Chapter 8: First Mission

131 16 0
                                    


"SIGURADO ka bang kaya mo mag-isa?" tanong ni Dante kay Mike habang nasa isang bahagi sila ng building na walang security camera. Ito ang headquarters na ginagamit ng Kamay na Bakal Foundation para sa lahat ng kanilang operasyon.

"Mas magiging delikado kapag pareho tayong pumasok, boss," sagot naman ng assistant habang sine-set up ang hacking device nito. "Baka hindi na tayo makalabas pa. Mas okay po kung nandito kayo sa labas para magbantay. Dahil kayo ang marunong lumaban, I'm sure kaya n'yong pigilan ang mga tao nilang mapapadpad dito. Ako naman, mag-iingat na lang sa loob para walang makakita sa akin."

"Sige kung iyan ang gusto mo. Ako na ang bahala rito. Pero ikaw, sigurado ka bang kakayanin mong mag-isa ro'n? Kapag magkaproblema, tumawag ka agad sa akin para matulungan kita."

"Yes, boss. Kaya ko na ang sarili ko sa loob. I know what to do. Dati na akong nakapasok dito noong mag-volunteer kami sa isang event nila three years ago. Kaya alam kong dito sa building na ito nakatago 'yung illegal operations nila. Matagal ko na ring alam ang baho ng foundation ni Senator Basco. Hindi nga lang ako nagsasalita dahil wala akong power para gawin iyon."

"Pero ngayon, kasama mo ako. Wala ka nang dapat katakutan. Magtiwala lang tayo sa isa't isa, alam kong mapagtatagumpayan natin 'to."

"I know, boss. May tiwala rin po ako sa inyo kaya nga pumayag pa 'ko sa delikadong mission na 'to. Don't worry. You got my back, Sir."

"Salamat, Mike. So, ano nga ulit ang gagawin mo sa loob?"

"Hahanapin ko po ang data room nila. Dahil masyadong mahigpit ang security system na gamit nila, hindi ko ito kayang i-bypass gamit ang computer ko sa bahay. Kailangan ko talagang makalapit sa data room at magamit itong device ko para ma-transmit dito lahat ng data na makukuha ko."

Tinapik niya ang balikat ng assistant. "Sige na, Mike. Kumilos na tayo habang wala pang tao rito. Basta ang kailangan lang nating makuha ay 'yung mga ebidensyang magdidiin talaga kay Calixto Basco. Kailangan nating mapatunayan na siya nga ang mastermind sa secret business ng foundation na ito. Dahil ito ang gagamitin ko para mapaamin ko siya kung talagang may kinalaman siya sa pagkamatay ng radio reporter."

"Okay, boss. Papasok na ako. Ingat ka na lang dito."

"No, ikaw dapat ang mag-ingat. Ako kaya kong ipagtanggol ang sarili ko. Pero ikaw ang iniisip ko dahil baka may makakita sa 'yo at ma-corner ka nila."

"Mag-iingat ako, boss. Paano po, let's do this na?"

Tumango agad siya. "Alright. Let's do this!" Doon nagwakas ang kanilang pag-uusap.

Pumasok na si Mike sa pinto ng emergency exit dala ang sling bag at device nito. Inakyat nito ang hagdan sa pinakamaingat na paraan. Habang si Dante naman ay malikot ang mga matang nakabantay sa paligid.

PAGKARATING ni Mike Rafael sa third-floor ng building, muli niyang binuksan ang dala-dalang vicinity map at hinanap doon kung saan banda naka-locate ang security data room na nakatago sa codename na SP2-81B room.

Lahat kasi ng silid doon ay itinago sa ganitong mga pangalan upang hindi basta-basta malaman ng mga intruders kung ano ang makikita sa bawat mga pintong iyon.

Diniretso niya ang pasilyo saka siya kumaliwa nang direksyon. Pagkarating doon ay muli pa siyang kumaliwa hanggang sa marating niya ang isang pinto sa bandang dulo na may pangalang SP2-81B sa taas. Iyon na ang room na hinahanap niya.

Nagdikit siya ng dalawang alarm chip sa magkabilang panig ng pader. Kapag may paparating na tao sa paligid, magpapadala ito ng alarm signal sa wireless earpiece na nakasabit sa kaliwang tainga niya.

Dante Must DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon