CHAPTER 2 • The Absence

45 5 7
                                    

CHAPTER II • The Absence

Napabalikwas si Jason mula sa pagkakahiga. Maaring reflexes lang ito ng kanyang katawan at halis ganito nalang lagi ang paggising nya sa tuwing binabangungot siya nong nakatalokbong na pigura.

Malamig ang hangin na yumapos sa kanya at mabilis niyang kinuha ang kumot na nakabalumbon sa kanyang tagiliran.

"Gising kana pala anak," sabi ng ina nya nang pumasok sa kwarto na may dalang tubig. Mahina nyang kinuskos ang mga mata at pinakiramdaman ang katawan.

"Kumusta na ang pakiramdam mo anak?" tanong ni aling Sonia sabay lagay ng kanyang kamay sa noo ni Jason.

"Okay na ako 'nay. Salamat." Medyo husky ang boses ni Jason. Noon niya palang napansin na nanunuyo na pala ang kanyang lalamunan.

"Eto, uminon ka muna ng tubig," sabi ng kanynag ina habang inabit ang baso na may tubig. "Buti nalang at hindi ka na muna lumipat agad sa dormitoryo, anak."

Mabilis na naubos ni Jason ang isang baso ng tubig. Malamig ito sa lalamunan at nakakakalma sa kanyang pakiramdam.

"Teka, kukuha muna ako ng pagkain anak, para naman makapagpananghalian kana."

"Bababa nalang ho ako nay."

"Hindi na, magpahinga ka nalangmuna. At, sya nga pala, di muna kita papupuntahin sa bayan hanggang masiguro ko na okay kana."

Pagtango ang tinugon ni Jason sa ina. Ngayong sinabi ng ina ni Jason yun ay bigla niyang naalala na Lingo na pala ngayon at first day of school na dapat sana niya bukas kung mabilis lang sana siyang gagaling mula sa lagnat.

May dalang mainit na arozcaldo ang nanay ni Jason nang bumalik ito sa kwarto.

Napatingin si Jason sa wall clock na eksaktong tinuturo ang 12 ng dalawang kamay nito habang ang second hand ay patuloy na tumatakbo paikot.

"Kain na anak."

"Sabay na po tayo 'nay."

"Tapos na ako anak. Hinihintay nalang kitang magising eh. Sige na."

Dahan dahang kumain si Jason. At pagkatapos kumain ay pina inom siya ng overthecounter na gamot.

"Ma, 'wag na kayo masyado mag-alala ha? Okay na naman po ako eh."

"Sigurado ka anak?"

"Opo"

"Okay, pero bukas ka nalang umalis anak." Kinuha ni aling Sonia ang bowl na walang laman pati na ang kutsarang ginamit ni Jason. "S'ya nga pala naihanda ko na ang mga gamit mo anak. Pati na yung brief mo lagi mo kasi nakakalimutan magdala nun kapag umaalis ka ng matagal.

"Nay naman! Hindi naman po ako bata. Malaki na na man ako."

"Nako na man anak. Nanay mo ako. Hindi ka siguro naman babata dahil inempaki ko gamit mo, no?

Tinitigan ni Jason ang ina.

"Nay," malambing nyang sabi. "Malaki na ako. Kaya ko na sarili ko."

Biglang gumuhit ang lungkot sa mga mata ng kanyang ina. Napansin niyang maramirami na rin pala ang puting buhok sa ulo nya. Pati na rin ang mga kulubot sa balat nya. Lumapit ang ina nya at umupo sa tabi nito. Tinitigan sya nito at hinimas ang ulo ni Jason. Tumango tango ang ina nya na para bang may mas malalim na naiintindihan aa kanyang mga sinabi.

"Hindi ko na pala napansin na malaki kana anak. Siguro nagsisenti lang si nanay dahil alam kong aalis ka. Alam ko naman na darating ang panahon na magkakaroon ka ng sarili mong buhay, mga desisyon sa pagtahak sa iyong kapalaran. Alam ko medyo matagal tagal din ang pagkawala mo rito sa bahay."

Bumuntong hininga ang nanay ni Jason at nagpatuloy, "gusto ko lang naman sanang asikasuhin ka anak tulad ng dati nung maliit kapa. Nako, ang kulit kulit mo. Pero kahit na malaki kana, kahit na tumanda kapa, hanggat nandito pa si nanay, aalaga-an kita."

Sa puntong ito ay biglang numingning ang mga mata ni aling Sonia. Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata ngunit ngumiti ito at nagpatuloy sa pagsasalita, "Anak, mahal na mahal kita. Ayoko na may mangyaring masama sa'yo kaya mag-iingat ka sa bayan ha? Alam mo naman malayo-layo rin yun dito sa atin."

"Nay naman, nakakaiyak naman po kayo eh," kumento ni Jason sabay yakap sa ina. "Sorry po nay."

Tumawa ang ina at sinabing, "hay nako anak, pagpasenayahan mo na ang nanay, mahilig magdrama eh. Basta, masayang masaya si nanay dahil alam ko na unti unti mo na maaabot ang iyong mga pangarap, anak."

"I love you, nay-at-thank you sa lahat lahat ng ginawa at ibinigay nyo saakin. Ikaw po ang inspirasyon ko."

"I love you too, anak. Alam ko na proud na proud din ang tatay mo sayo kung nabubuhay pa sya."

Tumango si Jason.

"Oh sya, sya. Baka mag ala MMK pa tayo nito eh. Ibababa ko muna itong pinagkainan mo at ipagpapatuloy ko ang paghuhugas ko ng mga pinggan. Ikaw naman, magpahinga ka para tuloyan na yang paggaling mo."

Ngumiti si Jason at tumango muli sa ina.

•••

Nang sumunod na araw, maspinili ni Jason na manatili hanggang hapon kahit na mabuti na ang kanyang pakiramdam. Ngunit naging bagay naman ng pag-aalala ni aling Sonia ang dalawang araw na ito na pag-absent ni Jason. Sa isang banda mabuti narin at nakakasama nya pa ang anak bago ito tuloyang umalis para mag aral.

Ang mga oras ay parang tumatakbo ng malalaking hakbang. Dumating ang hapon na para bang ilang minuto lang ang nakalipas. Aalis ni si Jason. Aalis na ang anak ni Sonia. Matagaltagal rin silang hindi magkikita.

Sinamahan ni aling Sonia ang anak hanggang sa sakayan ng bus. Alam ni Jason na pinipihilan lang ng ina ang mga luha at pilit tinatago ang lungkot aa likod ng mga ngito nito. May lungot din sa loob ni Jason. Hindi sila magkikita ng ina ng ilang araw o linggo. Mamimiss nya ang kanilang kubo na gawa sa cogon at kawayan, ang lamig ng simoy ng hangin sa bukid at ang luto ng ina.

Umandar na ang bus. Nalulunod na ng luha ang mata ni Jason ngunit mabilis nya itong pinunasan bago pa sila kumawala mula sa kanyang mga mata. Kumaway ang ina ni Jason ng umalis na ang bus.

Kumaway naman si Jason sa ina habang siya ay papalayo ng papalayo.

•••

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon