Chapter 27: Catching the Predator

107 14 0
                                    

SINAKOP na ng mga putok ng baril ang buong loob ng Nexus. Mabilis na lumabas sa lungga si Don Frido at nagpaputok ng limang magkakasunod na beses. Lima rin sa mga tauhan ang natamaan niya nang walang nasasayang na bala.

Mabilis ding lumabas sa pinagtataguan ang iba at nagpaputok sa kinaroroonan niya. Agad naman siyang nakapagtago muli sa kanyang lungga at naglagay ng panibagong set ng bala sa baril niya.

Nang makahanap ng tiyempo, mabilis siyang gumulong sa lupa at lumipat sa isang dingding. Saka siya muling nagpaputok ng tatlong magkakasunod na beses sa direksyon ng mga kalaban. Tatlo uli sa mga Spaterion ang natamaan niya.

Bukod sa kanya, may iba pa siyang mga kasama sa upper floor na tumutulong din sa pagpuksa sa mga nakapasok na kalaban.

"Ilabas n'yo na si Logan kung ayaw n'yong magkamatayan pa tayo rito!" sigaw ng isang Spaterion sa kanila.

"Makukuha n'yo lang siya kung mauubos n'yo kame. Pero parang kayo pa yata ang nauubos ngayon sa akin! Mga walang kuwentang bata!" sagot naman dito ni Don Frido habang nakikipagpalitan ng bala sa mga kalaban sa paligid.

Ngunit hindi nagtagal, unti-unti na ring inubos ng mga ligaw na bala ang mga kasamahan niya sa taas hanggang sa siya na lang ang matira.

Habang abala ang matanda sa pakikipagbarilan, hindi na niya napansin ang ginagawang pagkalag ni Logan sa mga tali nito sa kamay. Ginamit nito ang buong puwersa at lakas para maluwagan ang pagkakatali ng mga lubid.

Ilang oras din nitong ginawa iyon bago tuluyang nakalag ang mga tali. Nang makatayo na ang lalaki, agad itong luminga sa paligid at naghanap ng armas na magagamit nito.

Tatlong bala pa uli ang pinakawalan ni Don Frido na tumama naman sa tatlo pang mga Spaterion sa paligid niya. Kahit marami na sila, hindi pa rin nila magawang patamaan siya ng bala. Sadyang nasa larangan talaga ng shooting ang talento niya.

Kahit medyo kulubot na ang balat, malakas pa rin ang reflexes ng kanyang katawan para gumulong at umilag sa mga balang lumilipad sa paligid.

Marunong din siyang bumasa sa movement ng mga kalaban niya kaya mabilis siyang nakakaisip ng susunod na gagawin para iwasan ang bala ng mga ito.

Habang naghahanda pa lang siya sa muling paglabas sa lungga, isang malakas na puwersa na ang dumapo sa batok niya. Nabitiwan niya ang baril at agad bumulagta sa lupa.

Nahinto naman sa pagpapaputok ang mga kalaban nang masilayan nila ang paglabas ni Logan na may hawak na baseball bat.

Agad itong nilapitan ng mga kapwa Spaterion at nakipagsalubungan ng kamay. "Wala munang aalis. May kailangan tayong gawin ngayon. Itali n'yo muna ang matandang ito pero huwag n'yong papatayin!" makapangyarihang utos nito sa mga miyembro.

"Copy, Master!" sagot agad dito ng ilan sa mga kasamahan.

PAGKASAKAY ni Dante sa kanyang motor, naramdaman niya agad ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa niya. Inisip niyang baka may importanteng update uli sa kanya si Mike kaya sinilip na muna niya ito.

Pero pagbungad sa screen, pangalan ni Don Frido ang nakita niya. Naalala niya ang bihag nilang si Logan na binabantayan nito kaya agad niya iyong sinagot.

"Abuelo, kumusta na kayo d'yan? May nanggulo ba ulit sa Nexus?"

"I'm glad you answered, Dante!" Nagulat siya dahil boses ni Logan ang narinig niya. Agad siyang nakaramdam ng pagkaalarma.

"Hayop ka! Bakit ikaw ang sumagot! Nasaan si Don Frido!"


"Oh, just in case you didn't know yet, wala na kami ngayon sa Nexus. If you want to save this old man here, try to find where I'm hiding!"

Dante Must DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon