SAMANTALA, isang eroplano ang bumaba sa isang private runway. Pagbukas ng eroplano, sampung mga kalalakihang nakaitim na uniporme ang sumundo sa isang pandak na lalaking nakaitim na salamin at sumbrero. Balot na balot ito ng makapal na jacket habang may hawak na itim na baston. Sa likod naman nito ay may isang matangkad na lalaking pinapayungan ito at inaalalayan sa pagbaba sa eroplano.
Isa-isang nag-bow rito ang mga tauhan nito at sinamahan itong makasakay sa isang limousine car. Pagkaalis ng sasakyan, may tatlo pang mga van na nakasunod sa likuran nito.
"Welcome back to the Philippines, Sir! Come possiamo servirvi oggi?" bati ng isang lalaki sa kanya pagkapasok niya sa kanilang opisina. Wikang Italian ang ginamit nito na ang ibig sabihin ay paano raw siya mapaglilingkuran nito para sa araw na iyon.
"Per favore, procediamo alla presentazione," sagot naman niya rito sa wikang Italian na ang ibig sabihin ay magsimula na raw sila sa presentasyon. Saka niya hinubad ang kanyang salamin at naupo sa kanyang ispesyal na puwesto sa bandang dulo ng lamesa.
Hindi nagtagal at nagsimula na rin ang presentation sa kanya ng mga empleyado. Pinaliwanag ng lalaki sa harap ang tungkol sa expansion ng kanilang resort complex project na tatawaging The Matryx.
"For my final verdict, hindi lang ito hahakot ng napakaraming turista sa iba't ibang panig ng mundo, lubhang napakalaki rin ng maiaambag nito sa ekonomiya dahil sa mga major construction and renovation projects na ating isasagawa. The Matryx will be a magnet and catalyst for additional tourism and recreational activities and enterprises in our country. This will be the biggest tourist attraction in the Philippines, Sir!"
Bakas ang tuwa at pagkasabik sa mukha ng lalaki. "Tell me, ano ba ang nakikita mong balakid para hindi ito matuloy?" sagot niya sa wikang Tagalog na may Italian accent.
"Well, Sir, the only problem that I can sense is the three major buildings in the said territory. Para maipatayo ito, we need at least 25,000 acres or 43 square miles. Ang problema, wala na pong ganyan kalaking bakante na lupa ngayon. Overcrowded na kasi ang Manila. Marami nang mga buildings na nakatayo rito. At doon naman sa mismong lugar na sinasabi n'yo, may tatlong major buildings na ring nakaharaang doon. On the east side, there's a shopping mall called SM Saint Vargas. On the west side, there's a big building called Nexus Nightclub. And on the north side, there's a big prestigious university. Ito ang tatlong pangunahing buildings na sikat ngayon doon, lalo na ang Nexus na kinikilalang isa sa mga biggest attraction of the high class people here in Manila."
Napangiti ang lalaki. "If that's the only obstacle, then do everything that needs to be done to destroy these buildings and properties. Ipawasak ang dapat ipawasak para maipatayo natin sa tamang lugar at tamang puwesto ang The Matryx."
Sa binitawan niyang salita, nagkaisa na ang buong grupo. Sila ang isa sa pinakamalaking Mafia organization sa bansang Italy na may pinakamaraming illegal business na ngayon ay nakarating na rin dito sa Pilipinas!
The End.
BINABASA MO ANG
Dante Must Die
ActionAfter becoming the grand champion in a death match, an MMA fighter returned to his birthplace to take a revenge against the powerful fraternity who killed his father. Can he beat them all?