Chapter 18: #BACaptainBrace ~

331 12 1
                                    

Janine's POV

Kahapon lang ako gumaling sa lagnat ko. Buti na lang kahapon yun kasi may pasok na kami ngayon.

Monday na monday pinagtitinginan agad ako ng mga tao.

May kumalat nanaman kasi na pictures sa social media. Yung hinaharana ako ni Ipis.

Anobayan pati ba naman yun, may nakakita pa din. Ang galing ha, napaka-desperada talaga yung gumawa nun.

Kung sino man yun, bahala siya sa buhay niya mapagod. Nagsasayang lang siya ng oras saamin ni Brace!

Hindi ko kasama ngayon si Brace kaya alam kong susugudin nanaman ako nina Alyssa, Krishelle at ni Selinna. Siguro maya-mayang konti lang yun nandito nanaman yun.

Naisip ko rin, pwede ring sila yung nagbigay sakin ng rose at yung mga papel.

Siguro, sila yung 3 Bitchy Witches.

Tutal mukha naman silang mangkukulam dahil mga bruha sila. *hair flip* lol

"Uy Janine!"

"Ay kabayo ka!" .____.

"Ano ka ba naman Jeydon! Alam mo nang malalim yung iniisip nung tao eh. Hayy." Ganyan na yan dati si Jeydon, parang kung bored lang siya saka niya ko lalapitan. Pero anubanaman yan, wrong timing siya ngayon eh. Madami akong iniisip ng mga wala namang kwenta.

"Sorry naman. Pero janine, pwede ka ba mamayang uwian?" Mamayang uwian? Hmm. Si Aisha, sabay daw sila ni Drei uuwi. Si Brace, baka hindi na ko sunduin nun at marami daw siyang ginagawa. Si Manong Driver namin, wala din dahil kasama ni Mama sa tagaytay. So free ako mamaya.

"Oo bakit?"

"Tutal madami ka namang iniisip bakit hindi tayo mag Dirty Ice Cream?"

Oo nga noh. Parang bigla na lang ako naglaway nung narinig ko yung Dirty Ice Cream.

"Sige mamayang uwian. Game?"

"Game! Haha! Sige mauna na ko may klase pa ko eh." Sabi niya at nagwave na sakin.

Naglakad na ko papuntang Room ko may klase din kasi ako. Biglang nagvibrate yung phone ko.

Si Brace tumatawag. Accept or Decline?

Accept na lang baka mag-beastmode nanaman 'to pag di ko sinagot.

"Oh bakit Ipis?"

[Wala manlang Hello?] Ramdam kong nagpout pa siya. Turuuuy.

"Oh edi, Hello Ipis. Kelangan mo ba?"

[Wala lang. Gusto ko lang marinig boses mo.] Feeling ko namumula ako ngayon. *_*

"Guys! Look at Janine! Nagb-blush siya! Ayieee!" Sigaw ni Elisha. Classmate ko.

Kaya lahat ng tao sa room namin tumingin sakin naggulat na lang ako ng bigla silang naghiyawan. Luh siya!

"Omg! Siguro si Brace yung kausap niya sa Phone! Kainggit naman pero kinikilig pa din ako sainyo! Yiee!" Sabi naman ni Mylie. Ano ba naman tong mga kaklase ko. Nagblush lang ako ang dami na agad nilang sinabi.

[Nagblush ka pala Babe. Sayang di ko nakita mukha mo.] Napangiti naman ako bigla. Ewan ko ba, baliw na yata ako. Baliw kay Brace hahahahaha shh lang kayo.

"Blush mo mukha mo! Hindi kaya!"

[Defensive pa more! Grabe! Sa lakas ba naman ng boses ng classmates natin, aynako. Baka pati binge makarinig na. Orayt.] Biro niya. Asus.

"Ewan ko sayo! Bye na nga."

[Haha! Bye babe. 14344.] Sabi niya at in-end call na niya.

14344? Ano yun? Hindi naman ako tataya sa lotto ah? Bakit niya ko binigyan ng number?

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon