20 FACTS ABOUT DANTE MUST DIE
Special Episode: Facts and Trivia
Hi Readers! Nais ko lang ulit magpasalamat sa mainit n'yong suporta sa DANTE MUST DIE mula umpisa hanggang sa huli. Hindi ko ine-expect na papatok ito sa inyo. ^_^
Kaya naman bago magtapos ang era ng series na ito, nais ko lang ihandog ang special episode na ito na naglalaman ng iba't ibang trivia/facts about DMD na maaaring hindi n'yo pa alam. Kaya kahit hindi na ito parte ng kuwento, sana basahin n'yo pa rin hehe kaya heto na po...
Anu-ano nga ba ang 20 BAGAY na dapat n'yong malaman sa DMD series?
Fact #1: Original Title
Alam n'yo ba na ang original title nito ay NEOPHYTE. Dahil nga tungkol sa hazing/fraternity ang plot nito, Neophyte ang unang pamagat na ibinigay noon ni author dahil tungkol ito sa isang MMA Fighter na magiging neophyte ng isang fraternity na pumatay sa kanyang ama.
Pero noong nasa kalagitnaan na siya ng kuwento, naisip niya na baka hindi ito mag-click sa mga readers dahil bukod sa one word lang ang title, baka hindi rin ito maintindihan ng karamihan.
Ang salitang neophyte kasi ay isa sa mga term na hindi pamilyar sa mga taong hindi miyembro ng fraternity or any organizations na gumagamit sa word na ito. Kahit nga si Draven, ngayon lang din niya nalaman ang tungkol sa word na ito dahil na rin sa pag-research niya about sa mga fraternity.
Kaya naman naisipan niyang palitan ito sa paraang mas ma-a-absorb agad ng mga readers yung title. Hanggang sa dito niya maisip ang title na Dante Must Die.
Fact #2: Prologue Didn't Exist
Alam n'yo ba na sa original version nito, hindi naman talaga kasama 'yung Prologue sa kuwento? As in walang ganoon. Ang pilot episode nito ay ang Chapter 1 na mismo kung saan in-introduce ang Deathsport MMA pati ang championship match nina Crisanto at Rohaan. Samantalang ang Kappa Delta Upsilon at ang mga fraternity element naman ng kuwento ay sa Chapter 4 na in-introduce.
Pero na-feel ni Draven na baka ma-out of place ang mga readers kapag naging aksyon na agad, lalo na't ito ang kauna-unahan niyang subok sa Action genre, at hindi siya sigurado kung magki-click ba ito sa mga readers o hindi.
Kaya para hindi mabigla ang mga readers, four days before the premiere, naisipan niyang gumawa ng Prologue at dito na nga niya in-introduce ang tungkol sa hazing para maging aware ang mga mambabasa na fraternity/hazing ang main element ng kuwento na may halong martial arts/combat sport element.
Kung pupunta kayo sa Dreame account ni author, doon n'yo makikita ang original version ng Chapter 1,2, and 3, pati ang original title. Walang prologue.
Fact #3: Logan Cerino's Real Name
Alam n'yo ba na sa unang version ng kuwento, Roman Cerino talaga ang pangalan ni Logan. Katunayan nga, nang matapos na ito ni Draven, agad niyang ini-save sa Wattpad ang mga episodes bilang drafts para kapag nagsimula na ang kuwento ay ipa-publish na lang niya ito nang diretso. Kaya naman Roman ang pangalang nakalagay roon.
Pero a week before the start of the series on Facebook, naisipan niyang baguhin yung pangalan ni Roman dahil masyado itong katunog ng pangalan ni Rohaan (Ahmad) at baka magdulot ng kalituhan sa mga readers, kaya pinalitan niya ito bilang Logan.
Pero kung isa ka sa mga nakabasa ng advanced episode sa Wattpad, mapapansin mo na Roman pa rin yung pangalan niya roon hanggang Chapter 10, kaya naman nang may reader na nakapansin dito, agad itong in-edit ni Draven at ipinalit ang bagong bersyon ng kuwento kung saan Logan na ang pangalan ng naturang karakter.
Fact #4: Word Count of Chapter 2
Alam n'yo ba na ang original version ng Chapter 2 ay umabot ng 3,988 words? Lubhang napakahaba na nito kumpara sa official version ng Chapter 2 na mababasa n'yo rito sa Facebook na nasa 2,876 words lamang.
BINABASA MO ANG
Dante Must Die
AkcjaAfter becoming the grand champion in a death match, an MMA fighter returned to his birthplace to take a revenge against the powerful fraternity who killed his father. Can he beat them all?