Chapter 9: #BAGirlfriendandBoyfriend ~

389 17 2
                                    

Janine's POV

"Oh.."

"Sayang naman tong blizzard at fries mo kung ihuhulog mo lang sa sahig.." Alam ko yung boses na yun. Alam kong siya yun.

"Masakit eh, di ko kaya. Mas pipiliin ko na lang na umiyak kesa kumain. Ang sakit." Di ko muna siya nilingon at pinagmasdan pa din sina Joaquin at yung babae. Ang hapdi niyo sa mata!

Imbis na sana kinakain ko yung binili ko, wala, pinaiyak mo nanaman ako joaquin.

Bakit ganun, parang sinaksak ng paulit-ulit tong baby heart ko.

Parang tinusok-tusok ng karayom ng mangkukulam.

Kahit pinapaiyak mo ko Joaquin,
crush pa din kita.

Bigla akong hinila sa braso ni Ipis at isinubsob sa dibdib niya. Yinakap niya ko. Ganun na lang din ang ginawa ko.

Masakit sa puso eh, kelangan ko ng yakap.

Sa yakap na yon, dun ko nilabas lahat ng sakit. Halos mabasa na nga damit niya eh.

"Sige lang, ilabas mo lang yan."

***

"May gusto ka kay Joaquin noh?" Tanong niya. Nandito kami sa isang Park malapit-lapit lang sa mall na pinuntahan namin kanina.

Di ko alam kung bakit niya ko dinala dito. Maiinis na nga sana ako sakanya dahil dinala niya ko sa lugar na hindi ko naman alam.

Pero wala pa ko sa mood para magalit sakanya. Maybe tomorrow. Idk kapag nakamoveon na tong baby heart ko sa nakita ko kanina, baka dun nanaman umusok ang ilong ko sakanya.

Dinaan ko na lang sa tango ang sagot ko dahil wala akong gana magsalita.

Lalong nagmukha na tuloy akong Zombie. Ayy, hindi pala. Mukha na akong Alien.

"Ano bang nagustuhan mo sakanya?" Ano ba naman tong kasama ko! Imbis na magpagaan ng loob, pinapaalala pa sakin lahat eh.

Matagal-tagal din ako sumagot dahil tulala pa ko.

"Gwapo, Maputi, Chinito,"

"Tsaka tinutulungan niya ko kapag may ginagawa ka saking katarantaduhan." Dagdag ko. Napansin kong kumunot naman yung noo niya. Eh bakit hindi ba? Araw-araw niya nga ko pinagtitripan eh.

"Edi si Joaquin na matulungin. Tss!" Bulong niya pero rinig ko naman.

"Wag ka ngang bumulong dyan kala mo naman di kita naririnig." Nakatulala lang ako sa pader nang sabihin ko yan. Ramdam kong nagulat siya.

"Tss! From now on, hindi mo na siya magiging crush." NO.

"Ginagago mo ba ko? Bat ko naman yun gagawin aber?"

"First, pinapaiyak ka lang niya tsaka alam mo ba girlfriend ni Joaquin yung kadate niya kanina."

"Second, may boyfriend ka na. At ako yun!" He added.

Ang sakit naman nung may girlfriend na si Joaquin. Diniin pa talaga niya ha. Walangya siya!

"K." Napaka-onti kong sabi kasi nga WALA. AKONG. GANA. KAUSAPIN. SIYA.

Nangirap na lang siya at tumahimik na. Tanging yung fountain na lang ang naririnig namin kasi wala masyadong tao.

Unti-unti ring nagdilim ang paningin ko.

***

"Goodmorning! Magbreakfast ka na oh." Di ko masyadong maaninag ang mukha niya. Yung araw kasi eh.

Tsaka pansin ko lang hindi ito yung room ko. Takte nasaang kalawakan ako?!

Naging alien na ba ko?! O.O

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon