CHAPTER 9 • May'ng Taw'

34 1 0
                                    

CHAPTER IX • May'ng Taw

Matapos makapananghalian ay hindi na nagawa ng apat na isiksik ang isang buong pizza na sinlake ng golong ng sasakyan ni Crescent at ang dalawang box ng doughnuts. Medyo ilang pa rin si Jason dahil tahimik pa rin sina Crescent at Lilianne hanggang sa natapos na silang kumain.

"Grabe ang sakit na ng tiyan ko, para na akong masusuka," kumento ni Gonzalo habang dahan dahang sumandal sa upuan.

"Shh--hoy! Tumahimik ka nga!" inis ngunit mahinang wika ni Stephanie sabay kampay ng kamay niya. "Andito ka sa kainan, ang baboy mo ha!"

"Nako, sorry!"

"Ikaw, papa Jay. Nabusog ka ba?"

"Ah, oo," sagot niya kay Stephanie. "Salamat nga pala, Cres," ang sabi nya na man kay Crescent. Napansin ni Jason na isang doughnut lang ang kinain ni Crescent habang sila ay nanananghalian kanina.

"Babayaran mo rin yan, tol," sagot niya habang may ekspresyong hindi mahulaan kung galit, naiirita o sadyang wala lang sa mood para tanggapin ang isang pasasalamat. Pero mabilis niya ring binawi ito at sinabing, "'di joke lang! Ano nga yung pangalan mo?"

"Ah, Jason...Dorian."

"Dorian? Ang bantot na man ng apilyido mo," sabi ni Crescent pagkatapos ay tumawa. Mabilis siyang tinapic ni Lilliane.

"Pare, dahan-dahan na man sa pagsasalita," paalala ni Gonzalo.

"O, bakit?" Ngumisi si Crescent bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Oy, Gonzalo chill lang 'tol! Binibiro lang yung tao eh. May gusto ka ba rito kay Dorian?"

"Crest, tama na" napasigaw si Lilianne. Halos magsing-abot na yung kilay niya at parang kumikinang ang nanlilisik niyang mga mata habang nakatitig kay Crescent.

Biglang tumayo si Gonzalo na dahilan ng pag-atras ng upuan. Lumangitngit ang paa nito na nakuskos sa sahig na tiles na dahilan ng pagkatawag ng atensyon ng ibang kostomer at staff na naroroon. "Hoy, pare," tinuro ni Gonzalo si Crescent. "Hindi dahil ikaw ang nagpakain sa amin ngayon eh lalait-laitin mo nalang kami ng basta!"

"Laurence, ano ba!" tawag ni Stephanie. "Wag ka magskandalo dito, nakakahiya." Pabulong na paalala niya.

"O--o! Chill, bro!" Mabilis na itinaas ni Crescent ang mga braso at nakabukas ang kamay na parang nahold-up. Ganoon pa man ay nakangisi ito at nakataas ang dalawang makapal nitong kilay. "Joke lang yun eh. Ikaw na man." Timingin si Crescent kay Jason at sinabing, "Hindi nga nagalit si pareng Dorian oh."

"Crest, sinabi kong tama na, eh!" pasigaw na sabi ni Lilianne.

"Teka, sandali parang gusto ko muna magpahangin sa labas. Rence..." mabilis na sabat ni Stephani. Tumingin siya kay Gonzalo at doon naman kay Jason. "Jays, Diba gusto mo pumunta sa museum?"

Humugot ng wallet si Gonzalo, binuklat ito at kinuha mula roon ang isang one thousand peso bill. May maninipis na usok ang kumakawala sa mga maugat na kamay na Gonzalo. Hindi ito napansin ng dalawang babaeng kasama nila. Nanginig ang mesa nang inilapag ni Gonzalo sa ibabaw ng mesa ang pera. "Oh, eto bayad ko!" singhal ni Gonzalo kay Crescent na nanatili sa kanyang posisyon. "Jason, Stephanie..." tawag ni Gonzalo at nagpatuloy nang mabaling ang tingin kay Lilianne, "Yan."

"Mauna na kayo Rence," mahinang sagot ni Lilianne.

"Ewan ko sa inyo!" Galit na naglakad si Gonzalo papalapit sa pinto.

"Lilian, hahabulin ko lang si Rence. Chat mo ako pag-uuwi na kana," nagmamadaling sabi ni Stephanie. "Hoy, siya nga pala..." pahabol niya nang makita si Crescent na nagbaba ng kanyang mga kamay. "Ingatan mo 'tong best friend ko Crescent, kundi mata mo lang ang walang latay!"

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon