyang magbakasyon. Alam n'yo ho ba kung ano 'yun?"
BINABASA MO ANG
Dante Must Die
ActionAfter becoming the grand champion in a death match, an MMA fighter returned to his birthplace to take a revenge against the powerful fraternity who killed his father. Can he beat them all?