EXORDIUM

144 10 11
                                    

KUMUKISLAP ANG MGA BITUIN sa langit na tila nagkaisa upang bumuo ng imahe na magbibigay kasiyahan, gabay, o pangamba, depende sa pagpapakahulugan ng taong nakatitig dito. Sa gabing ito, nagkasama ang mga maliliwanag na bituin na bumuo ng imahe ng isang alakdan o scorpion. Nakaharap ito sa kalahating buwan habang ang buntot nito'y naka baloktot paibaba na para bang nakabaligtad na tanda ng pananong.

Isang katanungan.

Isang misteryo sa kilaliman ng gabi.

Para sa mahilig sa astronomiya, ang aliwalas ng panahon sa gabing ito ay isang pagkakataong hindi dapat palampasin upang mapag-aralan ang mga bituin.

Samantala, sa ilalim ng bubong ng mga tala, kasama ang nakangising bwan, maaninag ang isang burol na mayroong mga kwadradong mga bato na bahagyang kumikintab tulad ng mga ngipin kapag nasisiliyan ng liwanag. Ang mga bagay na iyon ay mga nitso na wari'y nakapatong sa burol. Ang burol na ito ay ang sementeryong tinatawag nilang Sam-ang. Ito ang sinaunang libingan bago pa naipatayo ang Vesper public cemetery.

Matagal ng ipinagbawal ng lokal na pamahalaan ang paglilibing dito lalo pa noong ipinatayo ang eskwelahan sa kabilang burol na kalahating kilometro lamang ang layo at pinapagitnaan lamang ng dalampasigan.

Matagal nang nananahimik ang lugar na ito, maliban sa paminsan minsang paghuni ng mga ibon at pagbulong ng mga dahon sa mahangin na gabi. Wala ng mga taong nais pumunta o bumisita rito kundi mga hayop na gala. Wala ng taong gustong bumisita rito dahil sa mga katatakutang ipanagpasapasahan ng mga tao.
Wala nang taong bimibisita rito, lalong-lalo na sa pagkagat ng dilim.

Ngunit, hindi sa gabing ito.

Malamig ang ihip ng hangin kasabay ng mga nagbubulungang dahon at talahib. Unti-unting maririnig ang mga yabag ng sapatos na ngumangalot sa mga tuyong dahon.

May taong naglalakad papasok ng sementeryo.

Hindi maaaninag ang kanyang mukha sapagkat nilokob ito ng anino ng mayabong na acaccia. Sa kanyang pangangatawan at sa kanyang paglalakad ay masasabing isa s'yang lalake. Patuloy s'yang naglalakad, dumaan sa mga netso, mga kalansay, mga nakatiwangwang na mga kabaong, at mga estatwang napaglumaan na ng panahon.
Patuloy s'yang naglakad ng walang imik sa mga nadadaanan.

Sa 'di kalayuan, may maaaninag na imahe na sa unang tingin ay mapagkakamalang isa sa mga estatwang nagbabantay sa mga nitso. Ngunit, sa ibabaw na parte, may isang maliit na baga na nag-aalab, sabay ng pagtakas ng usok mula sa mala-tuldok na apoy na iyon.

May isa pang tao ang nandirito sa gabing ito at nauna pa s'ya sa lalaking naglalakad.

S'ya ay nakaupo sa isang nitso sa dulo ng burol habang humihithit ng sigarilyo.

Nagpatuloy sa paglalakad ang isang lalaki patungo sa kinaroroonan ng isa.

"Have you found them, Fino?" ito ang tanong na sumalubong at nagpahinto sa mga paa ng lalaking naglalakad.

"Yes, sir Pent," sagot naman ng lalaking si Fino. Napaka-ikli ng sinagot n'ya ngunit bakas ang matinding paggalang ang mababatid sa kanyang boses.

Sa parteng iyon ay wala nang aninong nagtatago sa mukha ni Fino. Bumaha sa kanyang mukha ang liwanag ng buwan. Isiniwalat nito ang kanyang maamong mukha, habang ang mukha ng lalaking nainigarilyo naman na tinawag ni Fino na sir Pent ay nananatiling nakatago sa anino ng kanyang sumbrero. Ngumiti si Fino at nagpatuloy sa pagsasalita, "Hindi naman sila mahirap hanapin."

"Good," bahagyang bumuga ng usok si sir Pent at nagpatuloy. "Then, make sure they bring themselves closer to the Binding Rock."

"Yes, sir. Everything is in our favor, Sir Pent."

"Good! And how about the Wicker's Token?"

"That, sir, is the problem. Hindi pa rin nakikita hanggang ngayon."

"Well, it's okay. Aliwin muna natin ang mga bata."

"Gayun pa man, hindi pa sila nakakapag-enroll, sir." Sa sinabing ito ni Fino ay tumayo si Sir Pent at itinaas ang mukha nito upang tumingin kay Fino.

"What?" Matalim na tanong niya kay Fino.

"That's actually the least thing to worry about, sir. Meron tayong problema kay Verdigris." Bahagyang huminga si Fino bago nagpatuloy, "He's standing on our way."

"Ganoon ba?" Humalakhak si Sir Pent na tila natutuwa sa narinig. Ang tunog ng kanyang halakhak ay naging mitya ng pagsiliparan ng mga ibon. "How come?"

"The Rites of Imbrication."

"Ah!" Marahang tumango si sir Pent. "How foolish. Ibig sabihin, limang beses s'yang mahina sa mga panahong ito para lang protektahan ang mga batang 'yan? Nababaliw na talaga sya. Ha! Sinasayang n'ya ang kapangyarihan n'ya."

"Anong gagawin natin ngayon, sir?"

"Hmm... Masaya 'to. If we can't harm them, then let them harm themselves." Tinapon ni sir Pent ang kanyang sigarilyo. "Kailan nila makukuntrol ng buo ang mga kapangyarihan nila?"

"Ang Ascendance ay sa darating na Luna  Sanguinem -- a few months from now," tugon ni Fino nang may tuno ng kumpyansa sa sarili.

Tumango si Sir Pent at lumakad papalapit kay Fino. Huminto s'ya sa gilid nito at halos magsing-abot na ang kaliwang balikat n'ya at ang kanan ni Fino; nakaharap sila sa magkaibang dereksyon. Kumuha si sir Pent ng bagong sigarilyo, inilagay sa bibig nito at sinindihan. Bumuga s'ya ng usok na para bang apoy na ang kasunod na lalabas.

"I think you should start the ball rolling. Dalawa sa mga batang 'yon ay medyo bihasa na sa kanilang kapangyarihan. Nararamdaman ko sila," sabi ni Sir Pent na para bang kumakausap ng invisible na tao o sa paaralang Mariano Institute of Science and Technology or mas kilala sa acronym nito na MIST na kalahating kilometro ang layo sa kanya. Tumango si Fino.

Matapos nun ay naglakad si Sir Pent papalabas ng sementeryo hanggang nawala s'ya sa kadiliman ng kakahoyan.

Bumalik na ulit sa nakabibinging katahimikan ang Sam-ang. Mayamaya'y dahan-dahan na gumagapang ang maitim na mga ulap mula sa Norte. Maya-maya ang pagkislap ng maiitim na ulap kasabay ang pagdagondong ng malakas na ungol na tila nagmumula sa kailaliman ng lupa o sa tiyan ng gutom at hindi pa nikikitang halimaw.

A storm is coming...


_-*-_

Photo source: https://wall.alphacoders.com/big.php?i=1033986 

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon