NANG sumunod na linggo, muli nang binuksan ng iba't ibang tribo sa Vanguard University ang kanilang recruitment para sa mga freshman na gustong mapabilang sa kanilang fraternity. Kanya-kanya sila ng pakulo at strategy sa pagre-recruit.
Ang ibang mga fratman, sila mismo ang lumalapit at nag-i-scout sa mga freshman na natitipuhan nilang ipasok. Ang madalas lang nilang nilalapitan ay ang mga nakikita nilang may potential.
Ang iba naman ay nagtatayo ng mga booth kung saan puwedeng pumila ang mga nagbabalak sumali at mula roon, idadaan sila sa matinding background screening hanggang sa matira na lang ang mga estudyanteng karapat-dapat.
Habang ang iba naman ay gumagawa ng mga rush event na puwedeng daluhan ng mga aspiring pledgee. Sa rush event na ito, maaari nilang maka-bonding ang mga current members at alumni.
Kapag natapos na ang rush event, doon pagbobotohan ng mga miyembro at officers kung sino sa mga dumalo ang may potential na mapabilang sa kanilang sagradong kapatiran.
At iyon ang ginawa ngayon ng Kappa Delta Upsilon. Isang cosplay party ang itinayo nila sa gabing iyon na dinumog naman ng daan-daang mga freshmen na nangangarap makapasok sa kapatiran nila.
Lahat ng mga naroroon ay nakasuot ng costume ng mga favorite nilang anime at video game characters. Ayon sa kanilang officer, nasa mahigit 500 daw ang attendees nila ngayon. Higit na marami kumpara noong nakaraang taon na nasa 290 attendees lamang.
Kahit may natanggap nang imbitasyon mula sa grand founder, pinili pa ring dumalo ni Dante sa cosplay party. Isang shirtless na Trafalgar Law ang naisipan niyang gawin sa sarili niya na pinarisan ng signature pants nitong may black dot pattern. Lalong nag-complement sa maskulado niyang katawan ang mga henna tattoo ni Trafalgar Law sa dibdib at mga braso.
MASAYANG ine-entertain ni Logan na naka-Naruto costume ang kanilang mga bisita nang mapansin niya ang paglingon ng mga tao sa di kalayuan. Pati mga kausap niya ay tinalikuran siya at nakiusyoso na rin. He felt offended dahil pakiramdam niya inagawan na naman siya ng eksena.
Napilitan siyang makipagsiksikan para makita kung ano ang pinagkakaguluhan ng mga ito. Nagdilim agad ang mukha niya nang makita si Dante na naglalakad sa red carpet kasama ang Trafalgar Law-inspired na tattoo nito sa katawan.
Nagsimula na namang kumulo ang dugo niya. Ewan ba niya pero tuwing nasa paligid ito, para siyang bulkan na anumang sandali ay sasabog.
SA ENTRANCE pa lang, sinalubong na si Dante ng recruitment officer na si Rhea Manabat. Nakipagkamay ito sa kanya at tumapik pa sa balikat niya. "Buti na lang nakahabol ka pa, Dante. Gusto ni Master, ngayon na raw simulan ang interview at background screening mo. Ayos lang ba sa 'yo 'yun?"
"Yes naman po, officer."
"Alam mo napakasuwerte mo dahil si Master pa talaga ang naging ninong mo." Sabay pa silang nagtawanan pagkatapos niyon.
Sa di kalayuan naman, nakamasid sa kanya ang ilan sa mga miyembro ng Alpha Sigma Pi. "Malaking problema 'to, p're. Mukhang sa Spaterion pa yata sasali si Dante. Alam n'yo naman kung gaano kalakas 'yan. Siguradong gagamitin 'yan nila laban sa atin."
"Oo nga! Dapat siguro ngayon pa lang pagplanuhan na natin kung paano natin 'yan itutumba!" sagot naman ng isa habang matalim ang titig sa kanya.
Pagkatapos makisalamuha sa loob, saglit na nagpaalam si Dante para mag-CR sa labas. Habang nakatayo nang tuwid sa urinal, biglang may lumapit sa kanya at tinutukan siya ng patalim sa baywang.
"Ano'ng ginagawa mo rito, ungas ka!"
Nang marinig niya ang boses, nalaman agad niyang si Logan Cerino ito. Kalmado lang niyang tinapos ang pag-ihi saka niya sinara ang zipper at humarap dito. "Ano'ng ginagawa mo sa akin, Logan? Bakit mo 'ko gustong saksakin?"

BINABASA MO ANG
Dante Must Die
ActionAfter becoming the grand champion in a death match, an MMA fighter returned to his birthplace to take a revenge against the powerful fraternity who killed his father. Can he beat them all?