Chapter 28: Body in Half

119 11 0
                                    

NAKAIDLIP na si Dante sa pagbabantay kay Don Frido. Nagising lang siya nang marinig ang pagpasok ni Mike sa silid.

"Boss, bakit hindi ka muna umuwi sa rest house ko at magpahinga. Ako na muna ang magbabantay kay Sir Frido," sabi nito nang mapansin ang pamumugto ng mga mata niya.

"Hindi puwede, Mike. Hindi ako makakapagpahinga hangga't hindi nagigising si abuelo," matamlay ang tinig na sagot niya.

"Pero kailangan n'yo rin pong magpahinga. Dapat nga po magpatingin din kayo, eh, dahil ang dami n'yong sugat at pasa, oh."

"Wala sa akin ito, Mike. Mas importante sa 'kin ngayon ang paggising ni abuelo."

"Sinabi naman po ng duktor na okay na siya. Kaya sure po akong hindi magtatagal at magigising na siya."

Saglit na natigilan si Dante. "May balita ka na ba kay MG Cerino?" mayamaya'y pag-iiba niya.

"Hanggang ngayon hinahanap pa rin daw po siya ng mga pulis. Hindi ko na rin sila ma-trace sa tracker ko."

"Huwag kang titigil hangga't hindi mo sila nahahanap. Kapag may update ka na, doon pa lang ako aalis dito at ikaw muna ang pagbabantayin ko."

Hindi na nakasagot ang assistant niya. Napaupo na lang din ito sa isang tabi.

Sa mga oras na iyon, hindi alam ni Dante kung tatawagan na ba niya si Coach Maverick para ibalita ang nangyari, o mas mabuting hindi na muna nito malaman ang lahat. Litong-lito na siya. Hindi na niya alam kung ano ang uunahin.

ILANG oras naghihintay sina MG Cerino at Valiento sa isang tabi. Nang makita nila ang paglabas ng duktor, dali-dali itong nilapitan ng dalawa.

"Doc, kumusta na po ang anak ko?" nanginginig ang tinig na tanong ni MG Cerino.

Napayuko ang duktor sa kanya. "I'm sorry. He didn't make it."

Gumuho ang mundo niya sa narinig. Napahawak siya sa dibdib na biglang sumikip. "This cannot be. Hindi siya puwedeng mawala, Doc. My son cannot die!"

Larawan ng panlulumo ang duktor. "I'm really sorry."

Nakaramdam siya ng biglaang panghihina. Muntik pa siyang matumba sa pagbigay ng kanyang mga tuhod. Mabuti na lang ay nasalo agad siya ni Valiento.

Pinuntahan ni MG Cerino ang bangkay ng anak sa morgue. Nanginginig pa ang buong katawan niya habang nilalapitan ang puwesto nito. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kumot na nakabalot dito.

Tuluyang bumigay ang kanyang mga luha nang masilayan ang malamig na bangkay ni Logan. Maputla na ito at nawalan na rin ng kulay ang mga labi. Hindi niya kinaya ang emosyon. Napahagulgol na lang siya sa harap nito at hindi na alintana ang mga luhang tumulo sa mukha nito.

Mahigpit niyang niyakap ang anak habang paulit-ulit na sinasambit ang pangalan nito. "Bakit mo ako iniwan, anak! Why did you leave me!"

Halos bumaha ng luha sa harap ng dibdib nito. Pinilit niyang ugain ang katawan ng lalaki na para bang ginigising ito sa isang malalim na bangungot. "I am sorry, Logan. I am really sorry..."

Sa mga sandaling iyon, nawala ang lahat ng lakas at tapang niya sa katawan. Siya ang nagmukhang pinakamahinang nilalang dahil sa tindi ng pagtangis niya.

"I'm so sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Sorry if I failed to save you. Sorry dahil hindi rin ako nagtiwala sa 'yo. Napilitan akong tanggalin ka sa kumpanya dahil bumaba ang tingin ko sa 'yo that time and I want you to learn more bago kita isabak sa napakalaking industriya. Kasalanan ko ito dahil masyado akong nag-focus sa company kaya hindi na kita nabigyan ng oras para maturuan. Masyado kitang minaliit, Logan. Patawarin mo ako, anak. Alam kong hindi mo na ako naririnig ngayon. But I want you to know that you're still the best for me and I really, really love you, son!"

Dante Must DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon