Chapter 21: The Doubt

78 11 0
                                    

SAGLIT na nagpaalam sa kanya si Don Frido. Pagbalik nito, may kasama na itong tatlong lalaki na pare-parehong naka-corporate attire.

Magalang na bumati si Dante at pinaupo ang tatlo. Magkakaharap silang nag-usap-usap sa bilog na lamesang nababalutan ng pulang tela. Agad siyang nagtawag ng waiter at um-order ng makakain nila.

Isa-isang ipinakilala sa kanya ni Don Frido ang mga kasama nito. "This is Mr. Alvarez, this is Mr. Diaz, and this one right here is Mr. Williams."

"Mga kamag-anak n'yo po, abuelo?" inosenteng tanong niya.

Napahalakhak ang matanda. "No, nieto. Sila ang mga huling bala natin. Sila lang naman ang mga kasamahan kong shareholders sa company ni MG Cerino!"

Gulat na gulat si Dante sa narinig. "S-sila na po 'yung sinasabi n'yo?"

"Yes, hijo! We are the current respective shareholders of Valerio Land," may pagmamalaking tugon ng matanda.

Isa-isa namang nagpakilala sa kanya ang tatlo. "I am Diego Alvarez; I hold 15% of the shares of Valerio Land."

"I am Warren Diaz; I also hold 15% of the shares of Valerio Land."

"And I am Dwight Kane Williams, also holding 15% shares of the said company."

"While me, nieto, Don Frido Beltran, has a share of 10% in Valerio Land!" singit naman ng matanda.

Tuwang-tuwa na nakipagkamay si Dante sa tatlo. "Wow! Nice to meet you all, Sir! Grabe, bakit ngayon mo lang sila pinakilala sa 'kin, abuelo?" Sabay baling niya kay Don Frido.

"What's the hurry? Sabi mo kasi sila ang gagawin mong huling bala. Kaya hindi ko na muna sila pinakilala. Pero oo, nieto, sila ang tatlong nakuha ko para maging business partners ni MG Cerino five years ago. Sa haba ng panahong iyon, masyado nang malaki ang tiwala sa kanila ng uto-utong grand founder na 'yon kaya kita mo, hanggang ngayon wala siyang kaalam-alam na lahat ng taong nakapaligid sa kumpanya niya ay galing din sa atin!" may pagmamalaki namang tugon ni Don Frido.

"Salamat talaga, abuelo! Hindi ko magagawa ito kung wala ang tulong n'yo." Muling nakipagkamay si Dante sa abuelo niya.

"By the way, guys, this is my grandson, Dante Marquez. Siya 'yung sinasabi ko sa inyo kahapon. Siya ang bibili sa lahat ng mga shares natin!"

Ngumiti uli sa kanya ang tatlong panauhin at muling nakipagkamay. Unti-unti nang nagbubunga ang lahat ng mga plinano niya sa matagal na panahon.

NAGTUNGO si Dante sa frat house para ibalita ang nangyari kagabi. Muli niyang binisita ang silid ng kanilang pinuno kung saan naabutan niyang nagpapakain uli ito ng hilaw na karne sa alaga nitong tigre, habang nasa kabilang banda naman si Valiento Garcia na nakasuot ng Golden Kimono at mag-isang nag-eensayo sa hawak nitong Katana.

"Dante, mabuti na lang at dumating ka na. Totoo ba ang nasagap kong masamang balita?"

"Ikinalulungkot ko pong sabihin, Master, dahil napagtagumpayan ko nga pong patayin ang taong sinasabi n'yo, ngunit bigo naman akong mailigtas ang mga ka-brod natin. Hindi ko inaasahan na may nagmamasid din pala sa amin, at noong umalis ako, doon nila sinunog ang garahe kung saan nagtatago sina Brod Carlos. Pagbalik ko, nasusunog na po silang lahat at wala na rin akong nagawa. Pasensya na po talaga. Tatanggapin ko po kung anuman ang parusang ibibigay n'yo."

Lihim na napatingin sa kanya si Valiento pagkatapos niyang sabihin iyon.

"Kung sinuman ang gumawa nito sa kanila, gusto kong hanapin mo at dalhin mo sa akin. Siya ang papatawan ko ng masaklap na parusa!"


"Masusunod po, Master!" Magalang na tumango si Dante. "Hindi po ako titigil hangga't hindi ko nahahanap ang gumawa sa kanila nito." Di nagtagal ay umalis na rin siya roon.

Dante Must DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon