Chapter 1: #BAHeRuinedMyDay! ~

872 18 0
                                    

Janine's POV

"Janine! Sige na! Samahan mo na ko."

"Aish naman! Ayoko nga sabi."

"Dali na, Janine! Ililibre naman kita eh." Lumingon ako sakanya, "Please?" Dagdag niya sabay puppy eyes. Hays.

"Fine! Sige na, sasamahan na kita." Sabi ko sabay tago ulit sa kumot. Umagang-umaga kasi niyaya ako neto ni Aisha pumunta ng Mallshow. Eh hindi ko nga kilala kung sino yung mga lalaki na yon. Pasalamat siya, Bestfriend ko siya. Nako.

"Yes! Thankyou sis, Godbless you. Mahal ka ni Lord, Hallelujah!" Pabiro niyang sabi. Natawa naman ako kaya lumabas ulit ako sa kumot.

"Hoy, Bruha ka! Hindi porket napapayag mo ko na samahan ka eh di na ko galit." Sabi ko at nag-behlat pa sakanya. Eto kasing bestfriend ko masyadong adik sa idols niya. Halos asawa na nga niya lahat yon eh.

"Eto naman. Minsan ka na nga lang lumabas sa lungga mo ganyan ka pa." Binatukan ko siya, "Ouch!" -_-

"Hoy, lumalabas din ako noh! Ayoko lang talaga minsan." Kadalasan kasi lumalabas lang ako kapag nag-aaral ako kumuha ng litrato. Sa school namin yun. Naisipan kong sumali kasi simula bata ako pangarap ko na talaga maging Photographer. Pero nagma-mall din naman ako noh tuwing niyaya ako ng classmates ko at ni Aisha. Pumupunta rin ako sa park, lumalabas din ako para magjogging at iba pa. Pero gaya nga ng sabi ko, minsan lang talaga ako lumalabas ng bahay.

"Oo na. Bumangon ka na dyan at dalian mong maligo baka malate pa tayo sa Mallshow ng mga Asawa ko." Sabi niya sabay irap. Kahit kelan talaga tong babaeng to.. Aynako.

Bumangon na lang ako at dumiretso sa CR. Wala si Mama at Papa. May inaasikaso lang sila para sa business nila. Kaya nga siguro nakapasok agad si Aisha sa bahay namin eh. Pag kasi wala sila Mama, hindi na siya nagdo-doorbell. Kusa na siyang pumapasok kaya nga minsan non akala ko kung sino nang nilalang ang nakapasok sa bahay namin yun pala si Aisha lang. Pero pag nandyan sina Mama, bait-baitan yang bruhang yan. Bobola-bolahin pa yung mga magulang ko. Si Mama naman paniwalang-paniwala na maganda. Joke. Maganda naman nanay ko eh dun nga ko nagmana ng kadyosahan. Chos.

Pagkabihis ko bumaba na ko sa kusina. Aba yung bruha kumakain pa. Sabi sainyo eh, Feel at home yan.

"Oh, friend. Kain ka na oh. Sarap ng luto ni manang." Sabi niya habang nginunguya yung hotdog.

Binilisan ko ang pagkain para siya ang maghugas ng plato. Pano dumadaldal habang kumakain kaya mauunahan ko yan.

Pagkatapos ko kumain iniwan ko na kay Aisha yung pinagkainan ko hahaha. Umakyat ako sa kwarto para magsuot ng sapatos. Naka-converse kasi ako.

Pagkababa ko ready na si Aisha. May hawak-hawak pang illustration board. Sabi ko sakanya magpagawa na lang siya ng banner. Pero mas maeffort daw kapag illustration board. Luh?

Malay ko ba kasi na ganyan yung ginagawa ng mga fangirls. Eh sa hindi pa ko nagiging fangirl eh. Never pa nga kong nagkacrush sa isang tao eh. Gaya nga ng sabi ko kuntento na ko sa kung anong meron ako. My Family, Friends, My Dog and yung Camera ko.

12:00 na kami nakarating sa mall. 20 mins lang naman ang papunta dito galing sa bahay namin. Kaso traffic kanina kaya nadagdagan ng 10 mins. Si Aisha naman nagpapanic na ngayon. Baka daw maubusan siya ng upuan. Nagulat ako ng hilahin niya ko. Yung totoo nasa olympics ba kami.

Pagdating namin, Whoa. Ang dami ngang tao. Nang makapasok na kami sa loob. Halos ikutin na niya makahanap lang ng bakanteng upuan. Sakto namang nakakita ako ng dalawa sa pinaka-unahan. Kaya dun na kami umupo.

Sino ba kasi yung pinagfa-fangirl-an ng Bestfriend ko. Grabe naman, nagpapakahirap talaga siya.

Ngayon ay nagt-twitter lang ako at nang sumigaw silang lahat halos maibato ko na ang cellphone kong hawak. Lintek may sunog ba?

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon