Chapter 7: #BAGagamba ~

322 14 1
                                    

Janine's POV

Sa pagiisip ko ng kung ano-ano kagabi, nakatulog na rin ako. Sinundo ako ngayon ni Aisha sa bahay namin. Sabay daw kami pumasok. Sa kotse na lang din namin kami sumakay.

6:45 na kami nakarating sa school. Actually laging ganung oras naman kami nakakarating eh. Maliban na lang kung nalate kami ng gising.

"Hey, nagustuhan mo ba yung pinagpo-post ko sa Twitter?" Biglang may humarang saaming babae. Matangkad siya, maputi, makapal ang make-up, mukha siyang model. Parang kamukha niya si..

"Ano yun? OP ako." Singit ni Aish.

"Teka muna. Sino ka ba? Bakit mo nilalapitan bestfriend ko?" Tanong ni Aisha.

"I'm Lyssa and wag kang umepal hindi ikaw yung kinakausap ko." Mataray na sabi ni Lyssa. Tama ako, siya nga.

Nako kelangan kong sabihin sakanya na may ibang nilalandi yung boypren niyang Ipis!

Pero ano yung pinost niya sa twitter?

Sasapakin na sana ni Aisha si Lyssa buti na lang at napigilan ko. 'Tong babaeng to. Hays. Kahit kelan talaga!

"Ahh, Lyssa ano bang kailangan mo?" Tanong ko.

"Gusto ko lang itanong sayo kung nagustuhan mo ang ginawa kong pagte-trending ng pangalan mo sa Twitter. Nagustuhan mo rin ba yung mga kuha kong pictures?"

Shit siya may gawa non?

Bakit niya ginagawa 'yon?

May nagawa ba kong mali sakanya?

May malaking utang ba ko sakanya?

Ni hindi niya nga ko kilala bat niya to ginagawa sakin?

Naalala ko nga palang sinabihan niya ko ng B!tch sa Facebook noon.

"Lyssa, bakit mo ba ginagawa to? Anong kasalan ko sayo? Hindi nga tayo magkakilala eh." Sabi ko sakanya.

"Well, inagaw mo lang naman saakin si Brace! Lagi nga kayong magkasama at naguusap eh. Kilig naman ako!" Pagalit niya pang sabi.

"Ano?! Wala 'kong inaagaw sayo Lyssa! Pwede ba tigilan mo na ko wala kang mapapala saakin!" Sigaw ko. Dumadami na rin ang nanunuod saming mga tao. Pero ni isa wala manlang tumulong.

"Anong wala? Meron!" Sabi niya at balak niya sanang sampalin ako pero biglang may humawak sa braso niya.

Napatingin kaming lahat sa gumawa non. At nakita ko ang lalaking kanina pa ikinapuputok ng butchi neto ni Lyssa.

Si Ipis.

"Tigilan mo na siya. Wala siyang kinalaman sa break up natin." Seryosong sabi ni ipis. Break up? Ah, kaya pala lumalandi na ng iba. Tss.

Inagaw ni Lyssa yung braso niya na hawak-hawak ni Ipis, "Hindi pa tayo tapos!" Sabi niya sakin at tinuro pa ko gamit yung daliri niya.

Nung umalis na si Lyssa, umalis na rin si Ipis.

Bwiset kasi tong Ipis na to eh, nilalagay ako sa pahamak! -.-

Pumasok na kami ni Aisha sa Room. Syempre nung nakita nila ko halos magbulungunan na sila na parang mga bubuyog.

Magbubulungan pa sila eh rinig ko naman :\

"Hey, B!tch! Kamusta ang pagiging two timer?" Whuut? ako pa talaga nasabihan niyan huh? Nahiya naman ako kay Ipis. -_-

Bago pa makalbo ni Aisha yung classmate namin eh pinigilan ko na agad siya.

'To talagang si Aisha masyadong maangas -_-

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon