KASALUKUYANG nagpapalit ng damit si Logan nang makatanggap siya ng text mula sa ka-brod na si Dino.
Oks na p're. Baldado na 'yung kaaway mo. Punta ka na rito para mapagpiyestahan na natin.
Napangiti siya sa magandang balita. Ito ang inutusan niya para abangan at bugbugin si Dante kasama ang iba pang mga miyembro nila.
"Nice game, Boss Logan!" bati sa kanya ng napadaang player na nakalaro niya sa basketball kanina. Nakipag-high five lang siya rito at muling ibinalik ang tingin sa cellphone.
Ni-reply-an niya agad ito. Alright! Good job, Dino. Magpapainom ako mamaya para sa inyo. Sabik na sabik siyang lumabas ng campus para puntahan ang mga ito.
Pagdating ni Logan sa naturang lugar, naglaho ang pagkasabik sa kanyang mukha. Napalitan iyon ng pait at pagtataka nang makitang nakabulagta sa lupa ang mga brod niya. Naliligo sa sariling dugo ang mukha ng iba habang nawala naman sa tamang ayos ang mga daliri at tuhod ng iba pa.
Dumadaing at umuungol ang mga ito na parang nakatikim ng matinding torture. "Ano'ng nangyari sa inyo?" nanlalaki ang mga matang usisa niya.
Kahit namamaga ang bibig, pinilit pa ring magsalita ni Dino. "M-Master... T-tulong..."
Hindi siya makapaniwala sa nakikita niya. Doon lang niya napagtanto na hindi si Dino ang nag-text sa kanya kanina.
"SERYOSO ba kayo? Natalo pa kayo ng kumag na 'yon? Mag-isa lang 'yon, ah? Ilan ba kayo?" Binilang pa niya sa daliri ang mga ito. "Dalawampu kayo! Isa lang ang kalaban n'yo! Isa lang! Tapos kayo pa ang bugbog-sarado ngayon? Anong kalampahan ito?"
Halos hindi makasagot ang mga ito na kasalukuyang nagpapahinga sa safe house nila. Ang iba ay tuluyan nang nakatulog sa sofa dahil sa tindi ng bugbog na tinamo.
"P-Pasensya na, Master... H-hindi namin akalaing... Ano kase... H-hindi basta-basta 'yung taong gusto mong ipabugbog... M-malakas siya... M-malakas din siya... Kung nakita mo lang 'yung nangyari kanina, baka pati ikaw magulat!" utal-utal na sagot ni Dino habang idinadaing pa rin ang mga bali nito sa kamay.
"Napakahina n'yo naman kung nagawa kayong patumbahin ng isang kupal na 'yon! Buti na lang walang nakakita sa inyo! Binibigyan n'yo ng kahihiyan ang frat natin! Ano na lang ang sasabihin ng iba kapag nalaman nilang pinataob lang ng isang kumag ang dalawampung Spaterion? Iniisip n'yo ba 'yon, ha!"
Hindi ulit sila nakasagot sa taas ng boses niya.
"Paano kayo natalo ng lalaking 'yon! Paano!" Pati siya ay napaisip na rin kung ano nga ba ang mayroon sa lalaking iyon.
Ngayon lang siya nakaramdam nang ganito sa buong buhay niya. It feels like he was defeated by an opponent he didn't even fight. And he doesn't like that.
PAGPASOK pa lang sa gate ng motor ni Dante, dinumog na siya ng mga mata sa paligid. Kahit hindi pa siya naghuhubad ng helmet ay guwapong-guwapo na sa kanya ang mga babae.
"Oh my! Andito na si Dante!"
Unang linggo pa lang niya sa campus, marami na ang nakakakilala sa kanya. Kabisado na nila ang hitsura ng motor niya, pati na ang mga damit na lagi niyang sinusuot. Gaya ng leather jacket, muscle fit shirts, leather pants, ripped jeans, at iba pang kasuotan na glossy black ang kulay.
Pero sa araw na iyon, isang denim jacket na may mabalahibong kuwelyo ang suot niya, pinarisan ng maong pants at puting rubber shoes. Lalong tinamaan sa kanya ang mahaharot na mga mata sa paligid. Kahit anong isuot niya ay laging bumabagay sa kanya.
Habang naghuhubad ng helmet, hindi niya namalayang naglalakad na palapit sa kanya ang grupo nina Logan. Nang tuluyan niyang mahubad ang helmet, ginulo muli niya ang kanyang buhok at pinagpag.
BINABASA MO ANG
Dante Must Die
ActionAfter becoming the grand champion in a death match, an MMA fighter returned to his birthplace to take a revenge against the powerful fraternity who killed his father. Can he beat them all?