CHAPTER 16 • Coffee Cups and Conundrums

34 0 0
                                    

CHAPTER 16 • Coffee Cups and Conundrums

*****

Nakatayo si Jason sa lugar na lagi na niyang napapanaginipan. Ang lugar kung saan hindi abot ng kanyang paningin ang kadulodulohan ng luhgar. Malamig ang hamog sa kanyang paanan at ang tanging mahinang pulang ilaw lamang sa kung saan man ang pinagmumulan ang tanging nagbibigay ng kakayahan sa kanyang mga mata na maka-aninag. Mayamaya ay umalingawngaw ang matinis na sigaw ng isang babae. Sinubukan nyahang hagilapin ang pinagmumulan ng tinig sa makulimlim na paligid. Nang lumingon ito sa likod ay nakita niya ang pamilyar na pigura ng isang lalake habang nakatingala ito sa isa pang lalakeng nakalutang sa hangin, sumisipa-sipa ang mga binti nito sa hangin na habang nakahawang ang dalawang kamay nito sa kanyang bandang leeg na tila ba may nais alisin. Nilapitan niya mga ito at unti-unti niyang naaninag ang mukha ni Crescent sa nakatayong pigurs habang ang nakalutang naman ay si September. Nabaling ang tingin ni Crescent kay Jason, tumitig ito sa kanya na tila ba hindi natitinag sa matilim na boses sa paligid pati na sa nasasakal na si September. "Cris..." tawag ni Jason. Biglang gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Criscent at tila bumulong sa kabila ng tuloy-tuloy na sigaw.

"Sara..."

*****


"Jays! Jays!" ang pagtawag ni Gonzalo sa kaibigang naka-upo at nakatulala sa hangin.  "Hoy, pare, malala na 'to ah!" 

Napatingin si Jason kay Gonzalo habang bumabalik sa diwa ang lahat ng nasasagap ng kanyang mga pandama lalo na ang mukha ng kaibigang nakatitig sa kanya ng may pag-aalala.

"Nakita ko si Crescent na sinasakal si September," sabi ni Jason. Bahagya siyang lumunok at nagpatuloy. "But, I'm not sure kung totoo ba yon o panaginip lang."

"This is crazy, you know? We should talk to them about this. Kailangan nila malaman to," sabi ni Gonzalo habang hinuhugot ang cellphone sa kanyang bag.

"Hello? Oo, helo Stephanie..." Bahagyang napatingin si Gonzalo kay Jason.

Huminga ng malalim si Jason at tumango na lamang.

"Ah, okay sige. Mabuti. Pupunta nalang kami d'yan...Sige, sige... bye." Mabilis na inilagay ni Gonzalo ang celphone sa bulsa. "Pare, andun daw sila ngayon sa Little Mug. Tara! At saka para naman madivert yung isip mo."

"Do you think, this is a good idea?" Malamyang tanong ni Jason na tila ba umuurong ang boses.

"I've been used to strange things. Hindi na  ako magtataka kung may ginawang kabulastugan yang Crescent na yan."

"Okay, sige--sige..." sabi ni Jason at tumayo na ito upang makapagbihis. Ilang minuto na siyang nahimasmasan mula sa pagkatulala ngunit tila mabigat ang kanyang katawan. There is something that is not right. Malakas ang pakiramdam n'ya ngunit hindi n'ya maipaliwanag o masabi kung bakit niya nararamdaman ito.  Higit sa lahat, namumuo sa kanyang dibdib ang katapangan at pagnanais na makatulong upang mahanap si Ericka.

****

Mag a-alas sinko plang ng hapon ay medyo madilim na ang paligid dahil sa makulimlim na kalangitan na nababalotan ng makapal na ulap na tila nagbabanta ng malakas na ulan. Sa labas pa lamang ng Little Mug café ay makikita na mula sa transparent nga glass windows nito sina Crescent, at Lilliane na naka-upo sa sofa na nasa isang dulo ng café. Habang papasok palang sila ay biglang nabanga ni Jason ang papalabas na babae. Nahulog ang nakabukas na bag ng babae at lumabas ang ilang mga ballpen, notebook, I.D. at maliit na libro. mabilis naman itong kinuha ng babae. Kahit na medyo wala sa sarili ay tinangka pang tumulong ni Jason ngunit tanging ang I.D. lang ng babae ang napulot at naibigay n'ya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon