CHAPTER 4 • Second Day High

46 4 1
                                    


CHAPTER IV • Second Day High

Ang  unang dalawang araw ng pagbubukas ng klase ng Senior High ng Mariano Institute of Science and Technology ay nakalaan sa orientation, rules and regulations at outline ng mga curriculum ng mga mag-aaral. Ang ikalawang araw ay para sa mga late enrollees at mga absent noong first day. 

Sa isang cluster hinalo ang STEM at HUMMS habang sa isang cluster naman ay hinalo ang GAS at TVL.  Sa Cluster 3 nalista sina Jason at Gonzalo.

-*-

HINDI MASAYA ang Physics teacher na si Professor Douglas Drilon, sa pag-absent ni Jason at ng iba pa niyang kaklase. Hindi lang pala siya ang ang absent kundi pito silang hindi pumasok o nakapasok sa first two days ng klase: tatlong babae at apat silang lalake.

Naglecture muna si Professor Douglas tungkol sa kahalagahan ng time at higit sa lahat ng pagbibigay halaga sa edukasyon. Halos kalahating oras din siyang nagsalita at ang natira ay panggigisa sa mga absentees na nakatayo sa may chalk board. Nagmukha tuloy silang mga criminal na naghihintay ng mug-shots.

"Introduce yourselves and give a brief explanation as to why you weren't able to bring yourselves in school on the very first day of our class," sabi ni Professor Drilon na tila iniipit ang bawat salita mula sa kanyang bibig.

One by one they did.

Dahil ika-anim na magsasalata si Jason, nagkaroon siya ng pagkakataong mag-observe sa mauuna sa kanya.

Nauna ang nagngangalang Cynthia. Sabi nya nung Monday lang sya nakapag enroll. Ganoon rin ang rason ng dalawa pa na sina Erwin at Jessa. Ang ika-apat na nagngangalang Kay naman ay sinabing may schedule na check-up dahil sa sumasakit niyang wisdom tooth. Ang ikalima naman na si Argie ay may Sore throat.

Marahil naisip ng professor na parang gawagawa niya lang ang rason kaya bigla itong nagsalita.

"So, do you really need your throat to be fine in bringing yourself to school?" Matalim ang titig ni professor Douglas kay Argie na para bang isang scientist na pinag-aaralan ang isang specimen ng kadudadudang nilalang. "Next!" sambit ng professor.

Si professor Douglas ay isang malaki at matabang lalaki na nasa singkwenta pataas ang edad. Mapapansin kaagad ang kanyang malaking tyan at ang namumuti nitong buhok.

Medyo may kaba sa dibdib ni Jason nang sya na ang nagsalita.
Nagulat nalang si Jason nang wala itong ibang sinabi kundi, "those who were absent due to health concerns, you have to provide medical certificate." Tumango lang si Jason pati ang ibang kasama nyang nakatayo.

"And you?" tanong ni professor sa katabi ni Jason.

"I am Earl September Era. I was absent last meeting because I had a fever," sagot ng lalaki. Hindi naman imposible na may taong nagkataong lagnatin din sa mismong araw na nilagnat siya pero ganon paman kung nasa tabi mo ang magsasabi nito siguradong magmumukha kang nangungopya ng dahilan. Biglang tumitig ang lalaking si September kay Jason na para bang alam niya ang iniisip nito. Napatingin na rin si Jason sa katabi at parang nakita nya na ito sa kung saan.

As it turned out, no one seemed to think the same thing about their excuses, maliban nalang sa isang estudyante na biglang tumayo.

"Excuse me, sir?"

Sino nga ulit to? Napa-isip bigla si Jason. Naalala na ni Jason. Siya yung estudyanteng may kaalitan sa registrar's noong enrollment.

"Sir, hindi niyo ba napansin? Earl are copying the excuse from Jerson. Nagpapalusot lang sya!" ang pagpapaliwanag ni Crescent  habang humarap sa mga kaklase na para bang napaka-genius ng naobserve niya.

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon