Chapter 27: #BAPumapagibig ~

223 7 3
                                    

Janine's POV

Nagising ako sa sinag ng araw na nakatapat saakin. Teka parang nangyari na 'to ah. Nung natulog ako kina-Brace.

Oo nga pala, nasaan na si Brace?

Napatingin ako sa Bracelet ko na kinuha nga daw ni Brace. Bakit ganun? Nasa kamay ko naman yung Bracelet ko.

Lumingon-lingon ako pero di ko siya nakita. Yung nangyari kagabi? Panaginip lang ba 'yon? Shocks.

Kung panaginip nga lang yun, ayos na rin yun. Atleast napaginipan ko si Brace. Gusto niyo ikwento ko pa yung panaginip kong mala-story sa wattpad eh.

Yun nga kinuha niya daw yung bracelet ko tapos nagpunta kami ni Aisha sa mall, kumain kami, nagpasalon, nagpunta daw kami sa tagaytay. Sinurprise daw ako nina Brace sa Birthday ko.
Kinantahan lang naman ako ng isang Brace Arquiza habang kami ay nasa tapat ng umaalon na tubig.

Grabe sobrang ganda ng panaginip ko. Sana pala di na ko nagising noh? Haha joke lang.

Tumayo na ko sa kama ko at lumabas papunta sa Dining Hall. Nagugutom na rin ako eh.

"Goodmorning babe!" Halos mapatalon ako sa gulat nung may magsalita sa likod ko.

"Ay sorry, nagulat ba kita?" Tiningnan ko ng bonggang-bongga yung nanggulat sakin. Halos lumabas na yung mata ko at mahulog yung panga ko nung nakita ko si Brace.

Sinundot-sundot ko yung pisngi niya para siguraduhing totoo siya.

"Aaahhh--!!" Sigaw ko kasi totoo nga siya. T_T So hindi pala panaginip yung sinurprise niya ko tapos naging kami? Humaygahd. T_T

"Shh wag ka namang maingay. Alam kong gwapo ako pero wag mo namang ipagsigawan pa." Sabi niya at tinanggal na niya yung kamay niya sa bibig ko.

Napayakap na lang ako sakanya dahil sa hindi ako makapaniwalang naging kami talaga kahapon.

Amoy na amoy ko siya ngayon. Ang bango niya talaga kahit bagong gising. Ohmygoodness. *_*

"Argh! Badtrip tal- Ohh, anong nangyayari dito?" Napa-ayos ako ng tayo nung may nagsalita sa likod. Akala ko isa sa mga nagtatrabaho dito sa Resort namin. Si Aisha lang pala.

"Ikaw pala Aisha. Nasan yung apat? Bakit di mo kasama?" Tanong ni Brace.

"Ahh, nandun sila sa swimming pool area. Eh bwiset kasi yung Grae na 'yon eh! Talsikan daw ba ko ng tubig edi nabasa ako." Sagot naman ni Aish na parang gusto-gusto na niyang pumatay ng tao. Lol

Naramdaman ko nanaman yung kamay ni brace sa balikat ko. Gosh ako na yata ang pinaka-maswerteng tao sa balat ng universe.

"Sige aish. Mauna na kami ng Janine ko."

"Hmp! Osige na nga. Mag-ingat kayo ha. Baka madapa pa kayo." Sabi ni Aisha sabay tawa.

Bineletan naman namin siya ni Brace. Inggit lang yan si Aish eh. Pano di niya kasama si Drei. Si Drei na walang malay. Joke hahahahaha.

~*~

Tapos na ko kumain. Actually hindi maayos yung pag-kain ko kasi di ako makagalaw ng maayos. Eh hindi naman kasi ako sanay na may tumititig sakin habang kumakain. Alam niyo yung feeling na parang tinutunaw na kayo ni Brace sa mga titig niya.

Ngayon nga eh hawak-hawak niya kamay ko. Holding hands ba..

Ganto pala yung feeling ng magkaroon ng Boyfriend. Ang sarap sa feeling. Yung 2nd day palang ng pagiging kayo eh feeling mo forever na agad kayo.

Alam kong walang forever pero nung makilala ko si brace, naniniwala na ko. ;)

"Swimming?"

"Tara." Sabi ko at tumawa pa ng kaonti.

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon