• SEPTEMBER •

117 6 0
                                    

______⚜______


______⚜______

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

______⚜______

THREE MONTHS BEFORE HIS ADMISSION TO THE M.I.S.T - SENIOR HIGH SCHOOL

FINAL EXAMS FOR GRADE 10 STUDENTS. 


"ERA, EARL SEPTEMBER. YOU'RE LATE..." sabi ng guro at bahagyang huminto bago nagpatuloy sa pagsabi ng "...again."

Hindi kalakasan ang pagtawag niya kay September ngunit parang pinalakas ito ng katahimikan ng kwarto. Kalahati ng mga nakaupong naroroon, na nooy nakayuko at sumasagot sa mga test papers nila, ay bahagyang napatingala sa kinaroronan ni September na kakapasok lang sa kwarto. "Sorry, Ma'am. May emergency lang," sabi ni September.

"Hindi ko na man tinatanong kung bakit," mabilis na sagot ng guro habang nakatingin sa kanyang wristwatch.

Kahit na. Tatanongin mo pa rin na man ako niyan, ang nasa sa isip ni September ngunit hindi niya ito sinabi sa guro. Isa pa, alam niyang nagsinungaling na lamang ang guro dahil gusto niyang ipakitang in control siya sa sitwasyon.

"You only have less than forty minutes," sabi ng guro nang tumingin itong muli kay September. "Why would I allow you to take your exam?" tanong pa nito.

Bago pa man lumabas ang mga salitang iyon mula sa mga labi ng guro ay alam na niya iyon lahat at habang nagsasalita na ang guro ay hindi na siya nakikinig rito dahil binubuoo na niya ang kanyang isasagot.

"Ma'am, I studied so hard for this until last night kaya, unfortunately, I woke up late. Let me take the test and I'll finish it on time with a passing score," paliwanag ni September. "Promise..." dagdag n'ya pa.

S'yempre mapapasa mo talaga ang test kasi cheater ka... biglang nanuot sa kanyang isipan ang mga salitang ito na sobrang lakas na para bang isang batingaw ng kampana sa kailaliman ng gabi. Ang mga iniisip ng iba na kanyang naririnig diretso sa kanyang isipan ay tinawag niyang Vocem. Bigla siyang napatingin sa mga nakayukong estudyente. May isang nakaharap sa kinaroroonan niya, nakatitig at may nakakalokong ngiti.

Bwisit ka talaga Crescent, sabi niya sa kanyang isipan. Napatingin siyang muli sa guro nang muli niyang maramdaman na may sasabihin ito.

"Alright, Earl. Ayaw ko rin namang wala kang grade for the final exam. Pasalamat ka at maganda ang records mo sa akin." Kumuha ang guro ng test paper at ibinigay ito kay September sabay sabing, "Sige, you may take the vacant seat sa harap ni Cordova."

Kapag minamalas ka nga naman... "Sige po, Ma'am. Thank you!" Nagtungo si September sa kinaroroonan ng vacant chair ngunit habang nagalakad ay nakatingin siya kay Crescent na noo'y sumasagot na ulit sa kanyang test paper. Napatingin ulit si Crescent sa kanya bago pa ito naupo. Hey, Septy. Wag kang madamot sa mga sagot mo, ha? Hindi rin na man 'yan lahat galing sayo, ang sabi ng Vocem ni Crescent.

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon