CHAPTER 6 • Douglas' Discipline

21 5 1
                                    


CHAPTER VI • Douglas' Discipline


Douglas Drilon, yan ang pangalan na naka-lilok sa isang piraso ng kahoy na nakapatong sa mesa. Sa ibaba ng pangalan ay meron namang nakasulat na Discipline Officer 1. If there was something that was lacking on the wood, it would be 'Physics I Professor.'

Silang apat ay nagulat ng makita ang kanilang Physics (terror) teacher na naka-upo sa office chair habang ang kanyang mga paa ay nakapatong sa mesa. Mukha siyang nagsa-sunbathing sa kanyang posisyon. Nakataas ang dalawa niyang kamay na may hawak na gintong kwintas na parang kadena ng aso. Tila pinag aaralan ng propesor ang kalidad ng gintong kwintas habang kumikinang kinang ito sa kanyang harapan.

Pagpasok ng apat kasama ang dalawang guard ay mabilis na napatayo ang propesor. Kitang kita pa ng apat ang tila pagkataranta niya at mabilis na inilagay ang kwentas sa loob ng maliit na puting kahon na may nakasulat na: TO PROF. DRILLON na nakapatong sa kanyang mesa.

Nang makalabas na ang dalawang guard ay na-upo na sa dalawang silya na nasa tabi ng table ng D.O. sina September at Crescent. Habang sina Jason at Gonzalo na man ay umupo sa bench na nasa kabilang parte ng office. Tumayo si professor Douglas, inayos ang necktie at huminga ng malalim. Kinuha niya ang box na naglalaman ng kadenang kwintas at inilagay ito sa kabinet sa likuran niya at kinuha ang isang blue na logbook sa tabi nito bago humarap sa kanila muli.

"Brawling students. A broken nose," tinitigan niya si Crescent na isinusoksok ang piraso ng cotton sa kanyang ilong na para bang walang nagsasalita sa tabi niya. "A student who looked constipated," ang pagpapatuloy ng guro habang si September naman ang tinitigan, habang namimilipit at nakahawak ito sa kanyang tyan. Ibinaling naman niya ang tingin kay Jason at Gonzalo at nagsalita ulit, "and two witnesses who did nothing but watch an all-time favorite boxing match." Bahagyang huminto ang DO. "This is insane!" marahan na dagdag ng Discipline officer na para bang hindi siya na-iiritang may nag-disturbo sa kanyang pamamahinga. He looked amused than troubled by the situation. Marahil siya nalang ang naiwan sa paaralan sa mga oras na iyon dahil napakatahimik na ng discipline office.

Katahimikan.

"I should've been there," sabi ng propesor.

BOOG!

Pahampas na inilagay ng D.O. ang log book sa mesa. The four of them were startled. Napahinto na rin si Crescent na sa puntong iyon ay kinukulangot ang mga naninigas na dugo sa kanyang ilong. Halata sa mukha ng apat na nawala ng bigla ang kanilang atensyon sa kwintas na hawak kanina ng propesor. Ang kanilang mga mata ay nakadikit lahat sa blue na logbook at sa kung ano man ang laman noon na hindi nila nalalaman.

The log book had a title in it printed in black marker saying 'Records.' Bumalik sa pag-upo sa mesa si professor Douglas na para bang nakalimutan niya nang may silyang naghihintay sa kanya. 

"How many punches did you release on this guy?" tanong ni professor Douglas kay Crescent.

"Two on the stomach," sagot ni Crescent na tila namama-os.

"And how about you," tanong naman niya kay September.

"I hit his chest once," sagot nya. Itinuro niya ang ilong ni Crescent habang may nakasiksik na cotton sa isang butas nito at sinabing, "And I broke his nose."

"Good!" Sabi ni professor Douglas na tila nagagalak. "Now, do you want to be expelled?" tanong niya sa dalawa. Walang tuno ng pag-aalala ang sa kanyang boses.

Halos magkasabay sina Crescent at September sa pagsabi ng, "NO."

"Good! Now, get up!" utos niya kay September at Crescent. "Follow whatever I will ask you to do, and the school will not kick your asses out as you leave this office. Is that clear?"

Tumango sina Crescent at September.

"Now, Mr. Era, you punch Mr. Cordova on his stomach. You can only do it once, so you better give your best," sabi ni professor Douglas.

Biglang tumayo si Jason. "Sir!"

"Quiet!" sigaw ni professor Douglas. "I'll get to you later," sabi ng guro sabay kindat kina Jason at Laurence at binalik ang tingin kay September at Crescent. "Tandaan niyo! Pareho kayong nasubsub sa trash bin--oo nai-report na saakin ng guard ang sirang trash bin--kaya dumugo ang mga ilong nyo. Ngayon kung ayaw niyo ng version ng story ko, malalaman ito ng Admin." Muli niyang tinitigan sina Jason at Gonzalo at sinabing, "And Mr. Dorian hindi magugustuhan ng admin ang panunood niyo lang sa away."

Nong una ay mababakas ang kalitohan ni September sa mga sinasabi ng DO. But later he moved his right arm back for the momentum and shoved his knuckles on Crescent's stomach. Crescent curled and gasped. Crescent's left hand grasped side of the table kung saan malapit ang wood na may pangalan ng DO.

"Fuck!" pigil at pabulong na sigaw ni Crescent. There was a drool escaping from his lips and he whipped it with the back of his fist.

"Great!" pumalakpak ng isang beses si professor Douglas. He straightened Crescent by pulling him up by his collar. "Now, listen to me Mr. Cordova. Get up!" He gave Crescent a weak slap on the face. "Are you still on?" mahinang tumango si Crescent na para bang nahihilo. "Good! Now, it's your turn. You punch Mr. Era's nose. Once. Only once! Whether you break it or not, you can only do it once, so you better give your best. "

"I'll make sure of that," galit sabat ni Crescent.

•••

Inihanda ni Mr. Drillon ang anecdotal record bago pa sila nakalabas kanina. Pinaperma sila sa ginawang kwento ng D.O. in case may parent sa isa sa kanila ang magrereklamo. Though, Jason strongly doubted it dahil sa huling minsahe ng DO na "Anything that happened in this room shall remain in this room."

 
May isa pang dinagdag na detalye si Mr. Drilon sa kwento . Idinagdag niya na nagsisihan ang dalawa at biglang nagsuntukan ulit sa D.O. buti nalang at andun siya para umawat sa dalawa. Ang dalawa namang witness ay nagkabungoan ng tangkang umawat sa nag-aaway. Sa huli, Mr. Douglas was able to sort out the problem, and the four boys promised to avoid getting into trouble again. Voila! Mr. Drilon is our hero for the day!

Marahil ay good mood siya sa gintong kwintas nanatanggap niya ng hapong iyon, kung hindi ay malala pa siguro ang mangyayari sa kanila. Kung tutuosin, natutuwa siguro siya pag may mga estudyanteng nagra-rambol para to the rescue siya. Sigurado dagdag puntos din yun sa kanyang pangalan pag nagkataon

•••

Lumabas ang apat sa Discipline Office na dalawa sa kanila ay nakahawak sa dumudugong ilong.

Patas na sila. 

Mas mabuti na yon kisa na man na ma-expel sila. Nagkamayan ang dalawa at nagtapikan ng balikat na para bang magkaibigan lang na nag-sparing.

Dumeretso ang apat sa school clinic dala ang dahilang nasubsub sila sa trash bin. Hindi naman naniwala sa kanila ang nurse pero wala rin na man itong ibang sinabi. Hindi naman nabali ang ilong ng dalawa.

"Sigurado ako mamamaga yung ilong nilang dalawa bukas," kumento ni Gonzalo habang hinihimas ang noo niya. Si Jason na man ay nakangiwi habang inilalapat ang icebag sa noo niya. Si Jason at Laurence ay parehong may bukol sa noo dahil pinag-untog silang dalawa ni Mr. Drillon. Ang dinahilan na man nila sa nurse ay aksidente silang nagkabunguan sa corridor kung saan nag-aaway sina September at Crescent.

Umuwi na sa dorm ang dalawang sina Gonzalo at Jason habang naiwan naman sa clinic sina September at Crescent.

Sana naman hindi sila magrambol sa clinic, napa-isip si Jason.

Wicked WondersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon