Chapter 21: #BABahalaNa ~

277 6 2
                                    

Hello Ebribadeeeh!!

Sorry kung ang tagal kong hindi nakapag-UD, busy lang masyado hahahaha.

Kalimutan niyo na rin yung sinabi kong suko-suko because I'm baaaaack! Lol.

=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

Janine's POV

I wake up in the morning, that's blooming~ Joke lang. I wake up in the morning. Syempre alangan 24 hours akong tulog. De joke lang talaga. Lol.

Nagising ako ng 7 am dahil sa sinag ng araw na tumapat sa mukha ko. Pero mas nauna sakin si Ate Andy. Nung nagising kasi ako nakita ko na siyang nagkakalkal sa mga damit niya.

Nagtoothbrush ako at saka bumaba para kumain. Bigla kong nakasalubong si Jeydon.

"Hi Janine! Goodmorning." Bati ni Jeydon sakin.

"Uy, ikaw pala Jeydon. Goodmorning rin." Nakangiti kong sabi at syempre nginitian niya din ako.

"Kamusta ka na? Hindi na kita masyadong nakikita sa school ah-" Naputol yung sasabihin ni Jeydon nang biglang may lumapit saakin ayy saamin pala.

"Hi Babe!" Sabi ni ALAM NIYO NA. At kumiss sa cheek ko.

Huminto siya at tiningnan si Jeydon. Ohhh. Parang nababasa ko ang nasa mga mata netong si Brace. Iba ang titig kay JD eh.

"Okay lang naman yung Girlfriend ko, Pare. Sa katunayan nga niyan malapit na monthsary namin eh. Diba babe?" Sabi ni Brace sa tono ng parang nagyayabang. Ganun.

"Ah, oo?" Monthsary? Oo nga pala. Nakalimutan ko. Kelan nga ba yun?

"Hindi naman yung relationship niyo yung tinatanong ko eh. Ang tinatanong ko ay si Janine. Kung okay ba siya."

Sabi naman ni Jeydon at sinamaan ng tingin si Brace. Okay, nakatingin na sila sa mga mata nila parehas. Oo as in Parehas! Tapos ang sama pa ng tingin nila sa isa't isa. Napanood ko na to sa isang Movie eh. Yung pinagaagawan nung dalawang lalaki yung isang babae. Pero magkaiba naman kami kasi hindi naman nila ako pinagaagawan. Sadyang masungit lang talaga si Brace kaya laging madaming kaaway na lalaki.

"A-ahh, oo Jeydon! O-okay lang ako. Okay na okay!" Sabi ko at hinawakan na si Brace sa braso kasi mukhang nagkakainitan na yung dalawa eh. Tapos yung kamay ni Brace handa na sa suntukan, nagpipigil lang siya.

"Narinig mo naman siguro yung sinabi ng Girlfriend ko. Okay daw siya kaya pwede ba umalis ka na!" Sabi ni Brace ayy hindi pala. Sigaw pala yon!

Kinabahan na ko ng biglang itulak ni Jeydon si Brace kaya napatumba ito sa sahig. Naku po! Mukhang magiging referee pa yata ako neto!

"Ano bang problema mo ha?!" Brace.

Napansin ko na yung ibang tao na nagsilapitan saamin pero hindi naman yung bongga. Nakikichismis lang sila sa nangyayari ganun.

"First, si Janine ang kinakausap ko at hindi ikaw! Second, bakit ba ang epal at yabang mo ha. Kala mo kung sino ka eh boyfriend ka lang naman ni Janine!"

"Eh ikaw? Diba isa ka lang namang simpleng kaibigan sa buhay ni Janine? Kaya wala kang karapatan lapitan siya!" Tumayo na si Brace at sinuntok si Jeydon. Pero agad rin namang nakabawi si Jeydon kay Brace.

"Uy ano ba! Tumigil na kayo!"

Sa wakas, dumating na rin sina Nash para pigilan silang dalawa. Hindi ko sila kaya! Masyado silang galit na galit sa isa't isa.

"Pre, tama na!"

"Hoy bro, awat na! Anoba!"

See? Kahit nandyan na yung barkada ni Brace ayaw parin paawat.

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon