Chapter 5: #BAFirstKiss ~

378 14 0
                                    

Janine's POV

Nandito ako sa school. Friday ngayon. Walang pasok bukas kaya let's party! Hahaha juk.

Wala si Aisha. May date daw sila ni Drei kaya nag-absent siya. Syempre loner nanaman ako.

Naisipan kong kumuha muna ng litrato habang naghihintay mag-ring ang bell. Dala ko kasi yung Camera ko. Mamaya na kasi titingnan ng teachers yung shots namin.

Naglakad-lakad ako para makahanap ng magandang picturan. Napadpad ako sa Garden ng school malapit sa Swing.

Naupo muna ako saglit medyo nakarami na rin ako ng kuha. Napatingin ako sa kalangitan. Ang ganda. Hindi na ko nagdalawang isip pang kuhaan ng picture 'yon.

"Janine!"

"Oh? Bakit jeydon?"

"Wala lang. Kamusta ka na?" Sabi niya sabay upo sa tabi ko.

"Okay lang naman. Bakit mo natanong?"

"Nabalitaan ko kasing may nang-bubully daw sayo dito at bagong istudyante pa daw." Sabi ni Jeydon.

"Ahh, wala yon. Pinapatulan ko din naman siya eh." Sabi ko at tumingin sa malayo.

"Talaga? Wala lang sayo 'to?" Sabi niya at pinakita sakin ang nasa cellphone niya.

Haha! Bagay lang sayo yan! Bitch! Masyado mo kasing nilalandi si Joaquin. Kaya siguro ginantihan ka ng Boyfriend kong si Brace Henry Arquiza!

Yan yung caption sa pinost ng babaeng ang kapal ng mukhang sabihan ako ng bitch.

Talagang kelangang full name pa ni Yabang kapag sasabihing boyfriend niya huh? Eh parehas pala silang mayabang eh.

Clinick ko ang picture at bumungad sakin ang mukha kong umiiyak na may mga drawing at kababuyan. Pati na rin yung tinapunan ako ng juice sa palda. At nangingiyak na rin ako nung time na yun. May picture din na binibigyan ako ni Joaquin at yung time na pinagtanggol niya ko kay Yabang.

Tiningnan ko ang pangalan ng account na nagpost nuon. Familiar yung name niya.

Alyssa Aquino

Clinick ko ang profile picture niya at tama nga ko ng hinala. Siya yung humalik kay Yabang kahapon.

Kung makapag-sabi siya na B!tch ako, aba! Nahiya naman ako, mukha siyang Kuto seryoso. -_-

Teka. Eh sila naman yata ni Yabang eh. Ano pang ikinapuputok ng buchi niya. Tss.

Ibinalik ko na kay Jeydon ang cellphone niya. Baka masira ko pa pag nagtagal na hawak ko eh.

"Una na ko, JD. May klase pa kasi ako eh." Seryoso kong sabi.

"Hatid na kita." Sabi niya sabay tayo sa swing. Tumango ako. Wala namang masama na ihatid ako ni Jeydon diba? We're good friends.

Pagkapasok namin, napahinto ako ng makita namin si Yabang na naka-upo sa table ng teacher at may hawak na gitara.

Halatang nagulat siya ng makita niya kami bigla siyang napatayo at medyo tinago ang kanyang gitara sa likod. Nag-gigitara ba siya?

"A-Ahh, Jeydon sige dito na lang." Sabi ko at ngumiti. Tumango naman siya at nagpaalam na.

Nang makaalis siya saka ko lang naalala na nasa likod ko nga pala si Yabang. Shit dapat pala di ko muna pinaalis si Jeydon baka may gawin pa sakin tong lalaki na to eh.

Humarap ako at naglakad papunta sa upuan ko. Walang kibuan. Nakatingin siya sakin samantalang sa sahig lang ako nakatingin. Nakatayo lang siya habang hawak ang kanyang gitara.

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon