CHAPTER 10 • Obscurum

22 1 0
                                    

CHAPTER X • Obscurum

Habang papalapit sila ni Jason kasama ang guide na si Katherine, may pumanhik na tatlong estudyante na pamilyar kay Jason. Si September kasama ang dalawang estudyante na nakilala ni Jason sa restroom ng University, si Ericka at Marius. Nang makita ni Ericka si Jason ay agad itong kumaway sabay ngiti na sinuklian na man ni Jason.

"Sandali lang ha?" sabi ni Katherine kina Jason, Gonzalo at Stephanie at lumapit sa tatlong papalapit na estudyante. Dahil hindi na man kalayuan ang agwat nila sa tatlo at tila pinapalakas ng acoustics ng museo ang mga tunog sa loob, idagdag pa ang katahimikan nito, ay naririnig nila ang usapan nila sa guide na si Katherine.
Bumati si Katherin sa tatlo, nagpakilala at nagtanong kung ano ang maipaglilingkod.

"Nako, pasensya na baka nag-out na si Celestine," paumanhin ni Katherine. "Maari na man kayo sumabay sa kanila." dagdag niya sabay senyas kina Jason gamit ang bukas na palad. "Kaya lang pupuntahan muna namin ang librong tinatawag ng marami na 'the book of bad luck' ."

"Oo, narinig namin 'yang kwento tungkol d'yan," sabi ni September.

"Tama, excited nga kami na makita eh," dagdag pa ni Marius..

"Ay nako, sila lang," kumento na man ni Ericka. "Kaya kung okay lang eh sa kabila na lang muna ako maghihintay sa dalawang lalakeng 'to."

Sabay na tumingin ang dalawang lalake na kasama ni Ericka, sa kanya.

"O, sinabi ko na sa inyo kanina na ayaw ko talaga no?"

"Kung ganon miss, may mga opuan malapit sa terrace, pwede kang maghintay roon. Meron din na mang mga magazines doon para na man maaliw ka," paliwanag ni Katherine.

"Sige, salamat."

"Uy, apaka killjoy mo ha, total andito na man lang tayo tingnan na natin yang libro na yan. Tsaka tingnan mo sila doon. Marami na tayo, kaya paghahatihatian nalang natin yung kamalasan na dala ng libro," natatawang sabi ng kapatid niyang si September. "Ganito nalang, iprove natin na hindi talaga totoo ang mga sabi-sabi."

"Nako, kung hindi lang kita kapatid eh binatukan na kita!" sagot naman no Ericka. "O, sya... basta mabilis lang ha, ang creepy kase ng area na yan."

Kasama ng guide na si Katherine sina September, Ericka at Marius ay lumapit sa kinaroroonan nila Jason.

"Bro," bati ni Marius kay Jason. Tumango si Jason at bahagyang kumaway bilang tugon. Si September na man ay tumango na rin sa tatlo.

"Kaloka, kilala mo pala sina Marius at Ericka, papa Jay?" pabulong na tanong ni Stephanie kay Jason.

"Hindi masyado, nakilala ko lang din silang dalawa ni Ericka sa labas ng restroom ng University. Teka, magkasintahan ba sila?"

"Ah, I see... Well, bet ko na magkatuloyan ang dalawa pero mukhang malabo mangyare. Para na silang magkapatid niyan. At saka, yung best friend ni Ericka yung bet ni Marius... Sino nga bang pangalan non?" bahagyang nag-isip si Stephanie. "Ah, Ella pala!

"Hoy! Tumahimik ka" saway ni Gonzalo. Nakatingin sila rito o! Baka isipin pa nilang pinagtsistismisan ninyo sila."

Nang nakalapit na silang tatlo ay sabay-sabay na silang naglakad papalapit sa kinaroroonan ng tinaguriang 'the mystery box'.

Sa malapitan, ang tinatawag ni Katherine na Book of Bad Luck ay mukhang maliit na parihabang kahon, gawa ito sa ginto at may kakaibang desenyo na tila mga ugat ng kahoy. Nakapaloob ito sa box na glass at nakapatong sa isang maliit na mesang kasya lang sa lalagyan ng libro.

"Ito ay tinatawag na librong 'Obscurum.' Ayon kay Dr. Mangitngit, ang orihinal na tawag nito noong unang panahon ay 'Mga Panid sa Karaang Kinaadman' o sa ingles ay 'Pages of the Ancient Knowledge' dahil ito ay mga pahina lamang ng mga kaalaman ng mga Mayngtaw at Babaylan na tinipon-tipon at binoo bilang isang libro. Ayon sa mananaliksik na si Dr. Hermiscrow, ang salitang 'Obscurum' ay salitang latin na nangangaholugang "Dark," na pagpapaiksi sa buo nitong tawag na "Obscuro Scriptum." Samantala, sa librong isinulat ni Dr. Hermescrow, tinawag niya ito sa Ingles na "The Book of Voices," sapagkat ito raw ang sumisimbolo sa mga bosses ng mga sinaunang tao tungkol sa mayabong na kultura ng mga MayngTaw--ang mga boses na patuloy na nag-eecho hangang sa kasalukoyang panahon. Nang dumating ang mga espanyol nilusob nila ang lugar ng Mayngtaw, nakumpiska ang mga pahina ng nasabing libro. Suninog nila ito upang mawala sa isipan ng mga tao ang kanilang mga paniniwala at nang maging matagumpay ang pagpapalaganap nila ng Kristyanismo. Isa sa mga paraan nila ay pagbrainwash ng mga tao na ang mga kaalaman ng mga Mayngtaw at Babaylan ay galing sa demonyo at mga masasamang elemento. Kaya sina Dr. Mangitngit at Dr. Hermiscrow ay hindi sang-ayon sa isinaling pangalan ng libro na noon ay tinawag na 'Obscurolibreta' na nangangahulugan ng 'Librong Itim' o 'Librong Nalulukoban ng kadiliman,' sapagkat nagbibigay ito ng negatibong pagkakahulogan. Pagdating ng mga amerikano ay nagtagumpay na ang mga espanyol sa pagpapalaganap ng krsityanismo at pagsunog ng lahat ng mga posibleng kopya ng mga pahina ng Obscurum."

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon