CHAPTER 13 • The Short and Sorrowful Tale of the Arsonist

62 1 2
                                    

CHAPTER 13 • The Short and Sorrowful Tale of the Arsonist

 •°*°•

Nahuli ng kaunti si Jason sa pag-akyat sa kwarto nila dahil naisipan niyang tumawag at mangumusta sa kanyang ina. Everything is not quite fine pero ang sabi niya sa ina ay okay lang ang lahat. Ito ang upang hindi pag-aalahanin ang kanyang ina. Mabigat ang mga paa ni Jason habang umaakyat sa hagdan patungo sa kwarto nila ni Gonzalo. Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa kanya ang tahimik na paligid, napansin niya na bakante ang higaan ni Gonzalo. Dumeresto si Jason sa kanyang deck at humiga. Nakatitig siya sa ibababaw at walang ibang iniisip kundi ang mga kakaibang nagyayari. Tumagilid si Jason at bumungad sa kanya ang ulong nakalaylay sa ibabaw ng deck ni Gonzalo, ang mukha nito ay naglalagablab; kalahati nito ay tila nalulusaw, habang nanlilisik ang isa nitong mata. Nang itaas niya ang paningin ay natukoy niya agad na iyon ay ang mama--ang multong madalas na nagpapakita sa kanya simula nang dumating siya sa paaralang ito. 

Dahan dahang bumangon si Jason at hinarap ang mama. Napagtanto ni Jason na marahil kailangan niyang harapin ang multo, santelmo, o kung ano man ito. Kung tutusin kung nais siyang saktan ng multo ay dapat matagal na itong nangyari. 

"Sino ka ba?" tanong ni Jason. Walang isinagot ang mama ngunit, dahan dahan itong lumutang bumaba at lumapit sa kanya, itinaas ang mga palad at inilapit sa kanyang mukha. 

Sara... Tila bulong na sumasabay sa hangin ngunit malinaw itong binigkas ng kung sinuman. Habang papalapit ang mga palad sa mukha ni Jason ay papabilis naman ng papabilis ang kabog ng kanyang dibdib. Sa takot na saktan o mapaso sa nag-aapoy nitong kamay ay mabilis niyang isinanga ang mga palad. Nang lumapat na ang mga palad ng mama sa kanyang kamay ay tila nakaramdam si Jason ng kalinawan ng pag-iisip. Tila ang mga kamay ni yon ang nagpakalma sa takot na laging namumukadkad sa tuwing nakakaharap niya ang multo. Sa di inaasahan ay biglang nagpalit ng kulay ang apoy sa katawan ng mama. Mula sa nagngangalit na pula ay naging maputlang dilaw ito, naging mpausyaw hangang naging kulay puti. Habang nagpapalit ang kulay ng apoy ay mabilis namang nagpalit ang katangian ng mukha at balat ng mama. Hindi na mukhang tostado ang kulay ng balat nito at tila nanumbalik ang nalulusaw nitong mukha sa dapat nitong hulma o pigura. 

"Ba--bakit ka.. nagpapakita... a--anong kailangan mo sakin?" nauutal na tanong ni Jason kahit na kalmado na siyang nakaharap dito. 

"Sa--" hindi na naituloy ng mama ang bulong dahil biglang bumukas ang pintuan ng kwarto. Pumasok si Gonzalo na may dalang mga supot.

Halatag natigilan si Gonzalo ng makita si Jason na nakatayo at parang may kaharap. Binaling niya ang tingin sa bakanteng lugar kung saan nakaharap si Jason.

"Ah, eh..."naaasiwang panimula ni Gonzalo. "Pare, may dala nga pala akong pagkain dito. Kain muna tayo. At saka, may magandang balita ako sayo."

Umupo pabalik si Jason sa kanyang deck at umupo na man si Gonzalo sa sahig. "Kumusta na pala yang pakiramdam mo?"

"Hmm, mukhang okay na yung pakiramdam ko."

"Alam mo, pre?" Panimula ni Gonzalo. "Naiintindihan kita." Bumuntong hininga si Gonzalo. "Mas malala nga ang nangyari sa akin nuong madiskubre ko tong mga kabaliwang 'to eh," tugon ni Gonzalo habang binubuksan ang mga supot at kinuha ang mga lamang pagkain.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Halika, mag-usap tayo habang kumakain."

 •°*°•


"I tried to burn somebody's house."

Napahinto si Jason sa pagkain ng fries. Tinatantya niya kung nagbibiro ba si Gonzalo sa sinabi niyang iyon. 

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon