Chapter 19: #BAAvocadoIceCream ~

334 5 0
                                    

Janine's POV

"Ang haba talaga ng Hair mo friend! May Fafa Joaquin ka na, may Fafa Brace ka pa. Alam mo sa totoo lang naiinggit ako sayo." ??

"Bakit naman Aish?"

"Kasi yung isa sa mga fangirl goals ko, nakuha mo na. Sana may feelings rin sakin si Grae. Kaso imposible eh." Nakita kong lumungkot yung mukha ni Aisha.

"Walang imposible Friend." Nakangiti kong sabi syempre para mapagaan ko din yung loob niya kahit papano.

"Hmp! Meron kaya. Teka, balik nga tayo sa lovelife mo. So sino?" Tanong nanaman ni Aisha. Ayy, kulit.

"Anong sino?"

"Asus. Kunwari ka pa, alam ko namang alam mo na yung tinutukoy ko. Halata naman dyan sa mga ngiti mo na kanina pa abot hanggang tenga eh." Bakit masama na ba ngumiti ng abot hanggang tenga ngayon?

"Ang sabi ko, sino ang mas matimbang dyan sa puso mo. Si Super Joaquin ba? Or baka naman si Captain Brace? Kyaaahh! Kinikilig ako." Aray ah, nabingi na nga ko sa tili niya tapos masasaktan pa ko sa hampas niya. Tigilan mo nga ko Aish!

Alam niyo kanina pa tong babaeng to hampas ng hampas eh. Kotang-kota na siya eh!

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin maka-move on sa nangyari kanina. Hindi niyo alam noh? Hayaan niyong ikwento ko sainyo. ;)

Flashbacks

Kaninang umaga kasi sumabay samin ni Aisha si Brace pumasok sa school. Dapat kaming dalawa lang ng Bestfriend ko eh. Kaso kelangan kong magkunwari dahil nandun si Mama kanina.

Ako ang naunang pumasok sa room namin. Akala ko tinigilan na ko ng 3 Bitchy Witches. Pero mali ako, muntik na kong matapunan ng pintura sa trap nila. At yung trap na yun ay para saakin! Odiba nakakapanggigil.

PERO!!

Tinulak ako ni Brace kaya saktong siya ang natapunan ng Pintura! Hindi naman masyadong malakas yung tulak niya.

Hindi ako makapaniwalang gagawin niya yun. Diba dapat hahayaan niya lang ako na matapunan ng Pintura. Bakit inangkin niya pa yung trap na yun.

Siguro nakatingin sina Lyssa saamin kaya niya yun nagawa. Sabagay kelangan magpanggap.

Pagkatapos nun nagpunta na ng CR si Brace magpapalit daw siya ng damit. Buti may extra yung Ipis na yun. Kundi baka forever na siyang maging color blue.

Nung recess naman, si Brace na ang nag-order ng kakainin namin. Nauna na rin siya sa Canteen.

Naglalakad lang kami ni Aisha ng biglang may natapakan akong bagay kaya bigla na lang ako nadulas.

Akala ko nung una, mababagok pa ko. Hindi pala. Nasalo pala ako ni Joaquin.

Pinagmasdan ko lang ang buong mukha ni Joaquin. Grabe ang kinis talaga ng mukha niya. Inggit na inggit ako sa kutis niya.

Nung tinayo na ko ni Joaquin si Brace agad ang una ko nakita. Ang ipis, namumula na. Namumula na sa galit!

Halata kasi sa mukha niya kapag galit siya. Tapos yung kamay niya nanginginig na parang manununtok na.

Siguro nagalit siya kasi siya na nga ang natapunan ng pintura kaninang umaga tapos ngayon baka iniisip niya kay Joaquin naman ako dumidikit.

Pagkatapos ng mga nangyari bumalik na lang kami ni Aisha sa Classroom namin.

End of flashbacks

Hanggang ngayon di ko pa din nakikita si Brace at Joaquin. Tapos etong kasama ko pa, hampas ng hampas. Ay jusko!

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon