CHAPTER 11 • The First Trouble

30 2 0
                                    


Nataw ilak ngomiasang umig nga onga libngi niina kigii hub Mayngtaw aso gudyam angwa ki. Ngong atano kani idas kawal nga abug guloudap.  


Hindi maipaliwanag ni Jason ang umagang ito. Medyo malamig ang temperatura sa paligid ng school at medyo mamasamasa ang hangin na mayamaya ang paghaplos sa kanyang katawan.

Sa umagang ito, halos makulimlim ang paligid dahil puno ng maiitim na ulap ang kalangitan na tila hindi na makausad dahil sa bigat ng dinadala nito.

"Meron bang bagyo?" tanong ng isa nilang kaklase habang naghihintay kay professor Drillon. Hindi masyadong maingay ang silid aralan ngayon dahil parang giniginaw ang lahat habang nakaupo at nakasout ng mga jacket o long sleeves. Napansin din ni Jason ang katahimikan ni Gonzalo na halos iilan lang ang mga sinasabi simula ng umalis sila sa dorm.

"Ang alam ko, may low pressure daw eh," sagot na man ng isa habang inaayos ang buhok.

Mayamaya pa'y nagsimula ng tumugtog ang mga mumunting tagaktak ng ulan na nagpapa-alala kay Jason ng mga butil ng mais na inilalagay sa sako upang ihanda sa pagpapagiling nito.

Bahagyang kinabahan si Jason ng maalala niya ang kanyang nanay sa bukid. Ngunit, mabilis niyang inalis ang mga agam-agam upang maging mahinahon tulad ng laging ipinapa-alala ng ina.

Biglang dumating si Professor Drillon na ikinagulat ng lahat dahil sa lakas ng paglagapak ng pinto nang binuksan niya ito. Mayroong kakaiba sa kanya. Namumutla siya at mukhang nangangayayat. Maitim ang palibot ng kanyang mga mata sa kabila ng laki nito. Bitbit niya sa kaliwang kamay ang maliit na supot na paperbag at sa kanan na man ang attache case.

"Anong problema ni Prof. Dougie?" Narinig ni Jason ang sabi ni Crescent na naka-upo pala sa likod niya.

"Tumahimik ka, uy! Marinig ka pa niyan, matatanggal na talaga 'yang ilong mo!" pasimpleng babala ni Gonzalo.

Dumeretso sa mesa ang propesor at inilapag ang mga dala.

Umupo lamang siya at walang imik na nakatitig sa lahat ng mga estudyante. Malaki ang mata na tila nanlilisik at parang pinagaaralan ang bawat galaw nila.

"Anong problema niya?" ang bulong ng nasa likod ni Jason.

"Uy, mag good morning tayo. Baka yan ang ikina-badtrip niya," sabi ng isa nilang kaklase. "Sige na, one... two... three... good--"

Biglang tumirik ang mata ng Professor at tumayo ng tuwid. Gumalaw ito sa tabi ng mesa at napansin ng lahat na hindi nakasayad ang mga sapatos nito sa sahig. Gumagalaw ng paalon-alon ang mga balat nito na parang may mga gumagapang ma oud sa ilalim.

Halos kalahati ng buong klase ay nagsitayuan at nagsigawan. Wala ngayong tao sa kabilang kwarto dahil ang isang section ay nasa speech laboratory sa mga oras na iyon at sa kabilang kwarto na man ay ang kanilang Music room na soundproof kaya marahil mayamaya pa malalaman ng iba ang kaguluhang nagaganap. Lumalakas din ang ingay ng ulan na tila galit na lumalagapak sa bubong.

Napatingin si Jason kay Gonzalo na dahan dahang tumatayo habang nakatitig lamang sa kanilang guro. Napalingon si Jason kay Crescent.

"Wa-wala akong ginagawa," sabi ni Crescent na para bang napagtanto ang nais ipahiwatig sa mga titig ni Jason.

Muling napatingin si Jason sa guro. Dahan dahang lumapit si Professor Douglas na isang dangkal ang agwat ng mga paa sa sahig. Tila may hindi nakikitang bagay na nakatali at nagpapagalaw sa kanya. Napa-atras sina Jason, Crescent, at Gonzalo habang tunutulak ng kanilang binti ang mga upuan.

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon