Chapter 19: Brutal Night

89 14 1
                                    

UMULAN ng bala sa buong paligid. Tahimik lang na nakikiramdam ang mga Spaterion at hinintay ang paghinto ng mga putukan. Nang bahagyang tumahimik, sila naman ang lumabas sa kanilang lungga at nagpaulan ng mga bala sa panig ng mga kalaban.

Sa bilis nilang umatake, hindi na nakapagtago ang ilan sa mga Sigmatron. Dumiretso na sa mukha nila ang mga bala!

Ngunit laking gulat nila dahil buhay pa rin sila at hindi man lang nakaramdam ng pagsabog. Parang nasarapan pa nga sila sa tila likidong pumutok sa mukha nila. "Ano 'yun?"

Pati ang mga Spaterion ay nagtaka. Sinubukan pa nilang magpaulan ng mga bala. Gulat na gulat sila dahil hindi man lang sumasabog ang mukha ng mga ito. Para lang silang naghilamos sa dami ng tubig na tumatalsik sa mukha nila.

Nagsilabasan na rin ang iba pang Sigmatron at sinalo ang mga balang pinapakawalan nila. "Tang-ina n'yo, ano'ng trip n'yo? Magbabarilan ba tayo rito o magbabasaan lang?"

Nang mapansin ng mga Spaterion na may mali sa kanilang mga armas, doon pa lang nila naisipang umatras. Ngunit bago pa sila makalayo, ang mga Sigmatron naman ang muling nagpaulan ng mga bala sa kanila.

Sunod-sunod na bumulagta ang kanilang mga katawan. Walang natira sa kanila kahit isa! At kahit nalagutan na sila ng hininga, hindi pa rin nagpaawat ang mga Sigmatron sa pagbato ng mga bomba sa kanila.

Hindi lang sila nalagutan sa pagkakabaril. Natusta rin sila sa mga bombang sumabog sa kinaroroonan nila. Mabilis na kumalat ang apoy sa bahaging iyon kaya nagsitakbuhan din agad ang mga kalaban.

Sa iba pang panig ng lugar, marami na ring namatay na Spaterion dahil sa pekeng bala na nakapaloob sa mga baril nila. Bukod sa pinagtawanan lang sila matapos iyong mapagtanto ng mga kalaban, tinorture pa sila nang husto sa pamamagitan ng baril, bomba, at iba pang pasabog.

PANAY naman ang takbo ni Dante habang hinahabol siya ng mga Sigmatron na pinagnakawan niya ng mga bomba. Sa bilis niyang tumakbo, pati mga bala ng mga ito ay hindi siya mahabol-habol.

Sinuri niya ang buong paligid, hanggang sa makaisip siya ng panibagong kapilyuhan. Umakyat siya sa isang bakuran at buong lakas na tumalon hanggang sa maabot niya ang bubong ng bahay na iyon. Dali-dali siyang tumakbo sa bubungan at lumundag nang pagkataas-taas patungo sa isa pang bubong.

Ginamit niya ang tibay ng mga buto sa pagpapalipat-lipat sa mga bubungan hanggang sa mahirapan na ang mga kalaban na sundan siya. Sinubukan pa uli siyang paputukan ng mga baril pero sa hangin lang tumama lahat iyon.

Galit na galit na ang mga kalaban. Hindi na nila alam kung paano pa siya hahabulin. Karamihan sa kanila na bagama't malalaki ang katawan ay wala namang kakayahang gawin ang ginagawa niyang pag-akyat at pagtalon sa itaas ng mga gusali.

Wala silang choice kundi tumakbo lang nang tumakbo sa lupa kahit palayo na nang palayo ang distansya niya sa mga ito. Hindi na nakapagpigil ang isa sa kanila. Dinukot nito ang cellphone sa bulsa at may tinawagan.

Sa huling lundag niya, nakarating siya sa bubong ng isang gusali na katabi ng saradong mall. Pagkapasok niya sa loob niyon, isang tahimik na parking lot ang bumungad sa kanya. May ilang mga sasakyang nakaparada sa paligid at may mga ilaw namang kumukurap-kurap sa di kalayuan.

Naghanap na lang siya ng malalabasan doon. Ngunit bigla naman siyang sinurpresa ng panibagong grupo ng mga Sigmatron na lumusob doon at itinutok sa kanya ang mga paddle nila.

Nakita pa niyang dumukot ng cellphone ang isa at sinabing nandito raw sila sa loob ng parking lot kasama siya.

Mabilis niyang itinago sa ilalim ng sasakyan ang isang bag ng bombang hawak niya. Saka niya inasar ang grupo para mapilitang sumugod. "Mga Alpha rin ba kayo? Ano nga kasi ang pangalan ng frat n'yo? Alpha... Alpha Chupa—ay! Alpha Sigma...Pi?"

Dante Must DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon