Chapter 11: #BAImposible ~

377 19 4
                                    

Brace's POV

Nung nagbreak-time kami eh bigla na lang nawala sa paningin ko si Janine.

Kanina lang katabi ko yun ah. San naman naglululusot yon.

Tss lagot na! Nakatakas na ang unggoy!

Nagmadali na kong lumabas ng room para habulin yung unggoy na yon.

"Tol!"

Lumingon ako sa likod at nakita ko sina Grae. Si nash lang ang wala, busy yun sa taping nila.

Lumapit ako sakanila, "Oh bakit?"

"Ginawa mo talaga yung naisip naming paraan ha?" Sabi ni John.

"Oo naman! Sumosobra na ang mga Ex ko eh, kelangan ko nang gumawa ng paraan. At yun ang gawing Girlfriend si Maria Janine Salazar Santos." I smirked.

"Eh paano kung ma-fall ka kay Janine?" Tanong ni Grae na ikinagulat ko naman.

"Pfft! Baka siya ang ma-fall sa mala-daniel padilla kong mukha." Sabi ko.

"Ang hangin mo bro. Tara na nga sa cafeteria." Sabi ni Joaquin at nauna nang maglakad.

Kahit kelan talaga napaka-seryoso ng mokong na yon. Gwapo naman ako diba?

Pagkadating namin sa Canteen, nakita ko agad ang kanina ko pang hinahanap. Nandito lang pala yung babaeng yun. Tss

"Tol, Girlfriend mo oh!" Turo ni Grae sabay tawa.

"Tara, lapitan natin!" Sabi ko. Naglalakad palang kaming Apat, nagsisitilian na mga girls. Gwapo ko kaya :P

"JaninAce? Ew." Rinig kong sabi ni Sungit habang papalapit kami. JaninAce?

"Sama mo naman. Bagay kaya kayo ni Fafa Brace! Yieee!" Sabi naman ng bestfriend niya. Fangirl yata namin tong bestfriend niya eh.

Tsaka halata namang si Janine lang ang hindi nakakakilala samin. Lumalaban sakin mga dudes eh.

Siguro hindi yon nanunuod ng tv, hindi manlang ako nakilala. Tss!

"Hi Babe!" Sabi ko.

Imbis na mag-hi din siya sakin, inirapan niya ko. Arte talaga neto. Akala naman niya ikinaganda niya yan.

Siya nga ang swerte dyan eh. Kasi nagkaroon siya ng isang boyfriend na mas gwapo pa kay Harry Styles.

Dahil mabait ako, tiniis ko na lang ang kaartehan ng babaeng to. Kahit diring-diri na ko, umupo pa din ako sa tabi niya at hinalikan siya sa cheeks. With akbay pa yon.

Wag niyang sabihin sakin na kulang pa yon. Kung pwede lang sana punasan ngayon yung bibig ko eh ginawa ko na. Kaso nakatingin yung mga Ex ko eh.

Lalo na sina Lyssa, Shelle at si Sel. Silang tatlo kasi yung sinasabi kong hanggang ngayon di pa din ako tinitigilan.

#GwapoProblems

Nagpabili na ko kay Joaquin ng makakain ko. Hindi ako pwedeng umalis sa tabi ni Sungit lalo na't ang sama na ng tingin samin nung tatlo.

Maya-maya tumayo bigla si Sungit, "San ka pupunta babe?"

"Babalik na ko sa Room." Anobayan wala manlang ka-sweet-sweet ng pagkakasabi. Wala manlang kasamang 'Babe'. Tss arte kasi eh!

"Sabay na tayo Babe." Patayo na sana ako ng pigilan niya ko.

"Kaya ko na, Baby." Baby? Haha! Wala pala siyang gusto sakin ha? Tss tss!

"Aray!"

Janine's POV

"Aray!" Bigla akong nakaramdam ng sakit sa paa ko. Parang may pumatid sakin.

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon