Chapter 34: #BAMissingHim ~

114 5 0
                                    

Janine's POV

"Class dismiss!" Sigaw ni Mrs. Fortilio.

Dahil uwian na, happy happy yung iba kaya medyo umingay. Ako naman inayos ko muna yung mga gamit ko na nasa desk ko lang. This time, nagmamadali na ko ng bongga baka kasi wala na kong maabutan ulit.

Kaya lang bago ako makalabas ng Room namin, hinarang muna ako ni Graciela. She's my new friend.

Okay naman kami ni Aisha pero ang dalas niya na kasi pumasok tsaka di ko na rin siya nakakausap ng seryosohan... Hanggang sulyap na lang kami ganun.

"Hep! Hep!" Sabi nito.

"Hooray?" Pang-aasaar ko. Napa-poker face naman siya.

"Loka ka talaga. Oh teka, aabangan mo nanaman siya noh?" Nakapamewang niyang sabi.

Alam kong alam na neto ang dahilan kung bakit ako nagmamadali. 3 weeks ko na rin siyang friend, eh dahil madaldal akong tao edi alam niya na buong pagkatao ko.

Nagkakilala kami niyan ni Graciela dahil kay Aisha rin. Magkakilala pala silang dalawa hanggang sa napagtanungan ako ni Graciela kung alam ko ba daw kung nasaan si Aisha ngayon dahil ang tagal niya nang hindi nababayaran ang utang nito.

Hindi ko rin naman alam kung asan si Aisha kaya simula nun dikit na ng dikit sakin tong si Graciela. Hanggang sa naging good friends kami.. Yay!

Mabait siya, Mahilig sa Purple, Mahilig kumain ng potato chips, Badminton yung sports niya, Wala siyang jowa dahil taken na siya kay Harry Styles daw.

I like her din naman. Masarap din siyang kasama. Hindi rin naman nagseselos saamin si Aisha dahil, one day nun nagka-chikachika kaming tatlo. Alam yun ni Aisha, oks lang naman sakanya.

"Yep, osige na. Tabi na dyan at ako'y nagmamadali!" Bago pa siya maka-hirit ulit, dali dali na kong nagtatakbo.

Tumingin ako sa Relo ko....

Ohmygosh! Isang minuto na lang, dismissal na rin nila!

Kailangan ko siyang maabutan para makapagusap na kami. Miss ko na siya. Super. Duper. As in. 101%.

Sa pagmamadali ko, lumagpas pa ko ng 3 hakbang sa pinto ng Clasroom nila. Hays.

Sumilip ako ng bahagya sa pinto nila.....

Huwhaaaat?! Where is he?! Alam kong pumasok siya today, but....

"Babe!"

Unti-unti akong lumingon sa likod ko, alam ko kung kaninong boses yon kaya palingon pa lang ako napasimangot na agad ako.

Magkasama nanaman sila. What the heck. Ano bang meron sakanila, sila na ba?

Yumapos naman ito kay Brace. Si brace naman, ganun din ginawa... Nag-kiss pa sila.

Gusto ko mag-mura ngayon. Pero kalma muna ako, maraming tao nakakahiya. ...........Kaso masakit.

"Let's go?" Tanong nanaman ng bruha.

"Yeah. Su-" Bago sila maka-alis pinigilan kong magsalita si Brace.

No! Hindi ako papayag na mauwi na lang sa wala yung tinakbo ko mula 4th floor sa kabilang building hanggang dito! Pang-sampung beses na nga 'to eh. Nakakapagod kaya.

"Brace!" I shouted.

Sabay naman silang napalingon. Tiningnan ko ng masama si Zorene bago tumingin kay Brace sabay ngiti na parang aso. Lol. Si brace naman tiningnan ako ng sobrang lamig. Cold na cold hays. Malamig pa sa patay kunno!

In-ignore ko lang yon at ngumiti lang. Sinusubukan kong basahin yung nasa mga mata niya. Napaka-seryoso niya kung tumitig. Nakaka-distract. Nakalimutan ko na nga yata yung sasabihin ko sakanya.

"Ahh.....Brace...."

"What do you need, Bitch?" Singit neto ni Zorene. Anuba, pasalita na ko oh? Panira ka namang hipon ka eh!

"K-kasi..... A-ano...." Leche sige utal pa.

"What?" Naiinip na tanong ni Brace.

"G-gusto ko lang... i-itanong kung..."

"You're wasting our time. We need to go." Cold niyang sabi. Tumalikod na siya at naglakad paalis. "Let's go."

Nginitian lang ako ng pang-asar ni Zorene at nag-wave pa. Huh! Akala niya naasar ako? Akala niya nagalit ako? Akala niya nagselos ako? Pwes....... tama siya.

Napansin ko rin yung tatlong ex ni Brace na dati ay ayaw akong tigilan. Katunog nila yung witch kung tumawa...... Sabagay witch nga pala sila.

Nalungkot ako bigla. Anong nangyari kay Brace? Bakit biglang naging ganun na lang yung pakitungo niya sakin. Wala na nga si Aisha, wala pa yung taong mahal ko.

Nag-iba yata yung ihip ng panahon. Tama nga kaya yung hinala ni Graciela na baka nung mga oras na nasa Hospital ako eh ginayuma siya nina Zorene? 

*flashbacks*

Pagkagising ko ng umaga, may mga bulaklak na agad ang bumungad sakin. Hindi na ko nag-isip pa kung kanino ito galing dahil alam ko naman na si Brace nagbigay nito.

I tried to text him but no replies. Kinabukasan, tinatawagan ko naman siya. Di ko naman ma-contact. Hanggang sa ayun na, nakalabas na ko ng Hospital, nakapasok sa School ko, wala pa ring Brace Arquiza ang nagpaparamdam saakin.

Nag-palit na rin siya ng section niya at hindi na kami classmate sa kahit saang subjects.

Nakilala ko na si Graciela, wala paring mukhang Brace Arquiza ang lumalapit manlang saakin. Pero yeah, nakikita ko naman siya dito sa School. Kapag nakakasalubong ko siya, nginingitian ko siya kaya lang para sakanya, multo lang ako na kaya niyang dedmahin.

Never ko pa siya naka-usap pero everyday na pumapasok naman siya, lagi ko siyang inaabangan kaya lang ang laging sagot, "I'm busy." or "May shooting pa ko." 

Ano ba ang nakain neto at bakit naging ganto siya? Miss ko na siya. :(

*end of flashbacks*

~*~

Short ud muna hehe sorry.

Begin Again (A Brace Arquiza Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon