CHAPTER 8 • Mirage and Mirrors

27 2 1
                                    

CHAPTER VIII • Mirage and Mirrors


Nasalubong ni Jason si na Gonzalo at si Lilianne na papabalik na sa hallway mula sa Pavilion kasabay ng mga estudyanteng tila bubulwak na sa kipot ng daanan.

"Jay!" tawag ni Gonzalo. "Tagal mong umihi ha? Ano yun sinulid?"  Biglang napatawa si Lilianne.

"Ra-ulo!" malumanay na sagot ni Jason. Medyo nagulat siya sa nasabi niya. Mukhang nagiging komportable na siya sa mga bago niyang kaibigan at unti-unti niyang nasusunod ang mga trip nito.

"O? Saan ka pa pupunta. Tapos na ang meeting," nangingiting sabi ni Lilianne.

Napakamot sa ulo si Jason. Hindi na man siya na offend sa pangyayari na kung saan nagmukha siyang engot pero nakaka awkward pa rin ang ganoong pangyayari kapag napakagandang babae ang magsasabi. "Ah...eh..."

"Nako, hali ka na nga!" Inakbayan ni Gonzalo si Jason at naglakad silang tatlo nang biglang may sumigaw.

"Sandali! Banban! Banban!" sabi ng pamilyar na boses. Nang lumingon silang tatlo ay nakita nila si Crescent na patakbong lumalapit sa kanila. May hawak siyang notebook sa kabilang kamay. Bahagyang nagsitabihan ang mga estudyante na para bang nagbibigay daan sa isang hari. May nagtilian pero hindi ito pinansin ni Crescent.

Napahinto na rin sina Gonzalo, Jason at Lilianne nang lumapit si Crescent.

"Banban," sabi ni Crescent habang nakatitig kay Lilianne. "Banban, pwede ba kitang ayain kumain? Lunch?"

"Pwede ba, Cris, wag mo na akong tawaging 'Banban,'" nai-iritang sabi ni Lilliane ngunit mabilis na napalitan ang tono ng kanyang boses at kanyang ekspresyon ng mapansin ang adhesive bandage na nasa bridge ng ilong nito. "Teka, anyare sa ilong mo?" pag-aalalang tanong nito. 

Tama ang hinala ni Gonzalo na mamamaga ang ilong ni Criscent ngunit hindi ito masyadong malaki kung kaya halos hindi rin mahalata na nasuntok iyon kung hindi titingnan ng malapitan.

Napatingin si Crescent kay Gonzalo at Jason. "Ah, eh... Wala 'to. 'Wag mo na pansinin."

"Oo nga, Yanie. Parang hindi ka na nasanay," sabat ni Gonzalo. Napatingin sina Lilliane at Crescent kay sa kanya. Hindi na man mawari ni Jason kung anong ekspresyon ang pinapakita ni Crescent.

"Well, Cris, hindi ako pwede. Kasama ko sina Rence, at Jay sa lunch, pupuntahan lang namin si Stephanie," mabilis na sagot ni Lilianne. 

Medyo nalito si Jason o marahil hindi niya lang talaga alam na yun na pala plano nila habang wala siya. Biglang napatingin si Crescent kay Gonzalo, na para bang gusto niyang ikumperma ang na tama ang narinig.

"Ah, eh, oo p're!" tila nabubulol na pagsasang ayon ni Gonzalo. Hindi mawari ni Jason kung ano ang pinapahiwatig ni Gonzalo pero nagbigay siya ng ekspresyon kay Crescent na dahilan kung bakit siya tumango. Nanatiling tahimik ulit si Jason dahil hindi niya alam ang sasabihin.

"Eh di isama na natin sila, problema ba yon? Ban, please na man. Mag-usap na man tayo oh?" Tinangka ni Crescent na hawakan ang kamay ni Lilianne ngunit mabilis itong inilayo ng dalaga.

"Diba sabi ko 'wag mo na akong tawaging Banban, okay?" sagot ni Lilianne.

"Ito nalang, may alam akong lugar. Treat ko."

"'Wag na! May pera kami!" galit na wika ni Lilianne.

"Oy! Ano yang mga treat-treat ang pinag-uusapan niyo habang wala ako?" Biglang sumulpot si Stephanie.

"Manglilibre raw si Crecent, Steph!" paliwanag ni Gonzalo sabay tanggal ng nakaakbay n'yang braso kay Jason.

Biglang humarap si Stephanie kay Crescent at sinabing, "Hoy pretty boy! The last time you treated us for some food eh it ended up with some trouble. Kaya kahit na kapos ako sa budget, at parang gusto ko ng masarap na food, kung ikaw lang na man ang kasama eh 'wag na lang!" napakabilis ng litanya ni Stephanie at  binitbit si Lilianne paalis.

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon