CHAPTER 1 • At The Registrar's

77 8 14
                                    

CHAPTER I • At The Registrar's

Ang kaba at excitement ay sumasaliw sa mga yapak ni Jason: ito ay naghahalinhinan sa paghahampas sa kanyang dibdib. Kahit na sinabi ng nanay niya na magiging masaya siya kung makakapag-aral siya sa MIST, hindi pa rin mawala sa loob ni Jason ang pag-aalala sa pag-iisa ng kanyang ina. Maraming mga agam agam ang nabuo sa kanyang isipan...

Pero wala nang atrasan 'to. Iisipin niya na lang na para ito sa kanila ng kanyang ina.

Halos isang oras na siyang naglalakad sa paghahanap sa registrar's office. Nakakahilo rin pala ang laki ng paaralang napasukan niya, kabaliktaran sa itsura nito kung sa labas titingnan. Ang tanging guide ni Jason ay ang school pamphlet.

Para na siyang naghahanap sa isang labyrinth.
Kinuha niya ulit ang pamphlet. Dahil medyo manipis ang pagkakaprint ng mga salitang na sa map, inilapit n'ya ito sa kanyang mukha. Habang patuloy siyang naglakad sa corridor ay biglang...

BOOG!

"Ugh!" Nagulat si Jason nang may bumangga sa kanya. Sabay sigaw na ng matinis na boses. Deretsong sumalpak ang nakabangga niyang babae sa sahig ng nakatihaya. Buti nalang at naitaas nito ang ulo niya upang hindi siya mabagok sa tiles.

"Oi, sorry--sorry!" bulalas ng ni Jason na mabilis  inabot ang kamay para makatayo ang babae. "Okay ka lang miss?" Medyo maputla ang balat ng babae. Medyo kulot ang mahaba niyang buhok. 

"Oo, okay lang. Kasalanan ko na man, hindi kase ako nakatingin sa daan; nakatitig kasi ako sa pamphlet at 'di ko mahanap-hanap ang registrar's," sambit ng dalaga habang unti-unti tumayo.

"Nako, pasensya na at di rin kita nakita. Yan rin kasi problema ko. Ang nipis ng nakasulat na mga letra sa map," naiilang na paliwanag ni Jason. 

"Hmm, Sabay nalang tayo maghanap ng registrar's. Mag e-enroll ka rin no?"

"Oo, eh."

"Ako nga pala si Lilliane." 

"Ah, ako na man si Jason, pero madalas tinatawag nila akong Dorian. Yan kase yung apelyido ko," ang pagpapakilala niya sabay abot ng kamay nito. 

Inabot ni Lilliane ang kamay ni Jason sabay sabing, "Nice to meet you Jay." 

"Ah, nice to meet you too, Lilliane!" 

Tinulungan ni Jason si Lilliane na kuhanin ang mga gamit niya. Pagkatapos ay mabilis na naglakad ang dalawa sa mahabang corridor patungo sa registrar's office. 

•••


Ang linya ng mga estudyante sa registrar's office ay umabot ng halos tatlumpung metro nang dumating sina Jason at Lilliane. Sa unahang dulo ng linya, sa harap ng registrar's ay mayroong kaguluhang nagaganap. May isang matipunong estudyante na naka-semi-fit shirt at black jean ang nakikipagtalo sa isa pang estudyente. Hindi makita ang mukha ng dalawa at hindi malaman nina Jason at Lilliane kung ano ang pinag-aalitan ng dalawa kung kaya naki-usyoso narin silang dalawa. Sumali sila sa pagkampay ng mga ulo ng mga estudyante upang makita ang mga pangyayari.

"Ano bang nangyayare?" tanong ni Jason sa kung sinoman.

"Nako ganyan na talaga yan. Regular na bisita 'yan sa Guidance office eh. Mahilig talaga sa away," sabat ng boses na nagmumula sa likod ni Jason. Sabay na napalingon si Jason at Lilliane sa pinagmumulan ng boses.

 "Tepang?" tanong ni Lilliane.

"Lily?" sagot naman ng babaeng tinawag ni Lilliane na Tepang. Bigla itong tumili na at mabilis itong patalon talon na lumapit kay Lillian na para bang nabuhusan siya ng kumukulong tubig. 

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon