CHAPTER 12 • Mental Altercation

36 0 0
                                    


At 3:31 p.m., lumabas si Jason sa school clinic. Kung gaano kalamig ang clinic ay ganoon rin kalamig ang sumalubong na temperatura sa labas. Umuulan pa rin ngunit hindi na gaanong malakas. Nang tumonog ang kanyang cellphone ay mabilis niya itong kinapa at hinugot mula sa kanyang bulsa, pinindot ang naliit na switch upang lumiwanag ang screen. 

Andito ako sa second-floor cafeteria ng AN building. Ito ang message ni Gonzalo sa kanya. Noong may klase sila sa Chemistry, nadiskubre ni Jason na mas mabilis siyang dadating sa AN second floor kung dadaan siya sa second floor ng Lavoisier building na magkadikit dito dahil may roong maliit na entranca sa pinakadulo ng ikalimang Chemistry lab na sa unang tingin ay parang deadend dahil paliko ang daanan sa nakadikit na parteng iyon ng AN building. Kaya bago pa man din marating ang AN second floor ay kailangan munang dumaan sa hallway ng limang magkasunod na Chemistry lab. Ang Chemistry lab ay open room kung saan walang aircon na nakainstall at may malaking parihabang bintana sa pinakaibabaw ng front wall. Mga jalousi lang rin ang mga bintana sa opposite wall nito at madalas pag ganitong weekday ay open lang lagi ang dalwang pinto na entrance at exit. Walang mga klaseng nagaganap sa mga chemistry lab marahil sa ingay ng ulan kanikanina lamang, ngunit sa mga oras na ito ay tuluyan na ngang tumila ang ulan.  Habang naglalakad si Jason ay halos naririnig na niya ang kanyang mga yabag dahil sa katahimikan. Nang marating niya ang dulo ng hallway bago ang maliit na eskinita ng hallway ay may nauulinigan siyang bosses sa unahan. Napaisip siya na marahil nasa kaliwang bahagi ng intersection ng hallway nanggagaling ang mga bosses. 

"Ba't ako yung pinagbibintangan mo?!" galit na sabi ng boses.

"Sino pa nga ba, Septy? Ikaw lang na man ang kayang pumasok sa mga kukute ng mga tao diba?" sagot naman ng isang boses na unti-unting niyang nakikilala. 

"How convenient to accuse me? How should I know na hindi ikaw ang may kagagawan ng nangyare kay Prof. Drillon?

"Oh? Ba't na man ako?"

 "Bakit, hindi? The last time I checked, ikaw tong kayang pagalawin ang mga bagay gamit lang yang katiting na utak mo!"

"Putang ina mo!" Sa puntong ito may lumagapak na tila isang bagay na nawasak kasabay ang matinis na mga tunog.

"O, ngayon ikaw ang galit?" 

"May araw ka rin sak---"

Naputol ang sasabihin ng isang boses nang marating ni Jason ang dulo ng hallway at nakitang sina Crescent at September ang pinagmumulan ng dalawang boses. Napalingon ang dalawa sa kinaroroonan ni Jason. Nakasimangot si Crescent na parang isang tigreng nakahanda nang sakmalin ang pagkain nito.

''Ah, eh... Pasen--'' panimula ni Jason ngunit hindi nya rin ito natapos dahil mabilis siyang sinagot ni Crescent ng....

"Uy, Dorian! Andon si Gonzalo sa cafeteria.''

"Nako, mga 'tol. Baka magkagulo na naman--" Hindi ulit natapos ni Jason ang sasabihin dahil bila na namang sumabat si Cresent.

"Nako hindi no, ikaw naman," sabi ni Crescent sabay akbay kay September at nagpatuloy sa pagsasalita. "Nag-uusap lang kami ni Septy." Pagkatapos magsalita ay ngumisi ito na para bang walang nangyare habang si Septemner naman ay nakatitig lang kay Jason na halatang naiirita. 

"Ah, sige, sige. Mauna na ako." Nagpatuloy sa paglalakad si Jason at napansin niyang may basag na violin sa gilid ng hallway isang metro ang layo mula kina Crescent. Bago pa siya muling lumiko pakaliwa ay narinig nya pa ang mga sumunod na palitan ng dalawa dahil sinadya nyang maglakad ng dahan dahan.

"How convinient?" singhal ni Cresent na tila ginagaya ang boses ni September. "At di mo talaga pinaalam sakin na may paparating? Gusto mo talagang magmukha akong masama ano?" dagdag niya.

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon