CHAPTER 14 • The Second Trouble: Miss Missing

16 0 0
                                    

CHAPTER 14 • The Second Trouble: Miss Missing


Days passed swiftly na halos silang lahat ay hilong-hilo na sa modular learning sa Physics. On the bright side, hindi na nila kailangan humarap sa nakakatakot na teacher na si prof. Dougie. 

Lumipas pa ang limang araw na tila nalunod na ang mga assignments nila sa excitement sa paparating na Initiation Night. Busy na rin sa kakapractice ang mga kandidato at kandidata sa Mr. and Ms. Freshmen, pati na rin ang mga Student Government officials at lahat ng mga committees sa paghahanda sa paparating na events.

On Friday morning, bitbit ang kanya-kanyang mga bag at mga gamit, ang lahat ng Grade 11 students ay nasa Coliseum na para sa paghahanda sa pagbyahe nila patungo sa Emerald resort.

"ATTENTION EVERYONE!" alingawngaw ng boses ng lalake na nagpalingon sa lahat lalong lalo na ang nagulantang na sina Jason at Gonzalo na nasa tabi lang ng Principal nilang may hawak na megaphone. Kaakbay niya ang payat na lalaki na halos magkasingtangkad niya lang. "I WOULD LIKE TO ACKNOWLEDGE THE PRESENCE OF OUR PHYSICS PROFESSOR, MR. DOUGLAS DRILLON." Binaba ng principal ang hawak na megaphone, tinanggal ang nakaakbay niyang braso sa balikat ng professor at nakipagkamayan. "Welcome back, professor Drillon," bati ng principal. Bumuhos naman ang palakpakan at sigawan sa parking lot sa harap ng senior high coliseum. Halos hindi naman makilala nina Jason si professor Drillon dahil sa kapayatan nito. Kahit na maliksi na itong gumalaw ay parang masakitin parin itong tingnan dahil na rin siguro sa kapayatan nito.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga estudyante sa pagbababalik ni Professor Drillon sa araw mismo ng Initiation night: may natuwa dahil ilang araw na ring nasasayang ang first period nila, my nalongkot dahil kailangan na na man nilang gimising ng maaga, may nag-aalala at may mga namangha.

Alas sinko ng hapon ay dumating na ang sasakyan nina Jason at Gonzalo. May nakaassign na rin na cottege sa grupo nila na binubuo ng kalahati ng kanilang section, habang nasa kabilang cottage na man ang kalahati.

Ang Emerald Resort ay nasa tabi ng isang napakataas na waterfalls na kilala sa tawag na Kalinawan waterfalls na siyang pinagkukunan ng elektrisidad sa buong resort. Makapal ang mga berdeng kakahuyan at presko ang hanging umiihip mula sa hilaga dahil sa karagatan ng Tañon. Iilang pelikula na rin ang nai-shoot dito.

Alas otso ng gabi, pagkatapos ng hapunan ay nagsimula na ang pageant. Tapus na ang welcome adress ng dumating sina Jason at Gonzalo dahil sila ang naatasang magdala ng banner at mga balloons kasama pa ang ibang mga estudyanteng hindi naikompleto ang Permahanap. Mayamaya ay tinawag ang pangalan ni Professor Drillon upang magsalita. Hindi pa rin makapaniwala sina Jason, at marahil ang iba pa, sa kapayatan ng professor sa halos dalawang lingo lang. Mas naging halata pa ang kapayatan niya dahil sa suot na puting polo na simi-fit sa kanya. Isa isang inabutan nina Jason at Gonzalo ang mga kaklase ng balloons, habang nagsasalita pa si Prof. Drillon tungkol sa pagbabalik niya sa trabaho.

"Alam niyo,"panimula ng isang estudyanteng lalake na absent-minded na tinanggap ang iniabot ni Jason na balloon. "Hindi na nga nagmumukhang bulldog si prof Dougie, pero mukha na man siya ngayong chihuahua sa payat niya." Nagtawanan ang mga katabi niya na nasa GAS strand.

"Oo nga, 'tol. Ang laki pa ng kadena niyang kwentas,"dagdag pa ng nasa likod ng lalake.

"Hoy! Tumigil nga kayo. Kaloka! Marinig pa kayo ni Sir Carlito  eh, isumbong pa kayo, baka 'di lang suspension ang aabutin niyo," babala ng babaeng pamilyar kay Jason ang boses. Medyo ibinaba ni Jason ang dala-dalang mga baloons at nakitang si Stephenie pala iyon.

"Steph!" tawag ni Jason.

"Uy, beh Jason! Ikaw pala yan. Saan ka ba naka-upo? Asan si Gonzalo?"

"Wala pa kaming pwesto,"sagot ni Jason at tinuro si Gonzalo na nasa kabilang dulo na namimigay din ng balloons. "Ayon si Gon. Hindi kasi namin natapos ang Permahanap kaya ito yung naging consequence na min. Pero okay lang, di na man mahirap gawin."

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon