• CRESCENT •

72 2 0
                                    

______⚜______

______⚜______

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

______⚜______

CRESCENT JOHN CORDOVA is a name known by many because the last name is from a prominent family and the name's owner is popular in the school. There are two sides of the moon... Si Crescent ay tulad ng isang b'wan; marami ang nagsasabing popular siya partly because sa family background, that's the part na maliwanag, yung natira mostly dark and menacing. Suki na siya sa guidance office at parang lagi nalang siyang may problema. He's a soccer jock. He's not the smartest kid, but he's an Alpha.

FOUR MONTHS BEFORE HIS ADMISSION TO THE M.I.S.T  - SENIOR HIGH SCHOOL

                          Kahit na kakalinis lang ng janitor sa boys' restroom ay may kakaunting amoy parin ng ihi ang hangin na tila ayaw lumisan sa lugar. Tumindi pa ang sama ng hangin sa lugar nang may isang estudyanteng pumasok sa isa sa mga cubicle at nagsindi ng sigarilyo.

Mayamaya pa ay pumasok si Crescent sa restroom. Sinalubong kaagad siya ng amoy ng sigarilyo.

"Tsk! 'tang ina!" bulyaw niya matapos mahatsing na dahilan ng pagkagulat ng isa pang estudyante na nakaharap sa salamin at inaayos ang zipper ng kanyang slocks. Mabilis na umalis ang estudyante nang makitang si Crescent iyon. Tumungo si Crescent sa kabilang parte ng restroom kung saan naroroon ang mga urinal at pumwesto upang umihi. Muli siyang nahatsing, at sinundan pa ito ng isa na dahilan ng paputol-putol n'yang pag-ihi. "Putang ina! Itigil mo yang sigarilyo mo!" sigaw niya. Hindi umimik ang lalaking naninigarilyo sa isang cubicle. Mabilis na tinapos ni Crescent ang pag-ihi at hinanap ang pinagmumulan ng usok. Tiningnan nya ang ibabaw na parte ng magkasunod at magkadikit na cubicle. Nang makita ang tila putting laso ng usok na sumasayaw sa ibabaw ikatlong cubicle ay nilapitan niya ito at humarap sa pintoan nito. Walang ano-ano'y biglang bumukas ang pinto ng cubicle. Nakaupo sa toilet seat na nakadekuwatro ang estudyante. Ang estudyenteng yon ay minsan na niyang naging classmate noong grade 9 pa sila. Hindi na niya matandaan ang pangalan at wala s'yang balak na isipin at alalahanin. "Hoy! Tumatae ka ba o nagfa-fogging?" pasigaw niyang tanong sa lalaki.

Patuloy sa paghithit ang lalaki sa sigarilyong naka-ipit sa gitna ng dalawang daliri ng kanyang kanang kamay habang nakatitig naman siya sa hawak na celphone na nasa kanyang kaliwa. Bahagya lang siya tumingin kay Crescent.

"Hoy! Kinakausap kita!" sigaw ulit ni Crescent. "Kung marami na'ng lamok yang baga mo, tumayo ka r'yan it tatanggalin ko yan mula sa likod mo!"

Tumayo ang lalaki sa pagkaka-upo mula sa toilet bowl. Nilagay niya sa kanyang bulsa ang hawak na celphone at patuloy na humithit ng sigarilyo. Lumapit ang lalaki kay Crescent. "Bakit, pre? Hindi ka ba naninigarilyo? Bakla ka ba?" sabi ng lalaki sabay buga ng usok sa mukha n'ya. "Wala akong pake kong Cordova ka, hindi mo pag-aari ang school na to kaya itikom mo yang bunganga mo!" Sa pananalita niya, naalala ni Crescent na Roy ang pangalan ng estudyanteng ito. Sabay na silang naguidance noon sa magkaibang gulo.

Muling napa-hatching si Crescent sabay yuko at sadyang ini-untong ang kanyang noo sa noo ni Roy. Natumba si Roy at sumalpak sa nakatiles na sahig. Tumalsik ang sigarilyo n'ya na tumalbog ng tatlong beses sa sahig.

Naramdaman ni Crescent ang mainit na dugo na tumolo mula sa kanyang noo pababa sa gitna ng kanyang dalawang kilay. Hinimas n'ya ang nuo at naramdaman ang kirot nang mahawakan ang parte na nasugatan. Napatingin siya sa duguang kamay, nabaling ang tingin kay Roy at biglang nanlisik ang mga mata. "Aba, matigas 'yang ulo mo par, ah? Hindi mo mabasa ang warning sa kaha ng sigarilyo? Hindi ka marunong magbasa o sadyang bobo kang puta ka?"

Sa sinabing ito ni Crescent ay mabilis na tumayo si Roy, binaloktot ang braso paatras at pinakawalan ang malakas na kamao papalapit sa mukha ni Crescent. Bakas ang gulat sa mukha ni Roy nang huminto ang kanyang kamao mga isang dangkal mula mukha ni Crescent. Kahit hangin na dala ng pwersa ng kanyang kamao ay hindi man lang gumalaw sa kumpol ng buhok na naka harang sa kaliwa niyang mata. Nanlaki ang mata ni Roy at nabaling ang tingin sa kamao na tila ayaw tumuloy sa pagwasak sa mukha ni Crescent.

"Oh, anong problema, par?" pakantyaw na tanong ni Crescent. Mayamaya ay umalsa ang mga paa ni Roy mula sa sahig. Nanlaki ang kanyang mga mata nang mapansing unti-unti siyang umaalsa paitaas. "What the f..." hindi na naituloy ni Roy ang sasabihin nang biglang tumilapon ang buo n'yang katawan sa pinto ng cubicle. Sa lakas ng impact ay bahagyang natangal ang pinto nito. Nakatagilid si Roy na nakasampa sa sahig. Bigla siyang bumangon ngunit napahinto marahil may masakit na parte sa kanyang katawan kung kaya hindi agad siya nakatayo. Lumapit si Crescent habang dahandahang umaatras si Roy. He sat squatting sa harap nito. Crescent John Cordova just stared at the eyes of Roy habang tila namimilipit ito sa sakit at kinakapos ng paghinga. Roy helplessly touched his neck at pilit tinatanggal ang kung ano mang pwersa ang pimipiga sa kanyang leeg. 

"Tu--tulong..." hirap niyang sabi. 

Natawa si Crescent. "Oh, 'di ka makahinga? Yan na nga sinasabi ko eh."

"Tu--long..."

"Sabihin mo muna, 'yes master!' Gano'n!"

Dahan dahang gumuguhit ang mga pulang ugat sa kaputian ng kanyang mga mata habang ito ay nanlalaki at nagbabadyang lumuwa sa kinalalagyan nito. Pilit niyang ibinuka ang mga labi marahil upang makahigop ng hangin habang tumutunog ang kanyang bibig na nagmumula sa kanyang lalamunan. Ito ay matitinis na tunog tulad ng tunog na nagagawa ng plastic pag kinuskos ito sa tuyong balat. 

Ngumiti si Crescent. Isang ngiti na nagmumula sa maamong mukha na madalas tawagin ng mga babaeng nabibighani sa kanya na ngiti ng isang anghel. Ngunit sa puntong ito ay makikita ang mga mapuputing ngipin ni Crescent pati na ang medyo matalas niyang canine teeth. 

Tumayo si Crescent, huminga ng malalim at muling nahatsing. Kasabay nito ang biglang pagbuga ng hangin ni Roy at mabilis at sunod-sunod nitong paghinga na tila ba kakalitaw niya lang mula sa malalim na tubig at pilit hinahabol ang paghinga. 

"Aaahhhh... buwisit talaga 'tong amoy ng sigarilyo," komento niya at mabilis na kinoskos ang kanyang namumulang ilong. Humakbang siya at sinabing, "Sa susunod, pupulutin mo na yang katawan mo sa magkaibang lugar." Lalakad na sana palabas ng restroom si Crescent nang napinsin n'ya ang sigarilyong patuloy paring nagpapakawala ng usok. Tumitig lang siya dito at parang tumalon sa takot ang sigarilyo papunta sa loob ng pinakamalapit na urinal. Humakbang pa si Crescent at nabaling ang tingin sa salamin. May dugong tumulo sa isang butas ng kanyang ilong. Pinahid niya ito gamit ang likod ng kanyang kanang kamay at tumuloy sa paglabas mula sa CR. 

•°*°•

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•°*°•


NOTE: [image/picture on the ID is from Artbreeder.com through https://www.pinterest.ph/pin/9922061670939883/ ]

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon