• DORIAN •

78 8 13
                                    

______⚜______

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

______⚜______

LESS THAN A MONTH BEFORE HIS ADMISSION TO THE M.I.S.T - SENIOR HIGH SCHOOL

Kung pagbabasihan ang huni ng mga kulisap at ang mga bituin na unti unting lumiliwanag sa papadilim na kalangitan ay masasabi ni Jason na mga alas-sais na ng gabi na. Iyan kadalasan ang kanyang paraan sa pagtukoy ng oras. Iyan ang matututunan mo kapag nakatira ka sa bukid, paliwanag niya minsan sa isang kaibigan. Kailangan niyang maglakad ng mga isang kilometro mula sa main road pa-uwi sa kanila.

Ang buwan ay dahan dahang sumisikat kasabay ng pagbaha ng liwanag nito sa buong kapaligiran. Maputla man, ngunit ito rin ang isa sa mga gabay ni Jason sa pag-uwi.

Nakatayo sa pintuan si aling Sonia, naghihintay na dumating si Jason. Ito ang kanyang nadatnan.

"Oh, kamusta anak?" tanong ni Aling Sonia.

"Mano po, 'nay." Kinuha ni Jason ang kamay ng kanyang ina at bahagyang yumoko para pag-abutin sa noo.

"Pagpalain ka, anak."

"Nakuha ko na po yung certificate ko sa pagtatapos ng junior high." May bakas ng saya at lungkot ang nasa sa boses ni Jason.

"Ui, mabuti na man!" Biglang napansin ni aling Sonia na parang hindi masaya si Jason. Tila matamlay si Jason nang pumasok sila ng bahay.

"May problema ba anak?"

"Nag-aalala lang ako sayo 'nay kung mag-sisimula na ako mag-aral sa senior high..."

"Nako anak 'wag ka na nga mag alala sa akin. Masaya ako para sa'yo anak. S'ya nga pala ipinag luto kita ng paborito mong tinolang manok." Biglang umaliwalas ang mukha ni Jason nang makita ang handa sa mesa.

Matapos makapaghapunan ay ramdam ni Jason na busog na busog siya sa hinanda ni aling Sonia. Matapos silang mag-usap tungkol sa bago niyang paaralan ay pina-akyat na siya ng ina upang makapagpahinga ng maaga.

Tunungo ni Jason ang kanyang kwarto at humiga sa kama. Inanyaya niya ang antok na dumating sa pamamagitan ng pagpikit niya ng mga mata, ngunit nanatiling dilat ang kanyang isipan. Hindi siya makatulog. Bigla siyang nakaramdam ng init sa katawan. Hinubad niya ang shirt na suot. Tagaktak ang pawis sa kanyang katawan.

Bumangon si Jason at binuksan ang bintana. Pumasok ang malamig at preskong hangin ngunit parang hindi ito ramdam ng kanyang katawan. Tila nag-aalab ang kanyang buong katawan. Napayuko si Jason nang biglang sumakit ang kanyang batok na para bang tinutusok ng mga karayom. Tila napaso siya nang hawakan niya ito.
Napakapit siya sa may bintana at namilipit sa sakit na nadarama. Bigla niyang napansin ang pigura na nasa labas.

May tao.

Hindi maaninag ang kanyang mukha sa kabila ng baha ng liwanag ng buwan. Unti-unting lumabo ang paningin ni Jason habang patindi ng patindi ang sakit sa kanyang batok na para bang may mga blade na nagsasayawan sa baba ng kanyang batok. Ang maninipis na sakit sa kanyang balat ay nagdala matinding sakit sa kanyang batok hanggang sa kanyang ulo.

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon