Chapter 31: #BAAccident ~

233 9 5
                                    

Janine's POV

"Pa, kelan pa kayo umuwi dito? Ang akala ko po ba seventeen months pa kayo sa states?" Nagtataka kong tanong.

"Namiss ko na agad kasi kayo ng Mama mo eh." Sabi ni Papa. Tumango na lang ako.

"Goodevening po Tito." Biglang sabi ni Brace na ikinagulat ko medyo dahil nakalimutan kong katabi ko nga pala siya ngayon.

"Ahh Pa, si Brace po pala. Boyfriend ko po." 'Di ko mapaliwanag yung reaction ni Papa. 'Di ko alam kung masaya ba siya, galit, malungkot. Idk.

...Pero nag-smile naman siya kay Brace.

"Goodevening rin, Iho." Sabi naman ni Papa at tinapik-tapik pa yung balikat ni Brace.

Syempre bago pa maka-uwi si Brace ay nakipagkwentuhan pa si Papa. Interview kuno. Lol. Maya-maya lang ay naka-uwi din naman si Brace.

Sobrang nagulat pa ko dahil akala ko 17 months pa si Papa dun sa States. Ang bilis naman niya umuwi. Hays.

~*~

3 weeks ago..

"Janine! Janine! Yung notebook mo naiwan mo sa room." Sabi ng isang classmate ko.

"Ayy, salamat." Kinuha ko na sakanya yung notebook ko at inilagay sa bag.

"Tsk. Lutang ka nanaman." Sabi ni Aisha.

Sabihin na nating pati ako napapansin ko nang lagi akong matamlay. Ikaw ba naman magkaroon ng patong patong na projects, homeworks etc. Tapos may isang fan na rin na naka-alam na may girlfriend na si Brace. Worst, nalaman na rin nila na ako yun. Puro nalang bash and hates makikita mo notifs. ko. Nakakaurat na! Pagdating naman sa bahay, yung mga parents ko madalas na rin sila nag-aaway. Si brace, ayun hindi pa rin nagpaparamdam hanggang ngayon. Naiintindihan ko naman kung hindi siya maka-text or call sakin. Alam kong busy siya. Ang last na text niya sakin ay last week pa. Yung tinanong ko siya kung kamusta naman yung taping nila, okay naman daw. Hay, Ang hirap pala ng ganto. Pero kaya pa!

"Ikaw Janine ha, napapansin kong nangangayayat ka na. Kumakain ka ba sainyo? Yung eyebags mo konti na lang lalagpas na sa ilong mo." Sabi niya ulit pero kinunotan ko lang siya ng noo.

"Wala na kong oras pagminsan para sa tulog at kain, Aisha. Masyado akong busy sa pag-aaral ko." Spell Stress. J A N I N E.

"Kung makapagsalita ka naman dyan parang di tayo magkaklase. I feel you pero wag mo naman pabayaan yung sarili mo." Wala naman akong sinabing pinapabayaan ko sarili ko. Ang sabi ko lang PAGMINSAN. PAGMINSAN kasi nakakalimutan ko nang kumain at konting oras lang yung naitutulog ko.

"I'm sure, magugulat si Brace pag nakita ka. ...Sya nga pala. Nasaan na nga pala yung mokong na yun? Super busy?" Dagdag pa niya. Tumango na lang ako dahil nakaramdam ako ng lungkot. Nakakamiss siya.

"Ahh, kaya naman pala matamlay. Hindi nagpaparamdam yung Inspirasyon eh." Bulong niya pero wag kayo rinig na rinig ko. Binalewala ko na lang yun at dumiretso na sa cafeteria.

Kinabukasan, 6AM pa rin ako nagising. Actually inaantok pa ko at ayoko pang bumangon sa oras na yun. Nanaginip lang kasi ako. Sobrang weird niya.

FLASHBACKS

Naglalakad ako papuntang locker. Hindi ko kasama si Aisha at may kailangan pa daw siyang tapusin na isang homework. Nang marating ko na yung Locker ay binuksan ko na 'to. Kinuha ko yung ibang libro at gamit ko. Pagkasarado ko nagulat ako nung nakita ko si Zorene na nasa tabi ng locker ko. Linapitan ko pa siya kasi mukhang may sasabihin siya saakin.

"Oh, Zorene may kailangan ka ba?" Sabi ko.

"Janine.."

"Hmm?"

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon