Chapter 35: #BABroken ~

153 8 1
                                    

Janine's POV

"Anak, gising na."

Sinubukan kong tumayo ng kaunti at tumingin sa alarm clock ko. Psh may limang minuto pa ko para matulog!

"Ma, five minutes!" Sabay talukbong ng kumot.

Kaso si Mama hinila pababa yung kumot ko. "Ayaw mong bumangon? Sige, Isa Maria!" Argh.

"Ma naman eh!" Kahit 5 minutes lang oh? Please. Inaantok pa ko.

"Dalawa, Maria!" Hala si Mama talaga... Hays.

"Eto na po babangon na!" Sabi ko na may tonong parang nayayamot. Bago lumabas si Mama ng kwarto, binigyan niya pa ko ng isang warning. Hays....

Sa sobrang antok ko wala ako sa sarili ko. Nauntog pa ko sa pader dahil naka-pikit ako kung maglakad papuntang banyo.

Binilisan ko na ang pagligo at kumain na ng breakfast. Since wala yung kotse namin, nag-taxi na lang ako.

Nakakainis, traffic pa. Pero okay lang hindi naman ako nagmamadali... Pinanganak lang talaga akong mainipin!

Yung phone ko, nakalimutan ko icharge kagabi ayun lowbatt hays. Wala akong magawa kaya nagmasid na lang ako sa bintana.

Hindi inaasahan ng mga mata kong makita ulit silang magkasama. Nagulat ako. Bakit parang biglang tumigil yung paligid?

Nasa starbucks silang dalawa. Malapit-lapit lang kasi 'to sa school namin kaya may oras pa sila para mag-kape.

Nakakamiss. Parang kahapon lang, ako yung babaeng kasama ni Brace pumunta dyan eh.

Wala din naman akong dapat ika-selos kasi wala pa namang sinasabi si Brace na Break na kami so it means KAMI pa rin until now. At naniniwala ako na ako pa rin ang mahal ni brace, yun nga lang hindi ko alam ang dahilan kung bakit hindi niya ko pinapansin.

Bumalik na lang ako sa realidad nung pinaandar ni Manong yung taxi.

"Oh iha, malungkot ka yata?" Biglang tanong ni manong dahilan para mapatingin ako.

"Ahh.. hindi po."

"Wag mo na i-deny, nene. Halata sa mga mata mong may pinagdadaanan ka." Teka nga manong, bakit niyo ba yan sinasabi sakin? Close tayo manong? Ay jk hahahaha.

"Hindi tayo mag-kakilala pero alam ko, Iha, maayos din ang lahat." Nginitian ko na lang si manong dahil ang creepy na niya... Sorry not sorry hehe.

Maya-maya ay nasa tapat na kami ng school ko, nag-abot na rin ako ng pera na ibabayad ko kay Manong.

Naglakad na ko patungo sa classroom namin. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi kami nagsasabay ng pasok ni Graciela? Well...

Pinanganak na Earlybird kasi yon si Graciela, Mabilis pa sa alas-otso kung pumasok sa school haha. Ang sipag niya gumising sa umaga noh? Hindi kagaya ko na everyday na lang tulog mantika. Hayszxc.

Maya-maya pa ay dumating na yung teacher namin sa 1st Subject. Uhm, late siya ng 15 minutes kaya yung iba kong classmate nagdidiwang ngayon haha!

Sa 2nd Subject, hindi kami sinipot ng teacher namin hanggang sa napag-alaman namin na hindi na pala muna kami magka-klase ngayon... May meeting daw lahat ng teachers! Wewszxc sayang pamasahe ko sana sinabi nila kahapon pa!

Pero bago ako umuwi naka-salubong ko si Mrs. Aquino. Teacher namin siya sa TLE. Sobrang sungit niyan.... Super!

Inutusan niya kong ilagay daw yung mga Test Papers sa Room ng Grade 8-II. Hmm? Hindi naman ako nagmamadali kaya sinunod ko na lang si Ma'am.

Pero shet, naalala ko Room nga pala 'yon nina Brace. Nandun pa kaya siya? Sana naman hindi pa siya umuuwi, kahit Hi-Hello lang sabihin namin sa isa't-isa okay na ko! Miss ko na siya eh. :(

Kada-hakbang ng lakad ko, Kada-tibok ng puso ko!

Shezzz, Nasa tapat na ko ng Room nila at tinititigan yung naka-lagay sa door nila na, "Grade 8-II"

Bubuksan ko ba? Wag na kaya? PERO?! ...UGH!

Kaya mo 'to, Janine! Lakasan mo lang loob mo, okay? Inhale, Exhale!

Unti-unti kong hinawakan ang doorknob at binuksan ng dahan-dahan ang pinto. Nakarinig ako ng kakaibang tunog na ikinaba ng damdamin ko.

At nang mabuksan ko na ang pinto, sumilip ako ng bahagya at tumambad sakin ang dalawang taong naghahalikan.

Si Brace at Zorene ay naghahalikan.

I don't know what to say right now.

Gusto ko ipikit mga mata ko dahil sa sakit ng mga nakikita ko pero hindi ko kaya. Patuloy lang sa pagbagsak ang mga luha na galing sa mata ko.

Hindi ko kaya. Masakit.

Huminto sila sa ginagawa nila at nagtinginan sa isa't isa. Hinawakan ni Brace yung dalawang kamay ni Zorene.

"Zorene, una pa lang ikaw na talaga ang mahal ko. Sa simula pa lang ikaw na ang tinitibok nitong puso ko." Saad ni Brace.

BAKIT BRACE? ANG SAKIT.

"Mahal na mahal din kita Brace! Parehas lang tayo ng nararamdaman... Wag mo na 'kong ligawan, Tayo na agad Babe ah?" Sabi naman ni Zorene.

Sa sobrang sakit na ng nararamdaman ko, nabitawan ko yung test papers na dala-dala ko. Napatingin silang dalawa sakin. Medyo nagulat pa si Brace nung nakita niya ko.

"Trinaydor mo 'ko Brace. Ang sabi mo hindi mo ko iiwan. Ang sabi mo tayo lang. Ang sabi mo mahal mo ako. Pero ano yung nakita ko? Ginawa mo 'kong tanga, Brace! Ang sakit kasi nangako ka.. pero yung pangako mo, binalewala mo lang!" Sabi ko at umalis na sa lugar na 'yon.

Tumakbo ako ng tumakbo. Wala akong pakealam sa mga taong tumitingin sakin o nababangga ko na. Ang tanging naririnig ko na lang din ngayon ay ang pag-durog ng puso ko.

Hanggang sa marating ko ang labas ng school namin. Tumatakbo pa rin ako. Gusto ko nang umuwi. I'm not feeling well. Not really.

Ikaw ba naman maka-kita ng eksenang nakikipag-halikan yung taong mahal mo sa ibang babae. Sobrang nakaka-durog ng puso.

At sa pag-takbo ko, hindi ko napansin ang isang kotseng paparating at ang tanging narinig ko na lang ay,

*PRT PRRRRRT!!*

•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=•=

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon