CHAPTER 15 • The Daymare

53 6 3
                                    



CHAPTER 15 • The Daymare

By 7:30 in the morning gising na ang lahat. Bago pa man makapag-almusal ay pinagtipontipon ang bawat strands sa apat na conferrence rooms upang mag head count.

By 8:00 A.M. opisyal na inanunsyo na may dalawang estudyanteng nawawala. Tinukoy ang dalawa na sina Ericka Marie Era at ang kapatid nitong si Earl September Era na parehong nasa HUMMS strand.

By 8:30 pinag almusal muna ang lahat upang maghanda sa pag-uwi ng maaga dahil pina-cancel na ng mga principal ang gagawing tree planting at clean up drive sa paligid ng resort.

***

"Nakakaloka talaga ang mga nangyayare!" kumento Stephanie habang nasa mesa upang mag-almusal kasama sina Jason, Gonzalo at ang sinisipon pang si Lilianne.

"Ano raw ang nangyari?" tanong ni Jason.

"Usap-usapan ng lahat ang tampuhan ni Ericka at ng kasintahang si Mr. Freshie."

"Reliable ba yang rumor na yan?" tanong ni Gonzalo while stirring his coffee.

"Ewan ko lang no? Pero yan yung bukambibig ng lahat. Huli rawng namataan na naglalakad si Ericka sa may garden malapit sa pool area matapos ang nasabing alitan nila ni Mr. Freshie. On the other hand, inamin naman ni Marius na mayroon silang hindi pagkakaunawaan ngunit kunting tampuhan ng magkaibigan lang naman daw," bahagyang huminto si Stephanie. "Alam n'yo, hindi na man talaga ako naniniwala d'yan kase loyal kaya tong si Marius sa first laby-dabi niya."

Gusto sanang sabihin ni Jason na parang nakita niya si Ericka nong gabing iyon pero hindi niya na itinuloy dahil baka mamention niya pa na andoon sa pool area si Crescent na parang may hinihintay at naaasiwang makita siya ni Jason. Isa pa, kasama nila si Lilianne, ayaw niyang maging isyu pa ang saasabihin niya.

"Teka, himala yata na hindi ka ginugulo ni Crescent ngayon, Yan?" kumento ni Gonzalo bago uminom ng kape nya.

"Oo, nga no?" ang pagsang-ayon ni Stephanie. "Parang nasanay na rin kase akong lagi siyang umaaligid at sumusulpot eh."

"Ah, baka pagod lang," simpleng sagot ni Lilianne.

11:34 ng umaga, bago pa man lumisan ang lahat pauwi, kumalat na man ang balita na tumawag si September kay Marius na hinahanap niya ang kanyang kapatid na si Ericka. Sinimulan naman ang search and rescue para kay Ericka. Sa mismong mga oras na iyon pina-uwi na lahat ng mga estudyante sa kanikanilang mga bahay, ang iba naman ay sinundo ng mga magulang nila.

Ang isyong ito ang naging mainit na balita sa buong paaralan dahil ito ang kaunaunahang pagkakataon na nagkaroon ng out of school activity na una nang tinutulan ng ibang mga magulang.

*****

Malamig ang simoy ng hangin na umiihip mula sa bintana ng bus. Maaliwalas ang hapong iyon kung kaya matutunghayan ng sinumang byahero ang kagandahan ng kalikasan habang pababa sila ng bundok ng Tres Marias. Gayun pa man, hindi ito nabibigyang pansin ni Jason. Nais niyang kausapin si Gonzalo ngunit tila mahimbing ang tulog nito sa tabi niya. Maraming mga katanungan ang tila mga kabuti na nagsusulputan sa kanyang isipan.

Nasaan na nga ba si Ericka?

Possible kaya na naghihintay si Crescent kay Ericka nang gabing iyon?

Possible kaya na may kinalaman si Crescent sa pagkawala ni Ericka?

Ano naman ang gagawin ni Crescent kay Ericka?

Bahagyang gumalaw si Gonzalo sa tabi nya kaya napalingon si Jason. Nanlaki ang mata niya nang makitang hindi iyon si Gonzalo kundi si Ericka na nakatalukbong ng napakanipis na pulang tela na tila umaalon alon pa sa saliw ng hangin. Biglang hinablot ni Ericka ang balikat ni Jason, mahaba at matatalas na ang mga kamay ng dalaga at bigla itong nagpakawala ng napakatinis na sigaw na tila patalim na tumutusok sa tenga ni Jason at magpapahinto sa tibok ng kanyang puso.

Napabalikwas si Jason. Hinahabol pa niya ang paghinga at kasabay ng pintig ng kanyang pulso na tila dumadagondong sa kanyang tenga ay ang umuulyaw na sigaw ni Ericka. Bigla niyang naramdaman ang haplos ng napakalamig na hangin habang niyuyogyog siya ni Gonzalo.

"Pare," sabi ni Gonzalo ngunit tila napakalayo ng boses niya para maulinigan ni Jason. "Pare!"

Walang ano-ano'y, biglang lumagapak ang mukha ni Jason sa pagdapya ng mga palad ni Gonzalo. Sa isang iglap ay parang hinugot si Jason mula sa kailaliman ng tubig. Biglang bumaha ang pakiramdam niya sa buong paligid.

Napatingin si Jason kay Gonzalo. Lahat ng mga kasamahan nila, maliban sa driber, ay nakatingin sa kanya. "A--ano ba'ng nangyare?"

"Pasensya ka na pare. Para ka kaseng binangungot, tapos pagkagising mo, nakatulala ka nalang sa hangin," paliwanag ni Gonzalo.

Lahat ng naroon sa bus ay nakatitig sa kanya.

"Ah, eh, parang naalimpungatan lang ata ako," sabi ni Jason habang absent-minded na kinuskos ang pisngi gamit ang palad.

"Oh, andito na tayo," sabi ni Gonzalo ng dahandahang huminto ang bus na sinasakyan nila. "Pero magpahinga ka muna, saglit. Paunahin na natin ang iba na bumaba."

Tumango si Jason upang sumang-ayon.

****

Dahil napapansin na ni Gonzalo na tila wala sa sarili si Jason simula palang sa paggising niya kanina sa sasakyan hanggang sa makapasok na sila sa mga kwarto nila sa dormitory ay tinanong nya na ito.

"Pare, okay ka lang ba?" tanong ni Gonzalo matapos ilapag ang bag at iba pang mga gamit.

Ibinaba na rin ni Jason ang kanyang bag sa sahig at deretsong umopo sa deck niya. Napabuntong hininga ito at binaling ang tingin kay Gonzalo.

"Sa totoo lang, Gon... hindi talaga ako mapakali." Bahagyang natahimik si Jason na tila hinahanap ang susunod na sasabihin sa sahig.

"Sabihin mo nlang kaya yan sa akin, baka makatulong pa ako."

"Parang nakita ko kase si Ericka kagabi sa may garden. Although, hindi ako sigurado na siya yun, pero malakas ang pakiramdam ko kase doon nila nakita ang glasses nya."

"So?"

"Hindi ko alam, pero sa pool area malapit sa garden kung saan ako nakakita ng anino ng nakaglasses na babae, nandoon si Crescent ng gabing yon. Ayaw ko isipin na..."

"Sa palagay ko possible ang iniisip mo," deretsahang sagot ni Gonzalo. "Maaring may alam siya. Ba't di mo kaagad sinabi?"

Napabuntong hininga ulit si Jason bago nagsalitang muli. "Ayaw ko rin kaseng pagsimulan yon ng away. Isa pa parang okay na kasi sila ni Lilianne.

"Alam mo, masmakabubuting kausapin natin siya."

"Sa palagay mo?"

"Syempre na man. Isa pa, bat hindi na siya nagpapakita sa atin mula kaninang umaga?"

Tumango si Jason habang nakadikit parin ang paningin sa sahig.

"Gon, my isa pa pala akong sasabihin... para atang narinig ko ang sigaw ni Ericka kagabi. At kanina sa bus, parang napanaginipan ko siya. Nakatitig siya sakin habang may nakatalukbong na manipis at pulang tela sa buong katawan niya. Sa tingin ko masamang pangitain yon."

"Masmakabubuti sigurong pag-usapan natin yan kasama sila. Pero sa ngayon, magpahinga muna tayo."

"Siguro nga," dahan dahang humiga si Jason sa kama.

"Siya nga pala, lalabas muna ako bibili ako ng softdrinks para naman marelax tayo ng kaunti. Medyo nakakastress din pala bumyahe sa nakakahilong daan."

"Sige, sige... iidlip nalang muna ako. "

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon