Chapter 26: #BAOfficial ~ (Part2)

221 8 2
                                    

Janine's POV

"Maria Janine Santos, will you be my girlfriend?" Sabi niya ng bonggang-bongga. Aaahhhh!! Sayang wala si Aisha. Wala akong mahahampasan sa kilig.

"Uhhh Brace..."

"Don't worry, totoo na 'to promise! Peksman! Cross my heart! Padlock. Tapon susi." Natawa naman ako ng mahina dahil para siyang bata kung magsalita.

"Oo na."

"Anong oo na?"

"Oo na."

"Oo na.. na tayo na?"

"Ayaw mo ba? Sige wag na lang." Sabi ko sabay talikod. Pero syempre pinigilan niya ko. Shh, kasama talaga yun sa plano ko. Syempre magpapa-Pabebe muna ako bago ko siya sagutin. Haha!

"Uy, gusto ko.. So ano, tayo na?" Tinatanong pa ba yan? :)

Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Pabebe nga diba. P A B E B E.

Ngumiti siya at niyakap ako. Gaaaaahd! Mga apo, ang haba po ng Hair ng Lola niyo. Natatapakan niyo na! Lol.

Wag kayo mga beh hindi pa don nagtatapos. Binuhat niya pa ko at nagpaikot-ikot!

"Hoy anoba. Ibaba mo na ko." Natatawa kong sabi.

"Ang bigat mo!" Hinampas ko siya ng mahina sa Braso niya. Eh di ko naman sinabi na buhatin niya ko eh. Ano? Kasalanan ko pa? LOL joke lang.

May inabot siya saking Camera. Nagulat ako kasi paanong nasakanya yung Camera kong nasira niya?

Binuksan ko yun. Akala ko sira pa din siya. Laking gulat kong nabuksan ko na siya kaya napatingin na lang ako kay Brace.

Tinaas-taas niya yung dalawang kilay niya na parang sinasabi na pinaayos niya yun.

"Ayiiiiieeeeeee! Dalaga na ang bestfriend ko!"

"May lablayf na si Henry! Woohoo!"

"JaninAce FTW!!"

Nagulat ako nung magsigawan silang lahat. Kelan pa nagkatao dito?

"Happy Birthday anak!" Bati ni Mama. Lumaki yung mata ko sa gulat. Nakalimutan ko.

"Happy Birthday Janine!" Sabi naman ng Gimme 4, Aisha, mga Pinsan ko, Family ni Brace at yung iba mga classmates ko na.

"Wag ka Friend, ako nagplano niyan! Si brace lang ang gumawa." Sabi ni Aisha sabay irap. Yinakap ko yung Bestfriend ko ng mahigpit para mamatay na siya. Charot joke lang.

"Ako babe? Wala akong hug?" Sabi naman ng magaling kong Boyfriend at nag-pout pa. Ang cute ng Lolo niyo!

"Hug mo sarili mo!" Sabi ko at tumawa. Nakita ko namang nagpout pa siya lalo at kumunot na ang kilay.

"Joke lang. Syempre mas mahigpit sayo Babe." Sabi ko at niyakap na siya. Baka magtampo pa sa kapabebehan ko eh. Naramdaman ko naman ang mga braso niya pinulupot din sa katawan ko.

"Oops! Tama na yan, 5 minutes ka palang sinagot ni Janine landian na agad ng bonggang-bongga." Epal ni Aisha. -____-

Pero natawa pa din ako kasi nakita ko kung gaano nainis si Brace nung umepal si Aisha. Lol.

Ngayon ko lang napansin na may mga pagkain pala sa tabi. Kaya nung sinabi nang kakain na, eh naging ninja bigla yung mga tao at paunahan sa pila.

Si brace din, kumuha na ng pagkain namin. Ako naman ay pinaupo niya lang ako dito sa tabi.

Nagmasid-masid muna ako sa paligid.

Kaya pala familiar sakin 'tong Resort na 'to kasi saamin to. Omg. So nasa tagaytay kami?

Maya-maya pa ay dumating na si Brace na may hawak-hawak na isang plato. What the? Akala ko ba ikukuha niya ko ng pagkain ko rin? Bakit isa lang? Eh kulang pa yan sakin. Mamon lang kaya ang in-almusal at tinanghalian ko.

"Don't worry, hati tayo dito at susubuan kita. Alam kong gutom na gutom ka na." Sabi ni Brace na parang nababasa niya utak ko. Lol

Nakita ko sa plato niya ang iba't ibang ulam. May menudo, adobo, kare-kare at fried chicken. Odiba parang bata lang. Syempre may kanin din.

Sinubuan niya rin ako na parang bata. Nakakatuwang isipin na ayos na ulit kami ni Brace. Grabe magkakabati rin pala kami. Akala ko talaga forever na niya kong lalayuan.

Alam ko namang Pabebe ako pero duh nabigla talaga ako nung time na sinigawan ko siya.

Pero ngayon, kami na ulit. Totoo na 'to hindi na Fake. Real na real na parang dalandan. Lol.

Nung natapos na namin yung kinakain namin, umalis ulit si Brace at pagbalik niya may dala-dala nanaman siyang pagkain.

"Chocolate Ice Cream!" Woah ohmygod. Tinitignan ko pa lang siya, busog na ko. Pano pa kaya kung matikman ko siya? Heaven!

Natawa naman si Brace sa itsura ko na malamang eh may tig-isa nang puso sa mga mata ko.

"Pasensya na kung Sorbetes lang yun nabigay kong Ice Cream sa'yo ah. Hindi katulad nung kinain natin na Avocado Ice Cream malapit sa School." Sabi niya habang nakahawak yung isa niyang kamay sa batok niya.

"Ano ka ba! Okay lang 'yon! Pare-parehas lang naman ang lasa ng Ice Cream eh. Magkakaiba lang sila ng brand. Tsaka mas masarap kaya Sorbetes." Sabi ko at sinubo na yung hawak kong kutsara na may ice cream.

Narinig kong tumawa ng mahina si Brace at kinain na rin yung Ice Cream niya.

Sherep! Sherep!

Maya-maya pa ay hindi na namin namalayan ang oras at 10PM na pala. Yung iba umuwi na. Si mama din. Nag-sorry rin ako kay Frisbee dahil may bago na kong Baby. Pero pwede naman niyang maging Daddy si Brace. Odiba happy family na kami. Yay!

Naiwan kami ni Brace dito kasama ang Gimme 4 at si Aisha. Kumbaga Gimme 5 ft. JaniSha. LOL.

Pinagsabihan pa ni Mama si Brace na bantayan daw ang Dyosa niyang Girlfriend. Si brace naman, ayon feel na feel ang pagiging Boyfriend ko. Haha.

Nung 11PM na niyaya ako ni Brace na pumunta sa Beach. Yep, may beach dito. At umupo kami ni Brace sa isang malaking kahoy. Gumawa din siya ng Apoy para may liwanag daw. Ang taray ng lolo niyo, ang galing gumawa ng Apoy.

Dala-dala niya rin yung Gitara niya dahil gusto niya daw akong kantahan.

"~Hey girl, simula nung makilala ka di mapaliwanag sa sarili mundo ko ay nag-iba..

~Hey girl, simula nung makilala ka ang araw-araw maganda napuno ng kulay at saya..

~Kaya salamat sayo ang puso ko'y sayo lamang..
Sana wag kang malito dahil hindi ako nagbibiro..

~Hey girl, ikaw lang ang aking iniibig sa pagpikit at sa pagmulat ng mata ikaw ang nasa isip..

~ Hey girl, pinapangako ko sa'yo na ikaw lang ang nilalaman ng puso kong ito..

~Sana maniwala ka, at 'wag magtataka kung bakit ako ganito..
Hey girl.."

Unti-unti na rin ako nakaramdam ng antok. Napapapikit na rin ang aking mga mata sa kinakanta niya.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na ang pagbagsak ng ulo ko sa balikat niya medyo malakas siya pero sigurado akong hindi niya 'yon naramdaman dahil masyado siyang abala sa pagkanta.

Sweetdreams..

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Hi hello, Happy New Year!! 😁🎉

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon