Epilogue (Finale): Born to be a Champion

172 19 23
                                    

PAGMULAT ni Dante sa mga mata, natagpuan na lang niya ang sarili sa isang silid. Dinig pa niya ang tunog ng life monitor sa kanyang tabi. Agad naman siyang nilapitan ni Maverick at muling yumakap sa kanya.

"Salamat at nagising ka na, anak! Sobra mo akong pinag-alala! Halos isang linggo kang walang malay!"

Bahagyang nagulat si Dante sa narinig. Hindi niya akalaing ganoon pala siya katagal nawalan ng malay.

Medyo malala raw kasi ang mga tama niya dahil napunta sa mga sensitibong bahagi ng kanyang katawan ang mga bala.

Muntik na rin daw siyang mag-agaw-buhay ngunit sa kabutihang palad ay naisalba pa siya ng mga duktor.

Medyo mabigat pa ang pakiramdam niya sa mga sandaling iyon pero agad ding gumaan ang kanyang kalooban dahil sa presensya ng coach niya.

"C-Coach... S-Salamat po..."

Tumango naman ito at hinawakan nang mahigpit ang kamay niya. "Magpahinga ka na muna, Crisanto. Kailangan mong mabawi ang lakas mo. Mayamaya lang, darating na ang mga kaibigan mo rito."

Agad niyang naalala ang mga nangyari bago siya lamunin ng dilim. "A-asan na po si Assante?"

"Wala na siya, Crisanto. Wala na lahat ng mga kalaban mo. Kaya wala ka nang dapat ipag-alala," masaya namang pahayag nito.

Napangiti siya. Hindi na muna niya pinilit na magsalita. Nilasap na lang niya ang bawat sandali na kasama ang coach niya at patuloy na pinapagaan ang kanyang loob.

Kinabukasan, napanood nilang lahat sa balita ang tuluyang pagkakagapi sa puwersa ng Kappa Delta Upsilon. Lahat ng mga miyembrong involved sa illegal na gawain ng kanilang grand founder ay napakulong na.

Si Senator Basco naman ay napabalitang nakabalik na raw ng Pinas at nagtatago lamang. Nagbabalak pa raw ang mga ito na gantihan siya, pero bago pa nila magawa iyon, nahuli na ito ng ibang awtoridad at tuluyang nasira ang lahat ng mga plano nila sa kanya.

Doon lang napagtanto ni Dante na ubos na ang lahat ng mga kalaban niya. Wala na ang lahat ng mga pumatay sa kanyang ama. Sa wakas, nakamit na rin nito ang katarungan na matagal na niyang pinapangarap para dito.

Muling nagbalik sa normal ang takbo ng buhay niya. Ganap din siyang sumaya sa piling ng mga bago niyang mahal sa buhay.

MAKALIPAS ang apat na taon, masayang umakyat si Crisanto sa stage habang ibinibigay sa kanya ang replika ng diploma niya. Sa mga panahong iyon, muli na niyang ginamit ang tunay niyang pangalan bilang Crisanto Rugon.

Ibinaon na niya sa hukay si Dante Marquez na nagsilbi niyang maskara at sandata para pagbayarin ang lahat ng mga taong sumira sa buhay nila ng kanyang yumaong ama.

Agad naman siyang sinalubong nina Maverick at Don Frido pagkababa niya. Binigyan siya ng isang mahigpit na yakap ng mga ito.

"Congratulations, nieto! You did it! We are very proud of you. Your father in heaven is also proud of you!" sabi pa ni Don Frido sa kanya at inayos ang nakatabingi niyang toga.

"Masaya ako para sa 'yo, Crisanto. Natupad na rin ang pangarap mong makapagtapos. Umasa ka na lalo ka pa naming susuportahan sa lahat ng daan na tatahakin mo. You are indeed a champion!" sabi naman sa kanya ni Maverick at tinapik ang balikat niya.

Abot-tainga ang ngiting kumawala sa mga labi niya. Ngayon lang niya nakita ang sarili na ngumiti nang ganito sa buong buhay niya. "Salamat nang marami, coach! Pati na rin sa inyo, abuelo. Mahal na mahal ko po kayo!" aniya at muling yumakap sa mga ito.

"Congratulations, Crisanto!"

Natigilan silang tatlo sa narinig. Nilingon agad niya ang pinanggalingan ng tinig. Ganoon na lamang ang gulat niya nang masilayan si Luna.

Dante Must DieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon