Chapter 10: #BAKasukaDre ~

368 15 1
                                    

Janine's POV

"Kelan pa ba kayo ng anak ko?" Tanong ni Mama. Okay, pinagpapawisan na ko kahit naka-aircon na kami.

"Kahapon lang po Tita." Kung alam niyo lang na fake to. Huhuhu!

Tumango-tango naman si Mama.

"Sige nak, magbihis ka na don. Bilisan mo ha!" Sabi sakin ni Mama. Tumango muna ako bago umakyat sa kwarto ko.

Huh! Bahala si Ipis dun mag-isa. Kung may sabihin man sakanya si mama, wala na ko dun. Kasi sa una pa lang, siya na may pakana na magpanggap kami. Tss!

Pagtingin ko sa orasan, 7:45AM na nung natapos na ko. Bumaba na ko para balikan si Ipis.

Pagbaba ko nakita ko si Mama at yung magaling kong pekeng shota.

"Tara na Ipis!" Napatingin naman sakin sina mama at papa. Binalik ko ang tingin ko kay Ipis na naka-tawagin-mo-kong-babe-mahahalata-nilang-fake-to-look.

Ahh sus.

"este Tara na pala BABE." Diniinan ko pa ang pagsabi ng Babe kahit sukang-suka na ko.

Sarap pektusan ng ipis na to eh pag ako di nakapagpigil nako!

Tumayo na si Ipis at inakbayan ako. Tatanggalin ko na sana yung braso niya sa balikat ko nang diinan niya pa to. Lalaki siya mas malakas siya sakin. Hmp! Sa susunod nga lalaklakin ko na pagkain namin sa ref.

"Sige po tita. Pasok na po kami ni Janine." Ngiting-ngiting sabi ni Ipis. Woooh! Konting-konti na lang talaga!

"Sige Brace. Ingat kayo ha. Ikaw na bahala sa anak ko." Sabi ni Mama.

Tumango naman ang loko at nagpaalam na rin ako kay mama. Pagkatapos nun lumabas na kami ni Ipis.

Saktong paglabas namin may kotseng nakatigil sa harap. Binuksan naman ni Ipis yung pinto at pinapasok ako.

Sabi na eh, kotse nila ipis to. Namumukhaan ko din kasi si Manong Driver.

"Manong sa school po." Diretsong sabi ni Ipis. Parang di ako komportable sa Ipis. Yabang na nga lang.

Syempre di naman mawawala ang salitang "AWKWARD".

Hays. Di ko na lang yon pinansin at nagpatugtog na lang sa iPod ko.

Now Playing: How You Get The Girl by Taylor Swift

Yan tamang-tama, para kay Yabang yang kantang yan. Paano niya ko napapayag na maging FAKE Girlfriend niya?

Alam kong hindi naman yun yung tagalog nung title, basta! Makisama na lang kayo! Lol.

Nang makarating na kami ni Yabang sa school syempre nandyan nanaman yung mga bubuyog na kaklase namin. Palibhasa inggit lang kayo. 😈

Pero lalo pa kong natunaw sa mga titig nila nang hawakan ni Yabang yung kamay ko.

Mas lalo pa pala kong natunaw nang biglang tumibok ng malakas yung puso ko.

HINDI ITO PWEDE!

O_O

NO! GUTOM LANG TO!

Huminga ako ng malalim at umiling-iling. Tama, gutom lang to. Di ko kasi masyadong nagustuhan yung kinain ko kanina.

"Are you okay, Babe?" Tanong ni Babe. Este ni Yabang!!

Chill, Janine. Chill. Relax.

"Yeah, i'm okay."

Mas lalong hinigpitan niya pa yung hawak sa kamay ko at naglakad. Ang lambot ng kamay niya. Oo aaminin ko, ang sarap hawakan ng kamay niya.

Ibinalik ko ang tingin ko sa mga tao na nakatingin samin. Yung iba kinikilig. Yung iba halos lumabas na yung usok sa ilong nila. Parang tanga lang.

Nakita ko naman si Aisha na nakatingin din samin. Tinitigan ko siya ng buo at nabasa ko sa mga mata niya ang magusap-tayo-mamaya-look.

Ibinalik ko kay Yabang ang tingin ko na seryoso ang mukha. I mean wala lang, yung parang kay joaquin lang. Seryoso lang siyang naglalakad habang hawak-hawak yung kamay ko. Ganun lang.

"Baka matunaw ako sa mga titig mo, Babe." Ano? Di naman yun titig ah.

"Titig ka dyan. Di noh!" Mataray kong sabi at binawi ang kamay ko sakanya.

"Tsaka ikaw ha, namimihasa ka nang babe ang tawag mo sakin. Baka nakakalimutan mo, fak-" Naputol ang sasabihin ko ng takpan niya biglang ang bibig ko.

"Wag ka ngang maingay baka may makarinig pa sayo! Edi buko na!" Sabi niya. Humarap muna siya sakin bago magsalita ulit.

"Tsaka kung hindi kita tatawaging babe, edi hindi halatang girlfriend kita. Now, gusto mo bang kalbuhin ka ng mga ex ko?" Taas kilay niyang sabi. Natakot naman ako. Syempre ilang years kong inalagaan tong long hair ko tapos gaganunin lang ng mga ex niya? Aba di yata ako papayag dun!

"Oo na Yabang!" Pilit kong sabi.

"Yabang? Mas gusto ko Ipis."

"Bakit naman? Mas maganda nga kung Yabang eh. Di ka ba nandidiri sa Ipis. Tss."

"Hindi mo ba alam? Ang ipis kaya ang pinaka-gwapong hayop sa buong mundo." ??

"Why?"

"Kasi nakakakita pa lang kayong mga babae ng Ipis, nagsisigawan na kayo eh pano pa kaya kung lumipad yon? Baka mahimatay na kayo." Mayabang niyang sabi. Yabang talaga. Tss.

"Psh! Corny!" Sabi ko at iniwan siya dun. Akala ko papayagan niya na kong mapagisa pero mali pala ako.

Inakbayan niya ko at sinabayan ang lakad. Bwiset! Kala ko makakatakas na ko.

Nang mag-break time na, buti nalang nalusutan ko si Yabang.

Nilapitan ko agad si Aisha na kumakain sa isang table.

"Aish!"

"Oh buti naman nakatakas ka na sa BOYFRIEND mo." Napalaki naman yung mata ko nang idiin niya yung Boyfriend. Pano niya nalaman? Sasabihin ko pa nga lang sakanya ngayon eh?

"Kalat na dito sa buong school na kayo daw ni Fafa Brace!" Nabasa niya siguro yung isip ko. Pero ohmygod, kalat na?!

PAANO?!

AGAD-AGAD?!

YANG TATAA?!

-_______-

Baka magselos si Frisbee at yung Cam ko! Huhuhu!

"Pero girl, swerte mo huh. Isa kaya yan sa mga fangirl goals ko." Sabi niya na parang bilib na bilib sakin. Kung alam mo lang, Aish. Kung alam mo lang!

"Fangirl goals?"

"Oo. Ang sweet niyo nga kanina eh. Hinawakan pa ni Fafa Brace yung Kamay mo. Omg! Nakakakilig!" Sabi ni Aisha habang nakatingin sa taas at ngiting-ngiti. Kilig na kilig ang bruha!

"Pwede ba Aish! Tigilan mo nga yan! Hindi naman talaga kami eh!" Sa sobrang inis ko. Hala, ayan! Nadulas na ko!

"W-what do you mean Ja?" Hays.

"Tss! Fake lang yung Relationship namin, okay?" Mahina kong sabi. Yung kaming dalawa lang nakakarinig. Tapos si Aisha, konti na lang luluwa na yung mata niya. Lol.

"P-paano?" Tanong niya at kwinento ko na kung bakit naging kami ni Yabang. Actually hindi nga kami! Fake nga eh, kulit mo din Janine!

"What the? Tss! I ship JaninAce pa naman!" Padabog niyang sabi.

"JaninAce? Ew."

"Sama mo naman. Bagay kaya kayo ni Fafa Brace! Yieee!" Sabay hampas sa braso ko.

Kasuka dre -_____-

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon