MULING hinugot ni Valiento Garcia ang kanyang Katana at nagsimulang hiwain ang katawan ng mga plastic na mannequin sa paligid niya.
"Tama kaya ang ginawa natin?" mayamaya'y tanong niya kay MG Cerino na kasalukuyan namang pinapakain ng hilaw na karne ang alaga nitong si Sparta.
"What do you mean?" sagot sa kanya ng grand founder.
"Hindi na dapat tayo nakialam pa sa trabaho ni Senator Basco. Negosyo niya 'yon. Siya dapat ang nagde-deliver ng mga drugs sa mga client niya, hindi tayo! Hindi tayo mga delivery man!"
"Pero nakakalimutan mo yatang parte pa rin siya ng ating brotherhood, Valiento. Ngayong may problema siya at kailangang magtago sa ibang bansa, kailangan natin siyang matulungan para hindi matigil ang takbo ng negosyo niya. Tayo ang pansamantalang hahalili ngayon sa lahat ng unfinished business niya. Besides, hindi ka pa ba masaya sa 500 million na ibinayad sa atin?"
"Dahil dito, hindi natin naantabayanan ang nakaraang frat war. Marami pa rin ang namatay sa member natin! Kung nandoon lang sana tayo, baka hindi tayo nabawasan kahit isa!"
"Huwag mong problemahin ang maliit na bilang, Valiento. Ang mahalaga, naipamukha natin sa mga Sigmatron kung sino ang tunay na hari dito. Ngayong nakatikim na sila ng pagkatalo, siguro naman ay madadala na sila, at katatakutan na muli tayo."
Napailing na lang si Valiento. Hindi pa rin nito makuha ang pinupunto niya. Tinamad na siyang makipagtalo rito kaya ibinalik niyang muli sa bulsa ang sandata at lumabas na lang ng silid.
"PUWEDE n'yo po bang ikuwento sa 'kin lahat ng nalalaman n'yo sa history ng Spaterion at Kastron?" tanong ni Dante kay Mang Carlos, isa sa mga officer na nakakuwentuhan niya habang nakatambay sa loob ng frat house.
Dinala siya ng matanda sa covered court sa likod ng bahay at doon sinagot ang tanong niya. "Bakit ba gustong-gusto mong malaman ang history ng away nila?"
"Siyempre po isa na ako sa inyo ngayon, kaya gusto ko ring malaman ang history ng ibang frat na nakaaway natin noon. Okay lang po ba?"
Dahil nakuha naman niya ang loob ng matanda, hindi na ito nag-atubiling magkuwento sa kanya. Detalyado nitong ipinaliwanag kung paano nag-away sina MG Cerino at Alberto Rugon.Wala rin itong naikuwentong bago sa kanya. Lahat ng binanggit nito ay alam na rin niya dahil sa kanyang mga nasaksihan noon.
"Bukod po sa inyo, kilala n'yo po ba kung sino pa 'yung ibang nakasama ni MG Cerino sa pagpatay kay Alberto Rugon?" tanong niya matapos mabanggit ng matanda na may anim na miyembro raw si MG Cerino na nakasama sa pagpatay sa founder ng ZAO.
"Pito kaming lahat no'n, eh. Si Master MG, ako, saka sina Fernan, Pablo, Jurgo, Henry at Lalong. Pero si Lalong wala na siya ngayon. Kamamatay lang niya noong nakaraang taon sa isang sakit. Si Henry naman, limang taon na ring patay dahil sa aksidente."
"So bale, lima na lang po kayong natitira ngayon na involve sa pagkamatay nung Alberto Rugon?" paniniguradong tanong niya.
Tumango naman ang matanda at humarap sa kanya. "Bakit pati 'yon inalam mo pa? May balak ka bang isuplong kami sa pulis?"
Sabay pa silang natawa roon. "Siyempre wala po! Interesado lang talaga ako sa kung paano natin napataob ang ibang mga frat na kumakalaban sa atin noon. Proud lang kasi talaga ako na naging parte ako ng pinakamalaking frat sa buong Pinas," sagot pa niya rito para lang mawala ang pagdududa nito sa kanya.
Mukhang napaniwala naman niya ito dahil sa tawa na pinakawalan ng matanda. "Ikaw talaga. Halika na nga! Samahan mo na lang akong magyosi sa labas."
Habang naglalakad sila palabas, lihim na gumuhit ang makahulugang ngiti sa anyo ni Dante habang pinagmamasdan si Mang Carlos.
BINABASA MO ANG
Dante Must Die
БоевикAfter becoming the grand champion in a death match, an MMA fighter returned to his birthplace to take a revenge against the powerful fraternity who killed his father. Can he beat them all?