Chapter 6: #BAHays ~

357 14 1
                                    

Janine's POV

Sinalubong agad ako ni Frisbee nang makarating na ko sa bahay. Umupo ako at hinimas himas ang likod niya.

Pagkatapos namin magtago ni Yabang, eh umuwi na rin ako. Naghintay lang siguro kami ng 30 mins. bago lumabas.

Bakit kaya nandito sa village yung Ipis na 'yon?

Baka di ko namamalayan, stalker ko pala siya. Huh!

"Oh, Janine bakit ka ginabi?" Tanong bigla ni Mama na bumbaba ngayon sa hagdan.

"Ahh, may pinuntahan lang pong kaibigan." Haynako ma, kung alam mo lang. -_-

"Ahh, okay. Kumain ka na ba?" Tanong ulit ni Mama.

"Ayy, hindi pa po. Magbibihis po muna ako bago kumain." Sabi ko at tumango si mama. Umakyat na ko at nagpunta ng kwarto ko.

Nagpalit na ko ng pambahay na damit at bumaba sa kusina. Nandyan na rin pala si Papa. Kaya pala may narining akong busina kanina eh.

"Hello, Pa! Goodevening." Sabi ko at kiniss si papa sa cheeks.

"Goodevening rin, Baby. Umupo ka na't kumain dito."

"Opo."

Pagkatapos namin kumain, tinulungan ko si Mama na mag-hugas ng pinggan.

Pagkatapos nun, tumabi naman ako kay Papa na nanunuod ng balita sa TV.

Niyakap ko si Papa di ko alam kung bakit basta ang saya ko lang. Baliw na yata ako eh? Hahaha.

"Oh anak, parang may iba sayo? Ang saya mo yata ngayon?" Tanong ni Papa.

"Nasabi ko na po bang ako yung nakakuha ng plus sa grades kanina? Ang gaganda daw po kasi ng mga shots ko sa camera." Sabi ko sabay tawa.

"Really? Wow. Congrats baby girl." Proud na sabi ni Papa.

"Hehehe. Thankyou Pa."

"May boyfriend ka na ba nak?" Nagulat ako sa sinabi ni papa.

"Wala po Pa, bakit po?"

"Baka lang di mo sinasabi saamin ng mama mo, may boyfriend ka na pala." Sabi ni Papa. Aynako, wala naman pong magkakagusto sakin. Tsaka sabi ko kay papa, Study muna. Andyan naman si Frisbee at yung Cam ko para mahalin ko eh. Yiee hahaha.

"Anak, bukas nga pala aalis na ko. May kailangan kasi akong asikasuhin sa ibang bansa. Kayo na muna ang mama mo ang magkasama." Nagulat ako sa sa sinabi ni papa. Pero naiintidihan ko naman siya. Kailangan yun para sa trabaho niya. 17 months daw si Papa dun sa ibang bansa. Mami-miss ko siya. :(

Kinabukasan medyo tanghali na ko nagising. Nag-grocery ako pagkatapos kong kumain ng breakfast. Wala na pala akong Nutella. Ubos na rin yung Bread namin. Yung mga chips. Yung ferrero rocher ko. Yung nerds, skittles, gummy bears atbp. TT^TT

Andyan naman si Mama or si Manang para mag-grocery para sakin pero ayoko. Gusto ko ako naman ang mag-grocery.

At dahil nandito na rin naman ako sa Mall, nag-Forever 21 na 'ko! Di pa ko nakuntento. Nag-Bench, Surplus, Bum, H&M pa ko. Uhdibuuuh.

Kumain rin ako sa Mcdo at nag-Starbucks.

Date namin to ng sarili kong katawan. Lol!

Pagkapasok ko sa SB, ang daming tao. Nagisip pa nga ko kung tatambay pa or wag na lang.

Nag-order na lang muna ko.

Diba ayoko ng kape? Kaya Chocolate Chip Frappuccino lang ang lagi kong inoorder. Fave ko na rin yun eh.

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon