Chapter 3: #BAYouAreMySavior ~

383 16 0
                                    

Janine's POV

"Joaquin.." Mahina kong sabi. Napaka-seryoso ng mukha niya. Buti na nga lang may lumabas pang words sa bibig ko eh. Nakakagulat kasi.

"Gamitin mo na to. Panusan mo yang palda mo.. pati na rin yang mukha mo." Mukha ko? Huh?

Ngayon ko lang narealize na kanina pa ko umiiyak. Anubayan Janine. Tinapunan ka lang ng Juice sa palda, iiyak ka na? Duwag mo naman.

"S-Salamat." Sabi ko at kinuha yung panyo.

'Di ako makapaniwalang gagawin sakin to ni Joaquin. I mean feeling ko kase siya ang pinaka-mabait sakanilang lima.

Nginitian niya lang ako at naglakad na paalis. Parang biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung nakita ko siya.

Crush ko ba si Joaquin?

Bigla naman akong napatingin sa panyo na binigay niya. Nakalimutan kong punasan yung mga luha ko.

Grabe ang bango ng panyo niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. First time na may lalaking nag-abot sakin ng panyo. Waaaah!

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa Room namin habang inaamoy-amoy yung Panyo ni Joaquin. Shocks. Binabad ba tong panyo niya ng 24 hours sa isang Perfume? Joke lang.

Paguwi ko ng bahay nakita ko agad si Mama. Nagulat naman ako dahil 8PM pa naman ang uwi nila ni Papa eh pero nandito siya agad.

"Hi Ma! Bat ang aga mo po?" Tanong ko at kiniss si mama sa cheeks.

"Napagdesisyunan kasi namin ng Papa mo na siya na lang ang magasikaso ng business natin. At ako na lang naman magaalaga sayo dito." Sabi ni mama sabay lagay ng peanut butter sa sandwich niya.

"Ahh. Pero ma di mo naman ako kailangan alagaan. Malaki na po ako." Sabi ko.

"Haynako. Ang anak ko talaga dalagang dalaga na. Siguro may crush ka na noh? Sabihin mo sakin kung sino yon." Excited na sabi ni mama.

Ma, si Joaquin po. Chos.

"Wala po. Mama talaga. Si Frisbee po asan?" Tanong ko.

"Nandun sa Garden kasama si Manang." Sabi ni Mama. Tumango ako at naglakad papuntang garden.

"Frisbee!" Masigla kong sabi nang makita ko na si Frisbee na kumakain.

Si Frisbee ay alaga kong aso. Regalo siya nina mama at papa nung 14th birthday ko. Tinuturing ko nga yang Baby ko at ako ang Mommy niya eh. Sino kaya Daddy? Si Joaquin? Charot joke.

Lumuhod ako sandali para kunin si Frisbee. Ang cute cute talaga ng Baby ko.

"Ah, Manang pasok na po kayo sa loob. Ako na pong bahala dito." Nakangiti kong sabi kay manang. Tumango si manang at pumunta sa kusina.

"Kamusta na Baby? Namiss mo ba si Mommy?"

"Arf!"

Hinimas-himas ko muna ang ulo ni Frisbee bago siya pakainin ulit. Lumipat kami sa may Swing. Umupo ako dun habang pinapakain si Frisbee.

Nang maggagabi na pumasok na kami ni Frisbee sa loob. Hindi pa rin kasi ako nakakapagpalit ng damit, nakauniform pa ko.

Pinabantayan ko muna si Frisbee kay mama at umakyat sa taas. Naligo ako at nagbihis. Kinuha ko yung Laptop ko at nagonline sa Twitter.

Pagbukas ko bumungad sakin ang 5 notifications. Binuksan ko 'to at laking gulat ko ng makita ko ang mga pangalan nila.

Brace Arquiza followed you

Nash Aguas followed you

John Bermundo followed you

Grae Fernandez followed you

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon