Chapter 32: #BALetHerGo ~

143 4 0
                                    

Brace's POV

"Janine, i'm sorry."

"Bakit ka nagso-sorry?"

"Ayoko na. Hindi na kita mahal."

"Teka, Brace! Nakikipaghiwalay ka ba sakin? No please. Hindi ko kaya."

"I'm sorry."

"Brace! Brace wag mo kong iwan. Braaaaace!"

*BEEEEP*

"JANINE!!"

"Kuya, okay ka lang?" Tanong ng babae kong kapatid.

"Anak, anong nangyari sayo?" Biglang bumukas yung pintuan at nakita ko si mama.

"Ma, si Janine po? Nasaan po siya? Okay lang po ba siya?" Sunod-sunod kong tanong.

"Sige anak, sasabihin ko sayo ang totoo. Ayokong maglihim sayo." Huminga siya ng malalim bago idagdag ang sasabihin niya, "'Nak, Hindi maayos ang kalagayan ni Janine dahil hindi pa siya nagigising ngayon. Yung mga magulang niya alalang alala na."

Halos parang nabagsakan ako ng langit at lupa nang marinig ko ang sinabi ni Mama.

Sa pagkaka-alala ko, nabangga yata kami sa isa pang kotse. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ko, eto nandito kami sa hospital.

"Ma, gusto ko pong puntahan si Janine." Sabi ko at pinilit makatayo kahit masakit pa yung katawan ko pero pinigilan ako ng mga kapatid ko at ni mama.

"Anak, hindi pa magaling yung mga sugat mo. Magpahinga ka muna. Mamaya na lang natin bisitahin si Janine." Sabi ni Mama. Bakit mamaya pa? Pwede namang ngayon. =(

Dalawang araw pa bago ako lumabas ng hospital. Puro galos at mga sugat lang naman yung napala ko. Yung kay Janine yung malala. Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagigising..

Kasalanan ko 'to eh. Masyado kasi akong mayabang. Dapat sinunod ko na lang yung sinabi ni Janine. Sana hindi ako naging makulit. At sana kasama ko siya ngayon.

"Brad, walang mangyayare kung sisisihin mo lang yang sarili mo." Sabi ni Nash at tinap pa ko kunwari sa balikat.

"Tol, oh kumain ka muna." Sabi ni Joaquin sabay abot ng isang burger. Tinitigan ko lang to dahil busog pa ko.

Nandito kami ngayon sa labas lang ng Hospital. Kanina ako lang magisa dito eh, nagulat nga ko nung lumapit sakin tong apat eh.

Si mama hindi ko rin kasama may pinuntahan kasi sila ni dada. Yung mga kapatid ko naman busy sa school.

Mabuti na nga rin at nasamahan pa ko nina Joaquin sobrang naiinip na kasi ako eh.

Gusto ko na siyang yakapin. Gusto ko na siyang mahawakan. Gusto ko na siyang makausap.

Miss na miss ko na si Janine. =(

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Hindi ko na kaya, hinihila na ni Janine yung katawan ko papalapit sakanya.

"Brace!"

Bago pa ko makapasok sa loob ng Hospital, tinawag muna ako ng papa ni Janine na alam kong kakagaling lang sa loob.

"Yes po tito?"

Tumingin si Tito kina Nash at tiningnan sila ng maguusap-muna-kami-ni-Brace. At syempre na-gets naman yon nung apat kaya umalis na muna sila at iniwan kami sa labas.

Umupo kami ni Tito Richard sa bench na inupuan ko kanina.

"Tito i'm sorry po sa nangyari. Hindi ko po sinasadyang mapahamak si Janine. Kasalan ko po. Pinapangako ko po, Hindi na po yun mauulit." Sabi ko.

"Alam ko yun, Iho. Alam kong mahal mo ang anak ko. Pero masyado pa kayong bata para sa mga ginagawa niyo. Hindi niyo pa kaya ang mga ganto. At hindi na talaga yun mauulit dahil kagaya niyan, magmamayabang kang marunong kang magmaneho, oh pagkatapos ano? Na-hospital lang ang anak ko. Brace, hindi na ko makakapayag na mangyari ulit yun. Ayokong nasasaktan lang ang anak ko. Kaya iho please, lubayan mo na si Janine. Maaring hindi talaga kayo ang para sa isa't isa. Marami pang iba dyan Iho. Iwan mo na ang anak ko." Sabi ng Papa ni Janine. Ano daw? Para akong nabingi sa mga sinabi ni Tito. Bakit pa? Huminga na naman ako ng patawad diba. Nangako na naman akong hindi ko na yun uulitin pero bakit pa niya ko pinalalayo kay Janine.

"No po Tito. Hinding-hindi ko po yan magagawa." Pagmamatigas ko pa rin kahit alam kong mahina ako at pilit na ilalayo pa rin ako ni Tito kay Janine.

"Brace..."

"Please po Tito. Kunin niyo na po ang lahat 'wag niyo lang ilayo saakin si Janine, please. Mahal na mahal ko po siya." Pagmamakaawa ko sakanya.

"Brace, Iho... Una pa lang ayaw na kita sa anak ko. Una pa lang may nakikita na agad akong mali sainyo. Kahit ngayon lang naman Brace, pagbigyan mo na ko. Umalis ka na sa buhay ng anak ko!" Hindi ko kaya...

Masyado akong nasasaktan sa mga naririnig ko. Hindi kaya ng puso ko. Yung mga tubig sa mata ko tumulo na. Hindi. Hindi ako papayag.

"Kahit anong pagmamakaawa mo, hindi na kita bibigyan ng pangalawang pagkakataon pa. Fourteen pa lang ang anak ko. Marami pa siyang dapat pagtuunan ng pansin. Kailangan niya pang mag-focus sa pag-aaral niya. Layuan mo na siya Brace, Sige na naman. Maghanap ka na lang ng iba. Hindi ka kailangan ni Janine!" Sabi ni Tito.

Maghanap ng iba? Bakit pa ako maghahanap kung nandyan lang naman yung taong mahal ko?

Konti na lang masasapak ko na 'to eh. Si Janine nga mahal ko. Si Janine lang. Ano bang mahirap intindihin don? Buti na lang tatay siya ng taong mahal ko at nakakayanan ko pang magtiis.

"Tito...."

"Iho, simula bukas lalayuan mo na ang anak ko. Sa ayaw at sa gusto mo, gagawin mo yun at tapos na ang usapan.." Sabi ng Papa ni Janine at iniwan akong namomroblema.

Ano yun? Yun na yun? Yun na yung sinasabi niyang usapan? Pambihira naman, anong klaseng usapang lalaki yun?

Ako? Akong si Brace Arquiza kayang iwan ang isang Janine Santos? Never.

Mahal ko si Janine mula kaluluwa hanggang panlabas na kaanyuan. Oo marami na kong naging girlfriend pero si Janine lang ang bukod tanging nagpaligaya at nagpakilig sakin ng ganto.

Pero naisip ko rin, siguro tama nga na layuan ko na lang siya. Ako ang naging dahilan kung bakit siya nandito sa Hospital. Ako rin ang dahilan kung bakit alalang-alala ngayon ang Parents niya.

Siguro nga walang Forever. Kasi kung meron, eh bakit kami nagkakaganito? Bakit pilit akong inilalayo sa taong mahal ko?

Ayokong gawin 'to pero satingin ko rin ito talaga ang tama. Siguro hindi pa nga ito ang Tamang Panahon para saamin.

I'm sorry, Janine.

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon