• GONZALO •

43 1 0
                                    

______⚜______

______⚜______

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


______⚜______


Energy cannot be created nor destroyed; it can only be transformed from one form to another. This is the law of Conservation of Energy. Scientists have long been studying how to control and make use of it. Some of them died in the process. Some of them were successful in inventing machines to make use of energy through their transformations. And the byproduct of using this energy is heat. 

Ang lahat ng enerhiya sa buong sansinukob ay hindi nauubos. Nagbabago-bago lang ito ng anyo. 

Mapalad ang may kakayahang controlin ito, lalo na ang inerhiyang tinatawag na init.


ONE MONTH BEFORE HIS ADMISSION TO THE M.I.S.T - SENIOR HIGH SCHOOL

---

"Laurence..." bahagya siyang huminto hindi dahil kinakabahan siya tulad ng madalas na nangyayari sa mga taong iniinterview. Hinahabol niya ang kanyang paghinga. Masakit pa ang namamaga niyang kaliwang mata at masakit rin ang kanyang ilong. Ganoon pa man, hindi n'ya masyadong napapansin ang sakit ng katawan dahil parang hindi pa nakakarecover ang utak niya sa mga nangyare. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at tanging ang kanan lamang ang may ganang sumunod. "Laurence Leonor. Yan ang pangalan ko."

"Sige. Um...Laurence," ang panimula ng lalaking nagpakilalang Ivan na journalist sa Santana  Daily News habang nakaupo ito sa harap niya na may hawak na celphone.

"Gonzalo, na lang. Please call me Gonzalo," hiling ni Laurence. "It's my nickname," dagdag niya pa. Pero isa itong kasinungalingan. Ang palayaw niya ay Leon. Ngayon n'ya na lang talaga napagdisiyonan na tawagin ang sarili niya na Gonzalo dahil ito ang last name ng kanyang ina.

"Ah, sige Gonzalo. Um... Okay lang bang interbyuhin kita?"  

Hindi ko madilat ng tama ang namamaga kong mata, putok yung kabilang dulo ng bibig ko, mahapdi ang mga paso sa balat ng aking braso at masakit yung katawan ko. S'yempre hindi ako okay at hindi ako okay para sa interbyung ito. Ito sana ang gusto niyang isagot. Kung maayos lamang ang kondisyon niya ay marahil excited siyang magpainterview. Tumango lamang si Laurence bilang sagot. Ayaw niya ring humindi dahil baka pagdudahan pa siya. Biglaan niyang naitanong sa sarili kung bakit sa dinamiraming taong nasa paligid, bakit siya pa ang nainterview. Pero kung tutoosin, eh masinteresting pa rin na man yung headline na "BATANG BINUGBOG, LIGTAS SA SUNOG." People are attracted to bad news. People love to know the suffering of others. It makes life interesting.

"So Laurence, magsisimula na akong mag-interview ha?" Sabi ni Ivan habang nakahanda na ang kanyang celphone at mga daliri na tila kating-kati nang i-type ang kamalasang napagdanan niya.

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon