CHAPTER 3 • The Presence

45 5 4
                                    

CHAPTER III • The Presence

Halos dalawang oras din ang byahe upang marating ang bayan ng Vesper. Nang marating ni Jason ang MIST ay mag-aalas sinko na ng hapon. Tinanong niya ang guard kung saan ang dormitory at mabilis itong tinungo base sa dereksyon na binigay ng guard. Marami nang mga estudyante ang nagsilabasan dahil dismissal time na. Napahinto si Jason nang nadaanan niya ang maliit na garden sa tabi ng parking lot. May nakatayo na isang lalake. Tama lang ang pangangatawan ngunit medyo may kalakihan ang tiyan nito dahil siguro sa hilig sa alak.Wala itong pang ibabaw na kasuotan at tanging lawlaw na maong na pantalon lang ang suot nito. Sa tantya ni Jason, nasa senkwenta ang edad ng mama. Nakatayo ito sa likod ng punong mahogany. Nakatitig ito sa kanya na para bang may sasabihin. Bumilis ang tibok ng kanyang dibdib. Dahan-dahan siyang lumapit dito at nang mga sampung metro na lamang ang kanyang layo mula rito ay napansin niyang nakapaa lamang ito, at higit sa lahat hindi ito nakasayad sa lupa. Nang kumurap si Jason ay biglang binukas ng mama ang kanyang bibig na para bang sisigaw siya ngunit wala namang lumalabas sa kanyang bibig. Bigla nitong itinaas ang kanang braso na nakabukas ang mga palad na tila ba nais siyang abutin nito. Mabilis na lumutang papalapit sa kanya ang mama. At nang ilang metro na lamang ito sa kanyang kinaroroonan ay biglang nagliyab ang buo nitong katawan. Lumakas pa ang pagliyab ng mama. Nanginig ang buong katawan ng mama at namimilipit marahil sa sakit ng apoy na unti-unting tumutupok sa kanyang mga balat. Hindi maipaliwanag ni Jason ang kanyang nadarama. Nais niyang tumakbo papalayo ngunit tila nakasemento ang kanyang mga paa ngunit tanging ang puso nya lamang ang ramdam niyang nagwawala at tila gusto kumawala mula sa kanyang dibdib. Halos di niya na rin pansin ang pagalsa ng kanyang dibdib para huminga. Tila numinipis ang hangin na kanyang nalalanghap sa paligid, habang malamig ang dapya ng hangin sa kanyang pawisang noo at batok. Nais ni Jason na ipikit ang mga mata ngunit tila ayaw ding makisama ng kanyang mga mata. Dilat na dilat ito at tila gustong masaksihan ang buong nagaganap sa mama. Mabilis na gumapang ang apoy sa buong katawan ng mama habang mabilis na tumitigas at nagpapalit ng kulay ang balat nito na para bang malutong na ito kung hahawakan. Biglang pumutok ang mga mata ng mama kasabay ng pagtalsik ng mainit na dugo sa mukha ni Jason. Patuloy din ang pagwawala ng kanyang puso na tila ba malapit na rin itong pumutok sa kanyang dibdib. Abot na sa kanyang kaliwang balikat ang kamay ng nag-aapoy at natutupok na mama nang biglang...

"Jason! Ui! Jason!" ang sabi ng boses na tila namayani sa kanyang mga tenga. Kasabay nito ang paglagapak ng isang palad sa kanyang kaliwang balikat na siya namang humila sa kanya pabalik sa realidad.

Biglaang napalingon si Jason at nakita si Gonzalo sa kanyang likoran. Ilang sigundo rin siyang hindi makapagsalita.

 "Oh, Ba't para kang nakakita ng multo?" tanong ni Gonzalo nang mapansin ang gulat na gulat na mukha ni Jason. "Huy, pare! Okay ka lang, amputla mo!" ang pag-aalalang taong ni Gonzalo. 

"Ui, Gon!" ang tangi niyang nasambit.

"Halika, maglakad muna tayo doon sa may entrance ng dormitory, may upo-an ata roon."

"Ah, eh" sabat nita at tumango nalamang nang maramdamang tila nakaurong parin ang kanyang dila...

Naglakad silang dalawa patungo sa entrance ng dormitory. Unti unting humuhupa ang kabog ng kanyang dibdib habang nararamdaman niya rin ang pagbalik ng init sa kanyang mukha. Bigla siyang napahinto at sinabing, "Gon, okay na ako." Napalingon si Gonzalo sa kanya, pinag-aralan ang mukha at nang masigurong okay ay nagsalita siya bilang tugon. "Sigurado ka ha?"

"Oo, sigurado. Salamat..."

"Teka, saan kaba papunta?"

"Sa totoo dito naman talaga ako papunta. May... May ano lang..."

"Ano?"

"Ah, wala. May ano, inisip ko lang kung may nakalimutan ba ako."

"Weh? Grabe naman ata yang pag-aalala mo sa bagay na nakalimutan mo. Eh sa mukha mo kanina eh para kanang aatakihin sa puso."

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon