• MARIUS •

33 1 0
                                    


______⚜______


______⚜______

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

______⚜______


Distance and displacement are two different things. When you are distant from someone, it only means there is a space between that person and you. That sick void of separation. No sense of direction. No chance of knowing where to start or when to end your search. The two of you are just far apart. Displacement, on the other hand, is about changing your position. You are not in your original position, but you know well where you are going when you want to go home. You are sure that you have a place to start with. And you know where to end.


TWO MONTHS BEFORE HIS ADMISSION TO THE M.I.S.T - SENIOR HIGH SCHOOL


             "RAM? MAR--MARIUS?" pagtatakang tanong ng dalagang si Ella nang lumabas ito sa sa isang cafe. May mga piraso ng snow na dahan-dahang nahulog at dumapo sa hazel brown niyang buhok na may mga kulot sa dulo. Bakas sa kanyang namumulang mukha ang lamig. "Marius, paanong--" Napalingon siya sa magkabilaang direksyon na tila ba may hinahanap. At muling hinarap ang lalaking nakatayo at nanginginig sa lamig sa kanyang harapan sa gitna ng tahimik na kalsada. "Kailan ka lang dumating rito? At anong--" bigla siyang napahinto nang makiting may paparating na sasakyan. Mabilis niya kinuha ang kamay ng nanlalamig na lalaki at hinila papunta sa gilid ng kalsada. "Ba't ganyan ang suot mo. Ang nipis-nipis, alam mo namang napakalamig dito sa Sapporo." Pumasok sila sa cafe. Biglang sumalubong ang maaligamgam na pakiramdam sa buong katawan ni Marius. Nanginig ang buo niyang katawan at nahulog ang mga naguumpukang snow sa kanyang balikat at ulo.

"Grrr... pasensya na. Can I... have a... coffee first?" nauutal na sabi ni Marius. Napangiti si Ella at mabilis na umorder mula sa isang waitress. Hindi rin naman nagtagal ang pagdating ng kanyang inorder na kape kasama ang rice crackers.

"Your favorite, at Osenbei," paliwanag ni Ella. Mabilis namang kinuha nin Marius ang tasa ng kape. Hinawakan ito ng kanyang dalawang kamay at pinakiramdaman ang init. Mayamaya ay humigop ng kape. Hinubad ni Ella ang jacket at ibinigay ito kay Marius. "Isuot mo muna 'yan. S'ya nga pala, 'bat ba naka-t-shirt ka lang at kelan kapa dumating dito sa Japan?"

Tumitig ang binata sa mga mata ng dalaga. Ibinaba ang tasa at sinabing, "I miss you..."

"Hmm ang tanong ko yung sagutin mo. T'saka sino bang kasama mo? Tumakas ka na na man ba?"

Kinuha ni Marius ang kamay ni Ella. Nais niyang maramdaman ang init ng kanyang mga palad ngunit hindi niya ito maramdaman. Tanging ang magaspang na gloves lang ang nakadampi sa mga palad niya. "I miss you so much, Ella." Bahagyang kuminang ang mga mata ni Marius. Kinuha ni Ella ang mga kamay mula sa pagkakahawak ni Marius. Tinanggal niya ang gloves at hinawakan ang mga kamay ng binata.

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon